Add parallel Print Page Options

Paghahari ni Joachaz.

36 Nang magkagayo'y kinuha (A)ng bayan ng lupain si Joachaz na anak ni Josias, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama sa Jerusalem.

Si Joachaz ay may dalawang pu't tatlong taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing tatlong buwan sa Jerusalem.

At inalis siya sa Jerusalem ng hari sa Egipto, at pinabuwis ang lupain ng isang daang talentong pilak at ng isang talentong ginto.

At inihalal na hari sa Juda at sa Jerusalem ng hari sa Egipto si Eliacim na kaniyang kapatid, at pinalitan ang kaniyang pangalan ng Joacim. At kinuha ni Nechao si Joachaz na kaniyang kapatid, at dinala niya siya sa Egipto.

Paghahari ni Joacim.

(B)Si Joacim ay may dalawang pu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing isang taon, sa Jerusalem: at siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon niyang Dios.

Laban sa kaniya ay umahon si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at tinanikalaan siya, upang dalhin siya sa Babilonia.

(C)Si Nabucodonosor ay nagdala naman ng mga sisidlan ng bahay ng Panginoon sa Babilonia, at inilagay sa kaniyang templo sa Babilonia.

Ang iba nga sa mga gawa ni Joacim, at ang kaniyang mga karumaldumal na kaniyang ginawa, at ang nasumpungan sa kaniya, narito, nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel at Juda: at si (D)Joachin, na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Paghahari ni Joachin at ni Sedecias.

Si Joachin ay (E)may walong taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari: at siya'y nagharing tatlong buwan at sangpung araw sa Jerusalem: at siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon.

10 (F)At sa pagpihit ng taon, (G)si Nabucodonosor ay nagsugo, at dinala siya sa Babilonia, pati ng mga mainam na sisidlan ng bahay ng Panginoon at ginawang hari si (H)Zedecias na kaniyang kapatid sa Juda at Jerusalem.

11 (I)Si Zedecias ay may dalawang pu't isang taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing isang taon sa Jerusalem:

12 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon niyang Dios; siya'y hindi nagpakababa sa harap ni (J)Jeremias na propeta na nagsasalita ng galing sa bibig ng Panginoon.

13 (K)At siya rin nama'y nanghimagsik laban sa haring Nabucodonosor, na siyang nagpasumpa sa kaniya sa pangalan ng Dios: nguni't pinapagmatigas niya ang kaniyang ulo at pinapagmatigas niya ang kaniyang puso sa panunumbalik sa Panginoon, sa Dios ng Israel.

14 Bukod dito'y lahat ng mga pinuno ng mga saserdote, at ang bayan, ay nagsisalangsang na mainam ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa; at kanilang dinumhan ang bahay ng Panginoon na kaniyang itinalaga sa Jerusalem.

15 At ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, nagsugo sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga sugo, na bumangong maaga at nagsugo, sapagka't siya'y nagdalang habag sa kaniyang bayan, at sa kaniyang tahanang dako:

16 Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, (L)at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.

Ang Jerusalem ay giniba.

17 Kaya't dinala niya sa kanila ang hari ng mga Caldeo, na siyang (M)pumatay sa kanilang mga binata sa pamamagitan ng tabak sa bahay ng kanilang santuario, at hindi nagkaroon ng habag sa binata, o sa dalaga, sa matanda o sa may uban: ibinigay niya silang lahat sa kaniyang kamay.

18 (N)At lahat ng mga kasangkapan ng bahay ng Dios, malaki at maliit, at ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan ng hari, at ng kaniyang mga prinsipe; lahat ng mga ito'y dinala niya sa Babilonia.

19 (O)At sinunog nila ang bahay ng Dios, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem, at sinunog sa apoy ang lahat na bahay hari niya, at giniba ang lahat na mainam na sisidlan niyaon.

20 At ang mga nakatanan sa tabak, dinala niya sa Babilonia; at mga (P)naging alipin niya at ng kaniyang mga anak hanggang sa paghahari ng kaharian ng Persia:

21 Upang ganapin ang salita ng Panginoon (Q)sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, hanggang sa ang lupain ay nagalak sa (R)kaniyang mga sabbath: sapagka't habang giba ay kaniyang (S)ipinagdidiwang ang sabbath, upang ganapin ang pitong pung taon.

Ang utos ni Ciro na itayo ang templo.

22 (T)Sa unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang loob ni Ciro na hari sa Persia, na siya'y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian, at isinulat din naman, na sinasabi,

23 Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia: Lahat ng kaharian sa lupa ay ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit; at kaniyang binilinan ako na ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda. Sinomang mayroon sa inyo sa buong kaniyang bayan, sumakaniya nawa ang Panginoon niyang Dios, at umahon siya.

