Add parallel Print Page Options

17 Kaya't ang sinumang nakipag-isa na kay Cristo ay isa nang bagong nilikha. Ang mga lumang bagay ay lumipas. Masdan ninyo, ang lahat ay naging bago. 18 Lahat ng ito ay mula sa Diyos, at sa pamamagitan ni Cristo ay pinagkasundo tayo ng Diyos sa kanyang sarili, at siyang nagbigay sa amin ng paglilingkod tungo sa pakikipagkasundo. 19 Samakatuwid, ang Diyos ay na kay Cristo, na ipinagkakasundo ang sanlibutan sa kanyang sarili at hindi ibinibilang sa mga tao ang kanilang mga pagkakasala. Ipinagkatiwala niya sa amin ang mensahe ng pakikipagkasundo.

Read full chapter