Add parallel Print Page Options

At yamang kalakip niyang gumagawa ay ipinamamanhik din namin sa inyo na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Dios na walang kabuluhan.

(Sapagka't sinasabi niya, Sa panahong ukol kita'y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan):

Na di nagbibigay ng kadahilanang ikatitisod sa anoman, upang ang aming ministerio ay huwag mapulaan;

Datapuwa't sa lahat ng mga bagay ay ipinagkakapuri namin ang aming sarili, gaya ng mga ministro ng Dios, sa maraming pagtitiis, sa mga kapighatian, sa mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis,

Sa mga latay, sa mga pagkabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga gawa, sa mga pagpupuyat, sa mga pagaayuno;

Sa kalinisan, sa kaalaman, sa pagpapahinuhod, sa kagandahang-loob, sa Espiritu Santo, sa pagibig na hindi pakunwari,

Sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Dios; sa pamamagitan ng mga sandata ng katuwiran sa kanan at sa kaliwa,

Sa pamamagitan ng karangalan at ng kasiraang puri, sa pamamagitan ng masamang ulat at ng mabuting ulat; gaya ng mga magdaraya gayon ma'y mga mapagtapat;

Waring hindi mga kilala, gayon ma'y mga kilalang mabuti; tulad sa nangaghihingalo, at narito, kami ay nangabubuhay; gaya ng mga pinarurusahan, at hindi pinapatay;

10 Tulad sa nangalulungkot, gayon ma'y laging nangagagalak; tulad sa mga dukha, gayon ma'y nangagpapayaman sa marami; gaya ng walang anomang pag-aari, gayon ma'y mayroon ng lahat ng mga bagay.

11 Ang aming bibig ay bukas para sa inyo, Oh mga taga Corinto, ang aming puso ay lumalaki.

12 Hindi kayo nangakasisikip sa amin, kundi nangasisikipan kayo sa inyong sariling pagibig.

13 Kaya nga bilang ganti sa gayong bagay (nangungusap akong gaya sa aking mga anak), ay mangagsilaki naman kayo.

14 Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?

15 At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?

16 At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.

17 Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin,

18 At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.

Bilang mga kamanggagawa ng Diyos, nagsusumamo kami sa inyo na huwag ninyong sayangin ang pagtanggap ninyo ng kanyang biyaya. Sapagkat (A) sinasabi niya,

“Sa tamang panahon ikaw ay aking pinakinggan,
    at sa araw ng kaligtasan ikaw ay aking tinulungan.”

Ngayon na ang tamang panahon; ngayon na ang araw ng kaligtasan. Hindi kami nagbibigay ng dahilan upang ang sinuman ay matisod, upang hindi mapintasan ang aming paglilingkod. Kundi, sa lahat ng mga bagay, bilang mga lingkod ng Diyos, sinisikap naming maging kagalang-galang. Ito'y kahit sa gitna ng maraming pagtitiis, mga pagdurusa, mga paghihirap, at mga kalungkutan, sa (B) mga pagkabugbog, mga pagkabilanggo, mga kaguluhan, mga pagpapagal, mga pagpupuyat, at sa pagkagutom. Maging sa katapatan, kaalaman, pagtitiyaga, at kagandahang-loob; sa Banal na Espiritu at sa pag-ibig na hindi pakunwari; sa pagsasalita ng katotohanan at sa kapangyarihan ng Diyos. Ginagamit namin ang mga sandata ng katuwiran sa kaliwa't kanan, kahit ito'y humantong sa karangalan o kahihiyan, sa panlalait o sa papuri ng kapwa. Nananatili kaming tapat kahit itinuturing kaming mga huwad; kahit kilala, itinuturing na mga hindi kilala; tulad sa mga naghihingalo, gayunma'y nabubuhay; tulad sa mga pinaparusahan, ngunit hindi pinapatay; 10 tulad sa mga nalulungkot, subalit laging natutuwa; tulad sa mga dukha, subalit maraming pinayayaman, tulad sa mga walang-wala, subalit mayroon ng lahat ng bagay.

11 Matapat kaming nagsalita sa inyo, mga taga-Corinto, maluwang naming binuksan ang aming puso para sa inyo. 12 Hindi namin kayo pinaghihigpitan, kundi pinaghihigpitan kayo ng sarili ninyong damdamin. 13 Kinakausap ko kayo ngayon na parang sarili kong mga anak, buksan din naman ninyo ang inyong mga puso.

