Add parallel Print Page Options

11 Samantalang ang mga anghel na higit na malakas at makapangyarihan ay hindi nanlait sa kanilang paghaharap sa Panginoon ng sakdal laban sa kanila. 12 Subalit ang mga taong ito'y lumalait sa mga bagay na hindi naman nila nauunawaan. Para silang mga hayop na walang bait at nagpapadala lamang sa kanilang mabangis na simbuyo. Kaya kung paanong isinilang upang hulihin at patayin ang mga ganitong hayop, ang mga taong ito'y papatayin din. 13 Pagbabayaran nila ang ginawa nilang kasamaan sa iba. Hindi na sila nahihiyang magpakasawa sa kamunduhan araw-araw. Nakikisalo sila sa inyong mga handaan, ngunit puro kasiraan at kahihiyan ang kanilang ginagawa. Ikinatutuwa pa nila ang kanilang panlilinlang.

Read full chapter