Add parallel Print Page Options

12 Nang ako'y (A)dumating nga sa Troas dahil sa evangelio ni Cristo, at nang mabuksan sa akin ang isang (B)pinto sa Panginoon,

13 Ay hindi ako nagkaroon ng (C)katiwasayan sa aking espiritu, sapagka't hindi ko nasumpungan si Tito na kapatid ko: datapuwa't pagkapagpaalam ko sa kanila, (D)ako'y napasa Macedonia.

14 Datapuwa't salamat sa Dios, na laging (E)pinapagtatagumpay tayo kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag (F)ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawa't dako.

Read full chapter

Pangamba ni Pablo sa Troas

12 Nang(A) ako'y dumating sa Troas upang ipangaral ang ebanghelyo ni Cristo, may pintong nabuksan para sa akin sa Panginoon,

13 subalit ang aking isipan ay hindi mapalagay, sapagkat hindi ko natagpuan doon si Tito na aking kapatid. Kaya't ako'y nagpaalam sa kanila at nagtungo sa Macedonia.

Tagumpay sa Pamamagitan ni Cristo

14 Subalit salamat sa Diyos, na siyang laging nagdadala sa atin sa pagtatagumpay kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag ang samyo ng pagkakilala sa kanya sa bawat dako.

Read full chapter

Pangamba ni Pablo sa Troas

12 Pagdating (A) ko sa Troas, may pintuang binuksan para sa akin ang Panginoon upang ipangaral ang ebanghelyo ni Cristo. 13 Hindi mapalagay ang aking kalooban, sapagkat hindi ko natagpuan doon ang aking kapatid na si Tito. Kaya't ako'y nagpaalam sa mga kapatid doon at tumuloy sa Macedonia.

14 Ngunit salamat sa Diyos, na siyang laging nagdadala sa atin sa pagtatagumpay kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay nagpapalaganap ng samyo ng pagkakilala sa kanya sa bawat dako.

Read full chapter