Font Size
2 Corinto 12:7-9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Corinto 12:7-9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
7 At upang hindi ako magmayabang dahil sa mga kahanga-hangang bagay na ipinahayag sa akin, binigyan ako ng isang tinik sa laman na nagsilbing sugo ni Satanas upang ako'y pahirapan. Ito nga'y upang hindi ako magmayabang. 8 Tatlong ulit akong nakiusap sa Panginoon tungkol dito na sana'y iwan na ako nito. 9 Ngunit sinabi niya sa akin, “Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang kapangyarihan ko ay lubos na nahahayag sa kahinaan.” Dahil dito, masaya kong lalong ipagmamalaki ang mga kahinaan ko upang manatili sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.