Ang Templo ng Diyos na Buháy

14 Huwag kayong makipamatok nang hindi patas sa mga di-mananampalataya. Sapagkat anong samahan mayroon ang katuwiran at kamalian? O anong pakikisama mayroon ang liwanag sa kadiliman? 15 At anong pagkakasundo mayroon si Cristo kay Belial? O anong bahagi mayroon ang mananampalataya sa di-mananampalataya? 16 Anong (C) pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Diyos sa mga diyus-diyosan? Sapagkat tayo[a] ay templo ng Diyos na buhay. Gaya ng sinabi ng Diyos,

“Ako'y maninirahan sa kanila, at lalakad na kasama nila,
    ako'y magiging Diyos nila,
    at sila'y magiging bayan ko.
17 Kaya't (D) lumabas kayo sa kanila,
    at humiwalay kayo, sabi ng Panginoon.
Huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi,
    at kayo'y aking tatanggapin,
18 at (E) ako'y magiging ama ninyo,
    at kayo'y magiging mga anak ko,
sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.”

Footnotes

  1. 2 Corinto 6:16 Sa ibang mga manuskrito kayo.

Bilang kamanggagawa, hinihimok namin kayo. Huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Diyos nang walang kabuluhan. Sinabi niya:

Sa panahong ipinahintulot pina­kinggan kita, at sa araw ng pagliligtas, tinulungan kita.

Narito, ngayon ang panahong katanggap-tanggap. Narito, ngayon ang araw ng kaligtasan.

Ang mga Paghihirap ni Pablo

Sa anumang bagay ay hindi kami nagbigay ng katitisuran upang hindi mapulaan ang gawain ng paglilingkod.

Sa halip, sa lahat ng bagay ay ipinakilala namin ang aming sarili bilang tagapaglingkod ng Diyos. Ito ay maging sa maraming pagba­bata, kabalisahan, pangangailangan at kagipitan. Maging sa paghagupit sa amin, pagkabilanggo, kaguluhan, pagpapagal, pagpupuyat, at pag-aayuno. Maging sa kalinisan, kaalaman, pagtitiis, kabutihan, at maging sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at walang pakunwaring pag-ibig, ipinakikilala naming kami ay mga tagapaglingkod. Ipinakilala namin ito sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Diyos, sa pamamagitan ng sandata ng katuwiran sa kanan at kaliwang kamay. Maging sa karangalan at kawalang karangalan, maging sa masamang ulat at mabuting ulat, ipinakilala naming kami ay tagapaglingkod. Kahit na iparatang na kami ay mandaraya, kami aymga totoo, ipinakikilala naming kami ay tagapag­lingkod. Kahit na sabihing hindi kami kilala bagama’t kilalang-kilala, naghihingalo gayunma’y buhay, pinarurusahan ngunit hindi pinapatay, ipinakikilala naming kami ay tagapag­lingkod. 10 Kahit na namimighati ngunit laging nagagalak, mahirap gayunma’y maraming pinayayaman, walang tinatang­kilik bagama’t nagtatangkilik ng lahat ng bagay, ipinakikilala naming kami ay tagapaglingkod.

11 Mga taga-Corinto, malinaw na nahayag ang aming salita sa inyo. Ang aming puso ay lumaki. 12 Bukas ang aming puso sa inyo, ngunit nakasara ang inyong damdamin sa amin. 13 Bilang ganti, buksan din ninyo ang inyong puso sa amin. Ako ay nagsasalita sa inyo bilang mga anak ko.

 

Huwag Makipamatok sa Hindi Mananampalataya

14 Huwag kayong makipamatok sa hindi mananampalataya sapagkat anong pakikipag-isa mayroon nga ang katuwiran sa hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos? Anong pakikisama mayroon ang liwanag at kadiliman?

15 Paano magkakasundo si Cristo at si Belial? O anong bahagi mayroon ang mananam­palataya sa hindi mananampalataya? 16 Anong kasunduan mayroon ang banal na dako ng Diyos sa mga diyos-diyosan? Ito ay sapagkat kayo nga ang banal na dako ng buhay na Diyos. Tulad ng sinabi ng Diyos:

Mananahan ako sa kanila at lalakad kasama nila. Ako ang magiging Diyos nila at sila ang aking tao.

