Add parallel Print Page Options

yamang naghahanap kayo ng patunay na si Cristo ay nagsasalita sa pamamagitan ko. Hindi siya mahina sa pakikitungo sa inyo, kundi kumikilos na may kapangyarihan sa inyo. Sapagkat siya'y ipinako sa krus noong siya'y mahina, ngunit siya'y nabubuhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Kami man ay mahihina dahil sa kanya, ngunit dahil sa aming pakikitungo sa inyo ay mabubuhay kami kasama niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.

Suriin ninyo ang inyong mga sarili, kung kayo'y nasa pananampalataya. Subukin ninyo ang inyong mga sarili. Hindi ba ninyo nababatid na si Jesu-Cristo ay nasa inyo—maliban na lamang kung kayo'y hindi nagtagumpay sa pagsubok.

Read full chapter