Add parallel Print Page Options

12 Ang mga pagkakakilanlan ng isang tunay na apostol ay buong sikap kong ipinakita sa inyo sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at ng mga gawang makapangyarihan. 13 Paano nga kayo nalamangan ng ibang iglesya, maliban sa ako'y hindi naging pabigat sa inyo? Patawarin ninyo ako sa pagkakamaling ito! 14 Ngayon, sa ikatlong pagkakataon ay handa akong pumunta sa inyo. At hindi ako magiging pabigat sa inyo, sapagkat hindi ko hinahangad ang anumang mayroon kayo, kundi kayo mismo. Sapagkat hindi ang mga anak ang may tungkuling mag-impok para sa mga magulang, kundi ang mga magulang para sa kanilang mga anak.

Read full chapter