Font Size
2 Pedro 2:15-17
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Pedro 2:15-17
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
15 Iniwan (A) nila ang daang matuwid at sila'y naligaw. Sinundan nila ang daan ng anak ni Beor[a] na si Balaam na umibig sa bayad ng masama. 16 Ngunit siya'y sinaway ng isang asno sa kanyang kamalian, isang hayop na hindi makapagsalita, ngunit nagsalita na parang tao upang siya'y pigilan sa kanyang kahibangan.
17 Ang katulad ng mga taong ito'y mga bukal na walang tubig at mga ulap na itinataboy ng malalakas na hangin. Matinding kadiliman ang naghihintay sa kanila.
Read full chapterFootnotes
- 2 Pedro 2:15 Sa Griyego, Buzor.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.