Add parallel Print Page Options

Sa kanilang kasakiman, pagsasamantalahan nila kayo sa pamamagitan ng mga pakunwaring salita. Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila at hindi natutulog ang kapahamakang darating sa kanila.

Maging ang mga anghel na nagkasala ay hindi pinaligtas ng Diyos; itinapon niya sila sa impiyerno,[a] kung saan sila'y iginapos sa kadiliman at doon paghihintayin hanggang paghuhukom. Maging (A) ang masasamang tao noong unang panahon ay hindi niya pinaligtas. Ginunaw niya ang unang daigdig sa pamamagitan ng baha at wala siyang iniligtas maliban kay Noe na tagapangaral ng katuwiran, at ang pito niyang kasama.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Pedro 2:4 Sa Griyego, Tartaro.