2 Corinto 11
Magandang Balita Biblia
Si Pablo at ang mga Huwad na Apostol
11 Ipagpaumanhin ninyo ang aking kaunting kahangalan. 2 Nag-aalala ako sa inyo tulad ng pag-aalala ng Diyos. Ang katulad ninyo ay isang malinis na dalagang ipinakipagtipan ko sa isang lalaki, walang iba kundi si Cristo. 3 Ngunit(A) nag-aalala akong baka malason ang inyong isipan at mailayo kayo sa tapat [at dalisay][a] na pananampalataya kay Cristo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas. 4 Sapagkat malugod ninyong tinatanggap ang sinumang dumarating at may Jesus na ipinangangaral na iba sa ipinangaral namin. Tinatanggap ninyo ang espiritu at aral na iba sa itinuro namin sa inyo.
5 Palagay ko nama'y hindi ako pahúhulí sa magagaling na mga “apostol” na iyan. 6 Maaaring hindi ako mahusay magsalita, ngunit hindi naman kapos sa kaalaman. Pinatunayan ko ito sa inyo sa lahat ng bagay at pagkakataon.
7 Ipinangaral ko sa inyo ang Magandang Balita ngunit hindi ako humingi ng kabayaran. Ako'y nagpakababà upang maitaas kayo. Masasabi bang kasalanan ang ginawa kong ito? 8 Ibang iglesya ang tumustos sa aking mga pangangailangan. Parang ninakawan ko sila, makapaglingkod lamang sa inyo. 9 At(B) nang ako'y kapusin diyan, hindi ako naging pabigat kaninuman sa inyo sapagkat dinalhan ako ng tulong ng mga kapatid sa Macedonia. Iniwasan ko, at patuloy kong iiwasan na maging pabigat sa inyo sa anumang paraan. 10 Habang ang katotohanan ni Cristo ay nasa akin, hindi mapapatigil ang pagmamalaki kong ito saanman sa Acaya. 11 Bakit ko ginagawa ito? Dahil ba sa hindi ko kayo mahal? Alam ng Diyos kung gaano ko kayo kamahal!
12 At patuloy kong gagawin ang ginagawa ko ngayon, upang mawalan ng batayan ang pagmamalaki ng iba na ang paglilingkod nila ay tulad ng aming ginagawa. 13 Ang mga iyan ay mga huwad na apostol, madadayang manggagawa at nagpapanggap na mga apostol ni Cristo. 14 Hindi ito kataka-taka sapagkat si Satanas man ay nagkukunwaring anghel ng liwanag. 15 Kaya, hindi kataka-taka na ang kanyang mga lingkod ay magkunwaring lingkod ng katuwiran. Ang kanilang kahihinatnan ay ayon lamang sa kanilang mga gawa.
Mga Tiniis ni Pablo Bilang Apostol
16 Inuulit ko, huwag isipin ninuman na ako'y hangal. Ngunit kung ganoon ang akala ninyo, tatanggapin ko na, upang ako man ay makapagyabang nang kaunti. 17 Ang sinasabi ko sa pagmamalaking ito ay hindi buhat sa Panginoon kundi pagyayabang ng isang hangal. 18 Dahil marami ang nagyayabang tungkol sa mga bagay na makalupa, ako man ay magyayabang din. 19 Nagtitiyaga kayo sa mga hangal na iyan, palibhasa'y matatalino kayo! 20 Pinapagtiisan ninyong kayo'y alipinin, sakmalin, pagsamantalahan, maliitin, o sampalin. 21 Nakakahiya man ay aaminin kong hindi namin kayang gawin iyan!
