Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat tayo na nasa toldang ito ay dumaraing at nabibigatan yamang hindi natin ibig na maging mga hubad. Sa halip ay ibig nating lubos na mabihisan. Ito ay upang ang may kamatayan ay lamunin na ng buhay. Ang Diyos ang siyang gumawa sa atin para sa bagay na ito. Siya rin ang nagbigay sa atin ng Espiritu bilang katiyakan.

Dahil dito lagi tayong may katiyakan at alam natin na habang nananahan tayo sa katawang ito, wala tayo sa tahanang mula sa Diyos.

Read full chapter