Add parallel Print Page Options

Mga minamahal, yamang mayroon tayong mga ganitong pangako, linisin natin ang ating mga sarili sa lahat ng nagpaparumi ng katawan at ng espiritu, at gawin nating lubusan ang kabanalan nang may takot sa Diyos.

Ang Kagalakan ni Pablo

Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso. Wala kaming inaping sinuman. Wala kaming sinirang sinuman. Wala kaming pinagsamantalahan. Hindi ko sinasabi ito upang husgahan kayo, sapagkat sinabi ko na nang una pa, na kayo'y nasa aming mga puso, anupa't kami'y handang mamatay at mabuhay na kasama ninyo. Malaki ang tiwala ko sa inyo. Labis ko kayong ipinagmamalaki. Punung-puno ako ng lakas ng loob. Nag-uumapaw ang aking kagalakan sa kabila ng aming paghihirap.

Sapagkat (A) maging nang dumating kami sa Macedonia ay walang pahinga ang aming mga katawan, sa halip ay kabi-kabila ang pagpapahirap sa amin—sa labas ay may pakikipaglaban, sa loob naman ay may takot. Ngunit pinasigla kami ng Diyos, na siyang nagpapasigla sa mga nalulungkot sa pamamagitan ng pagdating ni Tito, at hindi lamang sa pamamagitan ng kanyang pagdating, kundi sa pamamagitan din ng kasiglahang ibinigay ninyo sa kanya. Ibinalita niya sa amin ang inyong pananabik, ang inyong matinding kalungkutan, at ang inyong pagmamalasakit para sa akin, at ang mga ito'y lalo ko pang ikinagalak. Sapagkat kahit pinalungkot ko kayo sa pamamagitan ng aking sulat, hindi ko ito ipinagdaramdam, bagama't nagdamdam din ako, sapagkat nalaman ko na ang sulat na iyon ay nakapagpalungkot sa inyo, kahit sa maikling panahon lamang. Ngayon, ako'y nagagalak hindi dahil sa kayo'y nalungkot, kundi dahil ang inyong kalungkutan ang nagdala sa inyo sa pagsisisi. Sapagkat kayo'y nalungkot nang ayon sa kalooban ng Diyos, upang kayo'y huwag dumanas ng kalugihan sa pamamagitan namin. 10 Sapagkat ang kalungkutang ayon sa kalooban ng Diyos ay nagbubunga ng tunay na pagsisisi tungo sa kaligtasan, ngunit ang kalungkutang ayon sa sanlibutan ay nagbubunga ng kamatayan. 11 Tingnan ninyo ngayon ang nagawa sa inyo ng kalungkutang ito na naaayon sa Diyos: kung anong pagsisikap upang ipagtanggol ang inyong mga sarili, kung anong pagkagalit, kung anong pangamba, pananabik, pagmamalasakit, at pagnanais na maigawad ang katarungan! Lubos ninyong napatunayan na kayo'y walang sala tungkol sa bagay na ito. 12 Kaya't bagaman ako ay sumulat sa inyo, iyon ay hindi dahil sa taong gumawa ng kamalian, at hindi rin dahil sa taong ginawan ng kamalian, kundi upang maging malinaw sa inyo na kayo'y may pagmamalasakit para sa amin sa harapan ng Diyos. 13 Dahil dito'y napasigla kami.

Bukod sa aming sariling kasiglahan ay lalo pa kaming natuwa dahil sa kagalakan ni Tito, sapagkat pinaginhawa ninyo ang kanyang espiritu. 14 Ipinagmalaki ko kayo sa kanya at hindi naman ako napahiya. Kung paanong ang lahat ng aming sinabi sa inyo ay totoo, napatunayan din namang totoo ang aming pagmamalaki tungkol sa inyo kay Tito. 15 At lalo pang lumaki ang pagmamahal niya sa inyo kapag naaalala niya na kayong lahat ay masunurin, at kung paanong tinanggap ninyo siya na may takot at panginginig. 16 Ikinagagalak kong lubos ang pagtitiwala ko sa inyo.

Mga minamahal, dahil sa mga ipinangako ng Dios sa atin, linisin natin ang ating sarili sa anumang bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu, at sikapin nating mamuhay nang banal at may takot sa Dios.

Ang Kagalakan ni Pablo

Tanggapin ninyo kami sa inyong mga puso. Wala kaming ginawang masama kahit kanino. Hindi namin siniraan o dinaya ang sinuman. Hindi ko sinasabi ito para ipahiya kayo. Gaya ng sinabi ko noong una, mahal na mahal namin kayo at handa kaming mabuhay o mamatay na kasama ninyo. Malaki ang tiwala ko sa inyo, at ipinagmamalaki ko kayo! Labis ninyong pinalakas ang aming loob at nag-uumapaw sa aming puso ang kagalakan sa kabila ng lahat ng aming mga paghihirap.

Nang dumating kami sa Macedonia, wala rin kaming pahinga, dahil kahit saan ay nagdalamhati kami. Sa paligid ay nariyan ang mga kumokontra sa amin, at sa loob naman namin ay may pag-aalala para sa mga mananampalataya. Ngunit pinalakas ng Dios ang aming loob nang dumating si Tito. Tunay na pinalalakas niya ang loob ng mga nalulumbay. At hindi lang ang pagdating ni Tito ang nagpalakas ng aming loob, kundi maging ang balita na pinalakas din ninyo ang loob niya. Ibinalita niya ang pananabik ninyo sa amin, ang inyong panaghoy sa mga pangyayari, at ang katapatan[a] ninyo sa akin. Dahil dito, lalo akong natuwa!