Kung may nangangahas na magyabang, ako'y mangangahas din na magyabang. Ako'y nagsasalita tulad ng isang hangal. 22 Sila ba'y Hebreo? Ako rin. Mga Israelita ba sila? Ako rin. Sila ba'y mula sa lahi ni Abraham? Ako rin. 23 Sila(C) ba'y mga lingkod ni Cristo? Mas mabuti akong lingkod ni Cristo kaysa kanila. Para akong isang baliw na nagsasalita ngayon. Higit ang aking pagpapagal kaysa sa kanila; mas maraming beses akong nabilanggo, hinagupit nang napakaraming beses, at madalas na nabingit sa kamatayan. 24 Limang(D) beses akong tumanggap ng tatlumpu't siyam na hagupit mula sa mga Judio; 25 tatlong(E) ulit kong naranasang hagupitin [ng mga Romano][b], at minsang pinagbabato. Tatlong beses kong naranasang mawasak ang barkong aking sinasakyan, at minsa'y buong araw at gabi akong lulutang-lutang sa dagat. 26 Sa(F) malimit kong paglalakbay, nalagay ako sa iba't ibang panganib: sa mga ilog, sa mga tulisan, sa aking mga kababayan at sa mga Hentil; mga panganib sa lungsod, sa ilang, sa dagat, sa mga huwad na kapatid. 27 Naranasan ko rin ang labis na hirap at pagod, malimit na pagpupuyat, at matinding gutom at uhaw. Naranasan ko ang ginawin ngunit wala man lamang maibalabal. 28 Bukod sa lahat ng ito ay araw-araw kong pinapasan ang mga alalahanin para sa lahat ng mga iglesya. 29 Kapag may nanghihina, nanghihina rin ako, at kapag may nahuhulog sa pagkakasala, labis ko itong ikinagagalit.
30 Kung kailangan kong magyabang, ipagyayabang ko ang mga bagay na nagpapakita ng aking kahinaan. 31 Hindi ako nagsisinungaling. Alam iyan ng Diyos at Ama ng Panginoong Jesus. Purihin siya magpakailanman! 32 Nang(G) ako'y nasa Damasco, ang pintuan ng lungsod ay pinabantayan ng gobernador na nasasakop ni Haring Aretas upang ipahuli ako. 33 Ngunit isinakay ako sa isang malaking kaing, pinadaan ako sa butas sa pader at ibinabâ sa kabila upang ako'y makatakas.
Footnotes
- 2 Corinto 11:3 at dalisay: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
- 2 Corinto 11:25 ng mga Romano: Sa Griego ay hindi nakasulat ang mga salitang ito.
2 Corinto 11
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Si Pablo at ang mga Huwad na Apostol
11 Pagtiisan muna sana ninyo itong aking kaunting kahangalan. At pinagtitiisan nga naman ninyo ako! 2 Nakadarama ako para sa inyo ng isang maka-Diyos na pagseselos, sapagkat kayo'y itinakda kong maging asawa ng isang lalaki, si Cristo, at maiharap ko kayo sa kanya bilang isang malinis na birhen. 3 Ngunit (A) natatakot ako na kung paanong si Eva ay dinaya ng ahas sa pamamagitan ng katusuhan nito, ang inyong mga pag-iisip din ay mailigaw mula sa tapat at malinis na pakikitungo kay Cristo. 4 Sapagkat kung may dumating at nangaral ng ibang Jesus na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y tumanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap noon o ibang ebanghelyo na hindi ninyo tinanggap, pinagtitiisan ninyo itong mabuti. 5 Masasabi kong hindi ako páhuhulí sa magagaling na mga apostol na ito. 6 Hindi man ako mahusay sa pananalita, mayroon din naman akong nalalaman. Nilinaw naming mabuti sa inyo ang bagay na ito.
7 Kasalanan ko ba kung ibinaba ko ang aking sarili upang kayo'y maitaas, dahil ipinangaral ko sa inyo nang walang bayad ang ebanghelyo ng Diyos? 8 Ninakawan ko ang ibang mga iglesya, sa pagtanggap ko ng tustos mula sa kanila upang maglingkod sa inyo. 9 Nang (B) kasama pa ninyo ako at ako'y may pangangailangan, hindi ako naging pabigat sa kaninuman, sapagkat ang mga pangangailangan ko ay tinustusan ng mga kapatid na galing sa Macedonia. Iniwasan ko nga na maging pabigat sa inyo sa lahat ng bagay, at patuloy ko itong gagawin. 10 Habang nananatili sa akin ang katotohanan ni Cristo, walang sinuman sa mga nasasakupan ng Acaia na makapipigil sa akin sa pagmamalaking ito. 11 At bakit? Dahil ba sa hindi ko kayo mahal? Alam ng Diyos na mahal ko kayo!
