2 Corinto 4:2-4
Ang Salita ng Diyos
2 Aming itinakwil ang mga itinatagong bagay na kahiya-hiya. Hindi kami lumalakad sa pandaraya ni minamali ang salita ng Diyos. Sa pagpapakita ng katotohanan, aming ipinagkakatiwala ang aming mga sarili sa budhi ng bawat tao sa harapan ng Diyos. 3 Kung ang ebanghelyo namin ay natatago, ito ay natatago sa kanila na napapahamak. 4 Binulag ng diyos ng kapanahunang ito ang mga kaisipan ng mga hindi sumampalataya upang hindi lumiwanag sa kanila ang liwanag ng ebanghelyo ng kaluwalhatian ni Cristo na siyang anyo ng Diyos.
Read full chapter
2 Corinto 4:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Sa halip ay itinatakwil namin ang mga kahiya-hiyang bagay na inililihim. Hindi kami namumuhay sa katusuhan at hindi namin binabaluktot ang salita ng Diyos, kundi sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan ay inilalapit namin ang aming sarili sa bawat budhi ng mga tao sa paningin ng Diyos. 3 At kung ang aming ebanghelyo ay natatalukbungan pa, ito ay natatalukbungan lamang sa mga napapahamak. 4 Binulag ng diyos ng sanlibutang ito ang pag-iisip ng mga hindi sumasampalataya, upang hindi nila makita ang liwanag ng ebanghelyo ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Diyos.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.