Kahit na nagdulot sa inyo ng kalungkutan ang aking sulat, hindi ko ito pinagsisisihan. Nagsisi ako noong una dahil nakita kong pinalungkot kayo ng aking sulat, ngunit sandali lamang. Ngunit masaya ako ngayon, hindi dahil malungkot kayo, kundi dahil naging paraan iyon para magsisi kayo. At iyan nga ang nais ng Dios na mangyari, kaya hindi nakasama sa inyo ang aking mga sinulat. 10 Sapagkat ang kalungkutang ayon sa kalooban ng Dios ay nagdadala sa atin sa pagsisisi, at nagdudulot ng kaligtasan. Hindi pinagsisihan ang ganitong kalungkutan. Ngunit ang kalungkutan ng mga taong makamundo ay nagdadala sa kanila sa kamatayan. 11 Tingnan ninyo ang idinulot ng kalungkutang ayon sa kalooban ng Dios! Naging masigasig kayong patunayan na wala kayong kasalanan tungkol sa mga bagay na sinasabi ko sa inyo. Nagalit kayo sa gumawa ng kasalanang iyon, at natakot sa maaaring idulot nito. Naging masigasig kayong maibalik ang dati nating samahan. Pinarusahan ninyo ang nagkasala, at pinatunayan ninyo sa lahat ng paraan na wala kayong kinalaman sa kasalanang iyon.

12 Ang dahilan ng pagsulat ko ay hindi para tuligsain ang nagkasala o ipagtanggol ang ginawan niya ng kasalanan, kundi para maipakita ninyo sa presensya ng Dios kung gaano kayo katapat sa amin. 13 At dahil dito, pinalakas ninyo ang aming loob.

At lalo pa kaming sumigla nang makita naming masaya si Tito dahil sa kasiyahang naranasan niya sa inyong piling. 14 Ipinagmalaki ko kayo sa kanya, at napatunayan niyang totoo ang sinabi ko sa kanya tungkol sa inyo, kaya hindi ako napahiya. 15 At sa tuwing naaalala ni Tito ang inyong pagkamasunurin at ang inyong pagtanggap at paggalang, lalo kayong napapamahal sa kanya. 16 At masaya naman ako dahil mapagkakatiwalaan ko kayo nang lubos.

Footnotes

  1. 7:7 katapatan: o, pagmamalasakit.

Ayant donc de telles promesses, bien-aimés, purifions-nous de toute souillure de la chair et de l'esprit, en achevant notre sanctification dans la crainte de Dieu.

Donnez-nous une place dans vos coeurs! Nous n'avons fait tort à personne, nous n'avons ruiné personne, nous n'avons tiré du profit de personne.

Ce n'est pas pour vous condamner que je parle de la sorte; car j'ai déjà dit que vous êtes dans nos coeurs à la vie et à la mort.

J'ai une grande confiance en vous, j'ai tout sujet de me glorifier de vous; je suis rempli de consolation, je suis comblé de joie au milieu de toutes nos tribulations.

Car, depuis notre arrivée en Macédoine, notre chair n'eut aucun repos; nous étions affligés de toute manière: luttes au dehors, craintes au dedans.

Mais Dieu, qui console ceux qui sont abattus, nous a consolés par l'arrivée de Tite,

et non seulement par son arrivée, mais encore par la consolation que Tite lui-même ressentait à votre sujet: il nous a raconté votre ardent désir, vos larmes, votre zèle pour moi, en sorte que ma joie a été d'autant plus grande.

Quoique je vous aie attristés par ma lettre, je ne m'en repens pas. Et, si je m'en suis repenti, -car je vois que cette lettre vous a attristés, bien que momentanément, -

je me réjouis à cette heure, non pas de ce que vous avez été attristés, mais de ce que votre tristesse vous a portés à la repentance; car vous avez été attristés selon Dieu, afin de ne recevoir de notre part aucun dommage.

10 En effet, la tristesse selon Dieu produit une repentance à salut dont on ne se repent jamais, tandis que la tristesse du monde produit la mort.

11 Et voici, cette même tristesse selon Dieu, quel empressement n'a-t-elle pas produit en vous! Quelle justification, quelle indignation, quelle crainte, quel désir ardent, quel zèle, quelle punition! Vous avez montré à tous égards que vous étiez purs dans cette affaire.

12 Si donc je vous ai écrit, ce n'était ni à cause de celui qui a fait l'injure, ni à cause de celui qui l'a reçue; c'était afin que votre empressement pour nous fût manifesté parmi vous devant Dieu.

13 C'est pourquoi nous avons été consolés. Mais, outre notre consolation, nous avons été réjouis beaucoup plus encore par la joie de Tite, dont l'esprit a été tranquillisé par vous tous.

14 Et si devant lui je me suis un peu glorifié à votre sujet, je n'en ai point eu de confusion; mais, comme nous vous avons toujours parlé selon la vérité, ce dont nous nous sommes glorifiés auprès de Tite s'est trouvé être aussi la vérité.

15 Il éprouve pour vous un redoublement d'affection, au souvenir de votre obéissance à tous, et de l'accueil que vous lui avez fait avec crainte et tremblement.

16 Je me réjouis de pouvoir en toutes choses me confier en vous.