2 Corinto 6:3-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Hindi kami nagbibigay ng dahilan upang ang sinuman ay matisod, upang hindi mapintasan ang aming paglilingkod. 4 Kundi, sa lahat ng mga bagay, bilang mga lingkod ng Diyos, sinisikap naming maging kagalang-galang. Ito'y kahit sa gitna ng maraming pagtitiis, mga pagdurusa, mga paghihirap, at mga kalungkutan, 5 sa (A) mga pagkabugbog, mga pagkabilanggo, mga kaguluhan, mga pagpapagal, mga pagpupuyat, at sa pagkagutom.
Read full chapter
2 Corinto 6:3-5
Ang Biblia, 2001
3 Hindi kami naglalagay ng katitisuran ng sinuman, upang walang kapintasang matagpuan sa aming ministeryo.
4 Kundi, bilang mga lingkod ng Diyos, ipinagkakapuri namin ang aming sarili sa lahat ng mga bagay, sa pamamagitan ng maraming pagtitiis, mga kapighatian, mga kahirapan, mga paghihinagpis,
5 mga(A) pagkabugbog, mga pagkabilanggo, mga kaguluhan, mga paggawa, mga pagpupuyat, mga pagkagutom,
Read full chapter
2 Corinto 6:3-5
Ang Biblia (1978)
3 Na di nagbibigay (A)ng kadahilanang ikatitisod sa anoman, upang ang aming ministerio ay huwag mapulaan;
4 Datapuwa't sa lahat ng mga bagay ay (B)ipinagkakapuri namin ang aming sarili, (C)gaya ng mga ministro ng Dios, sa maraming pagtitiis, sa mga kapighatian, sa (D)mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis,
5 Sa mga latay, (E)sa mga pagkabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga gawa, sa mga pagpupuyat, sa mga pagaayuno;
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
