Add parallel Print Page Options

Kaya't minabuti ko na kailangang pakiusapan ang mga kapatid na ito na maunang pumunta riyan sa inyo, at maihanda agad ang kaloob na nauna ninyong ipinangako. Sa gayon, maihahanda ito bilang isang handog na bukal sa loob at hindi sapilitan.

At ito ang ibig kong sabihin: Ang nagtatanim ng kaunti ay kaunti rin ang aanihin, at ang nagtatanim ng marami ay marami rin ang aanihin. Ang bawat isa ay magbigay ayon sa ipinasya ng kanyang puso, hindi nanghihinayang, o napipilitan lamang sapagkat iniibig ng Diyos ang masayang nagbibigay.

Read full chapter