17 Sabi ng Panginoon:

Kaya nga, lumabas kayo mula sa kanila at humiwalay. Huwag kayong hihipo ng maruming bagay at tatanggapin ko kayo.

18 Ako ang magiging ama ninyo at kayo ang magiging mga anak ko.

Ito ang sabi ng Panginoong Makapang­yarihan sa lahat.

Thus de as coworkers synergeō with him, · kai we urge parakaleō you hymeis not to receive dechomai the ho grace charis of ho God theos in eis vain kenos. For gar he says legō, “ In the time kairos of my favor dektos I heard epakouō you sy, · kai in en the day hēmera of salvation sōtēria I helped boētheō you sy.” Behold idou, now nyn is the acceptable euprosdektos time kairos; behold idou, now nyn is the day hēmera of salvation sōtēria! We do didōmi not mēdeis put didōmi a stumbling block proskopē in en anyone’ s mēdeis way , so that hina our ho ministry diakonia may not be faulted mōmaomai. Rather alla, as hōs servants diakonos of God theos, we commend synistēmi ourselves heautou in en every pas way : in en great polys endurance hypomonē, in en times of affliction thlipsis, hardship anankē, and distress stenochōria; in en beatings plēgē, in en imprisonments phylakē, in en riots akatastasia, in en labors kopos, in en times of sleeplessness agrypnia and hunger nēsteia; by en purity hagnotēs, by en knowledge gnōsis, by en patience makrothumia, by en kindness chrēstotēs, by en the Holy hagios Spirit pneuma, by en sincere anypokritos love agapē; by en the word logos of truth alētheia, by en the power dynamis of God theos; with dia the ho weapons hoplon of ho righteousness dikaiosynē both for the ho right dexios hand and kai for the left aristeros; through dia glory doxa and kai dishonor atimia, through dia slander dysphēmia and kai praise euphēmia; as hōs deceivers planos, and kai yet true alēthēs men ; as hōs unknown agnoeō, and kai yet well-known epiginōskō; as hōs dying apothnēskō, and kai yet look idou!— we continue to live zaō; as hōs scourged paideuō, and kai yet not killed thanatoō; 10 as hōs sorrowing lypeō, yet de always aei rejoicing chairō; as hōs poor ptōchos, yet de making many polys rich ploutizō; as hōs having echō nothing mēdeis, and kai yet possessing katechō everything pas. 11 We have opened anoigō · ho our hēmeis mouth stoma freely to pros you hymeis, Corinthians Korinthios; · ho our hēmeis heart kardia has been opened wide platynō. 12 We are not ou withholding stenochōreō our hēmeis affection splanchnon from you , but de you are withholding stenochōreō yours hymeis from us. · ho 13 · ho Now de as a fair autos exchange antimisthia I speak legō as hōs to children teknon open wide platynō your hymeis hearts to us also kai.

14 Do not be ginomai unevenly yoked heterozygeō with unbelievers apistos; for gar what tis is there in common metochē between righteousness dikaiosynē and kai lawlessness anomia? Or ē what tis fellowship koinōnia has light phōs with pros darkness skotos? 15 What tis · de harmony symphōnēsis is there between pros Christ Christos and Belial Beliar? Or ē what tis does a believer pistos have in common meris with meta an unbeliever apistos? 16 What tis · de agreement synkatathesis can the temple naos of God theos have with meta idols eidōlon? For gar we hēmeis are eimi the temple naos of the living zaō God theos; just as kathōs God theos said legō: · ho I will dwell enoikeō in en their autos midst and kai walk emperipateō among them; · kai I will be eimi their autos God theos and kai they autos will be eimi my egō people laos.” 17 Therefore dio, “ come out exerchomai from ek their autos midst mesos and kai be separate aphorizō,” says legō the Lord kyrios, and kai touch haptō no unclean akathartos thing ; then I kagō will receive eisdechomai you hymeis, 18 and kai I will be eimi a father patēr to you hymeis, and kai you hymeis will be eimi sons hyios and kai daughters thugatēr to me egō,” says legō the Lord kyrios Almighty pantokratōr.