2 Corinto 8:22-24
Ang Dating Biblia (1905)
22 At aming sinugong kasama nila ang aming kapatid, na aming nasubok na madalas na masikap sa maraming bagay, datapuwa't ngayon ay lalo nang masikap, dahil sa malaking pagkakatiwala niya sa inyo.
23 Kung may magsiyasat tungkol kay Tito, siya'y aking kasama at kamanggagawa sa pagpapagal sa inyo; o sa aming mga kapatid, sila'y mga sugo ng mga iglesia, at kaluwalhatian ni Cristo.
24 Inyo ngang ipakita sa kanila sa harapan ng mga iglesia ang katunayan ng inyong pagibig, at ng aming pagmamapuri dahil sa inyo.
Read full chapter
2 Corinto 8:22-24
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
22 Isinugo rin naming kasama nila ang aming kapatid na subok na subok na namin at napatunayang masigasig sa maraming bagay, at lalo pa ngayon dahil sa kanyang malaking pagtitiwala sa inyo. 23 Tungkol kay Tito, siya'y aking katuwang at kamanggagawa para sa inyo. Tungkol naman sa ating mga kapatid, sila'y mga sugo ng mga iglesya, ang kaluwalhatian ni Cristo. 24 Kaya't sa harapan ng mga iglesya, ipakita ninyo sa mga taong ito ang katibayan ng inyong pag-ibig at kung may dahilan nga ba kaming ipagmalaki kayo.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.