2 Corinto 8:17-19
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
17 Sapagkat hindi lang siya sumang-ayon sa aming pakiusap, kundi siya na rin mismo ang may gustong pumunta riyan. 18 Pasasamahin namin sa kanya ang isa sa mga kapatid natin na kilala sa lahat ng iglesya dahil sa paglilingkod niya para sa Magandang Balita. 19 Hindi lang iyan, siya rin ang pinili ng mga iglesya na sumama sa amin para magdala ng tulong sa mga nangangailangan, nang sa ganoon ay maparangalan ang Panginoon at maipakita namin na talagang gusto naming makatulong.
Read full chapter
2 Corinto 8:17-19
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
17 Sapagkat hindi lamang niya tinanggap ang aming pakiusap, kundi pupunta pa siya riyan sa inyo nang may buong sigasig, at ito'y sa sarili niyang kapasyahan. 18 Isinusugo naming kasama niya ang kapatid na iginagalang ng mga iglesya dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. 19 Bukod dito, pinili siya ng mga iglesya na maglakbay na kasama namin kaugnay ng biyayang ito sa ilalim ng aming paglilingkod, upang maparangalan ang Panginoon, at upang ipakita ang aming kahandaang tumulong.
Read full chapter
2 Corinthians 8:17-19
New International Version
17 For Titus not only welcomed our appeal, but he is coming to you with much enthusiasm and on his own initiative.(A) 18 And we are sending along with him the brother(B) who is praised by all the churches(C) for his service to the gospel.(D) 19 What is more, he was chosen by the churches to accompany us(E) as we carry the offering, which we administer in order to honor the Lord himself and to show our eagerness to help.(F)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