12 At kung ano ang aking ginagawa ay patuloy kong gagawin, upang alisan ng pagkakataon ang mga naghahangad ng pagkakataong kilalanin bilang kapantay namin tungkol sa mga bagay na ipinagmamalaki nila. 13 Sapagkat ang gayong mga tao ay mga huwad na apostol, mga mandarayang manggagawa, nagpapanggap na mga apostol ni Cristo. 14 At hindi kataka-taka! Sapagkat si Satanas man ay nagpapanggap na isang anghel ng liwanag. 15 Kaya't hindi malayong mangyari na ang kanyang mga lingkod ay magpanggap na mga lingkod ng katwiran. Ang kanilang wakas ay magiging ayon sa kanilang mga gawa.
Mga Paghihirap ni Pablo Bilang Apostol
16 Inuulit ko, huwag isipin ng sinuman na ako'y hangal, ngunit kung gayon ang iniisip ninyo, tanggapin ninyo ako bilang isang hangal upang makapagmalaki naman ako nang kaunti. 17 Ang pagsasalita ko ngayon sa ganitong pagmamalaking may kapalaluan ay hindi mula sa Panginoon, kundi tulad sa isang hangal. 18 Yamang marami ang nagmamalaki sa mga bagay na ipinagmamalaki ng tao, ako man ay magmamalaki. 19 At tuwang-tuwa pa kayo na nagtitiis sa mga hangal, palibhasa'y marurunong kayo! 20 Sa katunayan, natitiis ninyo kapag inaalipin kayo ng sinuman, o kahit kinakatay na kayo, o pinagsasamantalahan, o pinagyayabangan, o kaya'y sinasampal. 21 Kahiya-hiya, ngunit inaamin kong napakahina namin sa ganito! Ngunit anumang buong tapang na maaaring ipagmalaki ng iba—nagsasalita akong tulad ng hangal—may tapang din akong maipagmamalaki iyon. 22 Mga Hebreo ba sila? Ako man. Mga Israelita ba sila? Ako man. Mula ba sila sa binhi ni Abraham? Ako man. 23 Sila (C) ba'y mga lingkod ni Cristo? Lalo na ako, na mas maraming pagod sa pagtatrabaho, mas maraming ulit na nabilanggo, hindi mabilang kung ilang ulit nang nabugbog, at paulit-ulit na nabingit sa kamatayan. Para na akong baliw sa pagsasalita ng ganito. 24 Limang ulit akong nakatanggap sa mga Judio(D) ng apatnapung hagupit, binawasan ng isa. 25 Tatlong (E) ulit akong hinampas ng mga pamalo, minsan ako'y pinagbabato. Tatlong ulit na akong nakaranas ng pagkawasak ng barkong sinasakyan, isang araw at isang gabing ako'y nasa gitna ng dagat. 26 Madalas (F) akong naglalakbay. Nasuong ako sa panganib sa mga ilog, panganib sa mga tulisan, panganib sa aking mga kababayan, panganib sa mga Hentil, panganib sa lungsod, panganib sa ilang, panganib sa dagat, panganib sa kamay ng mga huwad na kapatid. 27 Nagtiis ako ng pagod at hirap, at madalas na walang tulog. Naranasan kong magutom at mauhaw, madalas na walang makain, giniginaw at hubad. 28 Bukod sa iba pang mga bagay, araw-araw ko pang pinapasan ang alalahanin para sa mga iglesya. 29 Kapag may nanghihina, di ba't ako'y nanghihina rin? Kapag may nabuwal dahil sa kasalanan, di ba't ako'y nag-iinit sa galit?
