Add parallel Print Page Options

10 Kaya nga isinusulat ko ito ngayon habang wala pa ako riyan, para pagdating ko, hindi ko na kailangang maging marahas sa paggamit ng kapangyarihang ibinigay ng Panginoon sa akin. Sapagkat nais kong gamitin ang kapangyarihang ito para sa inyong ikabubuti at hindi sa inyong ikapapahamak.

11 Hanggang dito na lamang, mga kapatid, at paalam na sa inyo.[a] Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at sundin ninyo ang mga payo ko. Magkaisa kayo at mamuhay nang payapa. Nang sa ganoon, ang Dios na pinanggagalingan ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.

12 Magbatian kayo bilang mga magkakapatid kay Cristo.[b]

Kinukumusta kayong lahat ng mga mananampalataya[c] rito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:11 paalam na sa inyo: o, magalak kayo.
  2. 13:12 bilang mga magkakapatid kay Cristo: sa literal, sa pamamagitan ng banal na halik.
  3. 13:12 mga mananampalataya: Tingnan ang “footnote” sa 8:4.