'2 Paralipomeno 36 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Jehoahaz Becomes King(A)

36 After this, the people of the land installed Josiah’s son Jehoahaz in Jerusalem as king to take his father’s place. Jehoahaz was 23 years old when he became king, and he reigned for three months in Jerusalem, after which the king of Egypt dethroned him and imposed a fine on the land of 100 talents[a] of silver and one talent[b] of gold. King Neco of Egypt installed Jehoahaz’s[c] brother Eliakim as king over Judah and Jerusalem, changed Eliakim’s name to Jehoiakim, and took his brother Joahaz back to Egypt.

Jehoiakim’s Reign; Nebuchadnezzar’s First Capture of Jerusalem

Jehoiakim was 25 years old when he became king, and he reigned eleven years in Jerusalem, but he practiced what the Lord his God considered to be evil. As a result, King Nebuchadnezzar of Babylon attacked him, bound him in bronze shackles, and took him to Babylon. Nebuchadnezzar also took articles from the Lord’s Temple to Babylon and placed them in his temple in Babylon. The rest of Jehoiakim’s accomplishments—along with the detestable things that he did that were recorded in his disfavor—are written in the Book of the Kings of Israel and Judah. His son Jehoiachin became king to replace him.

Jechoiachin’s Reign; Nebuchadnezzar’s Second Capture of Jerusalem

Jehoiachin was eight years old when he became king, and he reigned for three months and ten days in Jerusalem, all the while doing what the Lord considered to be evil. 10 At the beginning of the next year, King Nebuchadnezzar sent for him and brought him to Babylon, along with valuable articles from the Lord’s Temple, and he installed Jehoiachin’s relative Zedekiah as king over Judah and Jerusalem.

Zedekiah Rules in Judah(B)

11 Zedekiah was 21 years old when he became king, and he reigned for eleven years in Jerusalem. 12 He practiced what the Lord his God considered to be evil and never humbled himself before Jeremiah the prophet who spoke for the Lord. 13 Zedekiah rebelled against King Nebuchadnezzar, who had made him swear allegiance in the name of[d] God. Instead, he stiffened his resolve,[e] and hardened his heart, and would not return to the Lord God of Israel.

Nebuchadnezzar’s Third Capture of Jerusalem(C)

14 Meanwhile, all the officials who supervised the priests and the people remained unfaithful, following the detestable example of the surrounding nations. They polluted the Lord’s Temple that he had consecrated in Jerusalem. 15 The Lord God of their ancestors pleaded with them time and again through his messengers, because he had compassion on his people and on the place of his residence, 16 but they mocked God’s messengers, despised his words, and scoffed at his prophets, until there was no remedy for the wrath of the Lord that arose to punish[f] his people. 17 Therefore he brought up the king of the Chaldeans against them, who executed their young men in the holy Temple, showing no compassion on young man or young virgin, adult men or the aged. God gave them all into the king’s control, 18 who took back to Babylon every article in God’s Temple, whether large or small, including the treasuries of the Lord’s Temple, the king’s assets, and those of his officers. 19 After this, they set fire to God’s Temple, demolished the wall around Jerusalem, burned all of its fortified buildings, and destroyed everything of value. 20 Nebuchadnezzar[g] carried off to Babylon those who survived the executions, and they served him and his descendants until the kingdom of Persia came to power. 21 All of this fulfilled what the Lord had predicted through Jeremiah. And so the land enjoyed its Sabbaths, and the length of the land’s desolation lasted until a 70-year long Sabbath had been completed.

An Edict to Rebuild the Temple(D)

22 During the first year of Cyrus, king of Persia, in fulfillment of the message from the Lord spoken by Jeremiah, the Lord prompted[h] Cyrus, king of Persia, to make this proclamation throughout his entire kingdom, which was also released in written form:

23 An Official Statement

from[i] Cyrus, King of Persia

All of the kingdoms of the earth have been given to me by the Lord God of Heaven, and he specifically charged me to build a temple[j] for him in Jerusalem, which is in Judah. Therefore, who among the Lord’s[k] people trusts in his God? Whoever among this group wishes to do so may travel to Jerusalem.[l]

Footnotes

  1. 2 Chronicles 36:3 I.e. about 7,500 pounds; a talent weighed about 75 pounds
  2. 2 Chronicles 36:3 I.e. about 75 pounds; a talent weighed about 75 pounds
  3. 2 Chronicles 36:4 Lit. his
  4. 2 Chronicles 36:13 The Heb. lacks allegiance in the name of
  5. 2 Chronicles 36:13 Lit. neck
  6. 2 Chronicles 36:16 Lit. arose against
  7. 2 Chronicles 36:20 Lit. He
  8. 2 Chronicles 36:22 Lit. Lord stirred up the spirit of
  9. 2 Chronicles 36:23 Lit. Thus says
  10. 2 Chronicles 36:23 Or house
  11. 2 Chronicles 36:23 Lit. among all of his
  12. 2 Chronicles 36:23 The Heb. lacks to Jerusalem