2 Hari 24
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
24 Nang panahon ng paghahari ni Jehoyakim, nilusob ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ang Juda at sa loob ng tatlong taon napasailalim sa kanyang pamamahala si Jehoyakim. Pero sa huli nagrebelde siya kay Nebucadnezar. 2 Ipinadala ng Panginoon ang mga taga-Babilonia,[a] taga-Aram, taga-Moab at taga-Ammon para lusubin ang Juda, ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga lingkod niyang propeta. 3 Nangyari ito sa Juda ayon sa iniutos ng Panginoon, para mapalayas niya ang mga ito sa harapan niya, dahil sa mga kasalanang ginawa ni Manase. 4 Ang pagpatay niya sa mga inosenteng tao at ang pagdanak ng dugo nito sa Jerusalem ay hindi mapapatawad ng Panginoon.
5 Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jehoyakim, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda. 6 Nang mamatay si Jehoyakim, ang anak niyang si Jehoyakin ang pumalit sa kanya bilang hari.
7 Hindi na muling lumusob ang hari ng Egipto, dahil sinakop ng hari ng Babilonia ang lahat ng teritoryo nito, mula sa Lambak ng Egipto hanggang sa Ilog ng Eufrates.
Ang Paghahari ni Jehoyakin sa Juda(A)
8 Si Jehoyakin ay 18 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng tatlong buwan. Ang ina niya ay si Nehusta na taga-Jerusalem at anak ni Elnatan. 9 Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng ama niyang si Jehoyakim.
10 Nang panahon ng paghahari niya, ang mga opisyal ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ay lumusob sa Jerusalem at pinalibutan ito. 11 Pumunta si Nebucadnezar sa Jerusalem habang pinalilibutan ng kanyang mga tauhan ang buong lungsod. 12 At sumuko sa kanya si Haring Jehoyakin kasama ang kanyang ina, mga lingkod, mga tanyag na tao at mga opisyal.
Nang ikawalong taon ng paghahari ni Nebucadnezar sa Babilonia, binihag niya si Jehoyakin. 13 Ayon sa sinabi noon ng Panginoon, kinuha ni Nebucadnezar ang lahat ng kayamanan sa templo ng Panginoon at sa palasyo, at ang lahat ng gintong kagamitan na ipinagawa ni Haring Solomon ng Israel para sa templo ng Panginoon. 14 At binihag niya ang 10,000 naninirahan sa Jerusalem, kasama ang lahat ng opisyal, pinakamahuhusay na sundalo, lahat ng mahuhusay na manggagawa at mga panday. Ang pinakamahihirap na tao lang ang natira.
15 Binihag ni Nebucadnezar si Jehoyakin sa Babilonia, pati ang kanyang ina, mga asawa, mga opisyal at ang mga tanyag na tao sa Juda. 16 Binihag din ni Nebucadnezar ang 7,000 pinakamatatapang na sundalo, 1,000 mahuhusay na manggagawa at mga panday na mga sundalo rin. 17 Ang ipinalit niya bilang hari ay si Matania na tiyuhin ni Jehoyakin. At pinalitan niya ang pangalan ni Matania na Zedekia.
Ang Paghahari ni Zedekia sa Juda(B)
18 Si Zedekia ay 21 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 11 taon. Ang ina niya ay si Hamutal na taga-Libna at anak ni Jeremias. 19 Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ni Jehoyakim. 20 Sa galit ng Panginoon, pinalayas niya sa harapan niya ang mga taga-Jerusalem at taga-Juda.
Ang Pagkawasak ng Jerusalem(C)
Nagrebelde si Zedekia sa hari ng Babilonia.
Footnotes
- 24:2 taga-Babilonia: sa literal, Caldeo. Ito ang tawag sa mga taga-Babilonia.
2 Kings 24
New International Version
24 During Jehoiakim’s reign, Nebuchadnezzar(A) king of Babylon invaded(B) the land, and Jehoiakim became his vassal for three years. But then he turned against Nebuchadnezzar and rebelled.(C) 2 The Lord sent Babylonian,[a](D) Aramean,(E) Moabite and Ammonite raiders(F) against him to destroy(G) Judah, in accordance with the word of the Lord proclaimed by his servants the prophets.(H) 3 Surely these things happened to Judah according to the Lord’s command,(I) in order to remove them from his presence(J) because of the sins of Manasseh(K) and all he had done, 4 including the shedding of innocent blood.(L) For he had filled Jerusalem with innocent blood, and the Lord was not willing to forgive.(M)
5 As for the other events of Jehoiakim’s reign,(N) and all he did, are they not written in the book of the annals of the kings of Judah? 6 Jehoiakim rested(O) with his ancestors. And Jehoiachin(P) his son succeeded him as king.
7 The king of Egypt(Q) did not march out from his own country again, because the king of Babylon(R) had taken all his territory, from the Wadi of Egypt to the Euphrates River.
Jehoiachin King of Judah(S)
8 Jehoiachin(T) was eighteen years old when he became king, and he reigned in Jerusalem three months. His mother’s name was Nehushta(U) daughter of Elnathan; she was from Jerusalem. 9 He did evil(V) in the eyes of the Lord, just as his father had done.
10 At that time the officers of Nebuchadnezzar(W) king of Babylon advanced on Jerusalem and laid siege to it, 11 and Nebuchadnezzar himself came up to the city while his officers were besieging it. 12 Jehoiachin king of Judah, his mother, his attendants, his nobles and his officials all surrendered(X) to him.
In the eighth year of the reign of the king of Babylon, he took Jehoiachin prisoner. 13 As the Lord had declared,(Y) Nebuchadnezzar removed the treasures(Z) from the temple of the Lord and from the royal palace, and cut up the gold articles(AA) that Solomon(AB) king of Israel had made for the temple of the Lord. 14 He carried all Jerusalem into exile:(AC) all the officers and fighting men,(AD) and all the skilled workers and artisans—a total of ten thousand. Only the poorest(AE) people of the land were left.
15 Nebuchadnezzar took Jehoiachin(AF) captive to Babylon. He also took from Jerusalem to Babylon the king’s mother,(AG) his wives, his officials and the prominent people(AH) of the land. 16 The king of Babylon also deported to Babylon the entire force of seven thousand fighting men, strong and fit for war, and a thousand skilled workers and artisans.(AI) 17 He made Mattaniah, Jehoiachin’s uncle, king in his place and changed his name to Zedekiah.(AJ)
Zedekiah King of Judah(AK)
18 Zedekiah(AL) was twenty-one years old when he became king, and he reigned in Jerusalem eleven years. His mother’s name was Hamutal(AM) daughter of Jeremiah; she was from Libnah. 19 He did evil(AN) in the eyes of the Lord, just as Jehoiakim had done. 20 It was because of the Lord’s anger that all this happened to Jerusalem and Judah, and in the end he thrust(AO) them from his presence.(AP)
The Fall of Jerusalem(AQ)(AR)(AS)
Now Zedekiah rebelled against the king of Babylon.
Footnotes
- 2 Kings 24:2 Or Chaldean
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Copyright © 2004 by World Bible Translation Center
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

