Font Size
2 Juan 6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Juan 6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 At ganito ang pag-ibig na binabanggit ko: mamuhay tayo nang ayon sa mga utos ng Diyos. Ito ang utos na ibinigay sa inyo noon pang una: mamuhay kayo nang may pag-ibig.
7 Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y dumating bilang tao. Ang ganoong tao ay mandaraya at kaaway ni Cristo.[a] 8 Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran,[b] sa halip ay lubusan ninyong makamtan ang gantimpala.
Read full chapter