Add parallel Print Page Options

13 Sa pamamagitan ng katibayan ng paglilingkod na ito sila ay lumuluwalhati sa Diyos dahil sa inyong pagpapahayag ng inyong pagpapasakop sa ebanghelyo ni Cristo. At ito ay dahil na rin sa inyong pakikipag-isa sa matapat na pagbibigay para sa kanila at para sa lahat. 14 Lumuluwalhati sila sa Diyos sa panalanging may paghiling para sa inyo, sila na nananabik sa inyo dahil sa nakakahigit na biyaya ng Diyos sa inyo. 15 Ang pasasalamat ay sa Diyos dahil sa kaniyang hindi maipaliwanag na kaloob.

Read full chapter

13 Napatunayan ninyo ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng paglilingkod na ito, kaya't niluluwalhati ng mga tao ang Diyos dahil sa inyong pagsunod na naaayon sa inyong pagkilala sa ebanghelyo ni Cristo, at dahil din sa inyong kagandahang-loob sa pamamahagi para sa kanila at sa lahat ng tao. 14 Habang sila naman sa pananalangin alang-alang sa inyo ay nananabik sa inyo dahil sa hindi masukat na biyayang ibinigay sa inyo ng Diyos. 15 Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kahanga-hangang kaloob.

Read full chapter