30 Kung kailangan kong magmalaki, ipagmamalaki ko ang mga bagay na magpapakita ng aking kahinaan. 31 Ang Diyos at Ama ng Panginoong Jesus, na siyang karapat-dapat sa papuri magpakailanman, ang nakaaalam na hindi ako nagsisinungaling. 32 Sa (G) Damasco, binantayan ng tagapamahala na nasa ilalim ni Haring Aretas ang lungsod ng mga taga-Damasco upang ako'y dakpin, 33 ngunit ako'y ibinaba sa pamamagitan ng isang tiklis mula sa isang bintana sa pader at ako'y nakatakas sa mga kamay niya.
2 Corinthians 11
Disciples’ Literal New Testament
I Am Jealous For You, For I Fear That You Are Being Corrupted By False Messengers
11 O-that you would bear-with me as to a little bit[a] of foolishness— but indeed, keep-bearing-with[b] me! 2 For I am jealous-for[c] you with a jealousy[d] of [e] God. For I betrothed[f] you to one husband, that I might present you as a pure virgin to Christ. 3 But I am fearing that as the serpent deceived Eve by his craftiness, your minds[g] should somehow be corrupted[h] from sincerity[i] and purity for[j] Christ. 4 For indeed if the one coming proclaims another Jesus whom we did not proclaim, or you receive a different spirit which you did not receive, or a different good-news which you did not accept— you bear-with him nicely!
For I Come Short of No Other Apostle, Especially In Knowledge
5 For I think that I have in no way come-short-of [k] the superlative[l] apostles. 6 But even though I am untrained in speech, nevertheless I am not in knowledge. But in every way we made this evident in all things to you.
Or Did I Sin By Not Letting You Pay Me?
7 Or[m] did I commit a sin [by] humbling myself in order that you might be exalted— because I freely[n] announced-as-good-news to you the good-news of God? 8 I robbed[o] other churches, having taken rations[p] from them for your ministry! 9 And while being present with you and having been in-need, I did not burden anyone— for the brothers having come from Macedonia supplied my need. And in every way I kept and will keep myself unburdensome to you.
I Won’t Stop This Boast, For It Cuts Off The Opportunity For False Apostles
10 As the truth of Christ is[q] in me, this boasting[r] will not be stopped for me in the regions of Achaia! 11 For what reason? Because I do not love you? God knows I do. 12 But what I am doing, I indeed will do in order that I may cut-off the opportunity[s] of the ones wanting an opportunity that they might be found to be just as also we in what they are boasting. 13 For such ones are false-apostles, deceitful workers, transforming themselves into apostles of Christ. 14 And no wonder, for Satan himself transforms himself into an angel of light. 15 Therefore it is no great thing if also his ministers are disguising themselves as ministers of righteousness— whose end shall be according to their works.
Don’t Think Me Foolish, But I Too Can Boast
16 Again I say, let no one think me to be foolish. Otherwise indeed, receive me even if as foolish, in order that I also may boast a little bit! 17 In this confidence[t] of boasting[u], what I am speaking, I am not speaking according-to the Lord, but as in foolishness.
I Also Can Boast In My Heritage And My Service For Christ
18 Since many are boasting according-to the flesh, I also will boast! 19 For with-pleasure you bear-with the unwise[v], being wise. 20 For you bear-with it if anyone enslaves[w] you, if anyone devours[x] you, if anyone takes you, if anyone lifts-up[y] himself, if anyone beats[z] you in the face. 21 I speak in-accordance-with my dishonor[aa]— how that we have been weak! But in whatever anyone may dare to boast— I am speaking in foolishness— I also dare. 22 Are they Hebrews? I also. Are they Israelites? I also. Are they seed of Abraham? I also. 23 Are they servants of Christ? I speak being distraught[ab], I more— in far-more labors, in far-more prisons, in many-more beatings, in deaths[ac] often.
But I Will Boast In The Things Pertaining To My Weakness
24 By Jews five-times I received forty lashes less one. 25 Three-times I was beaten-with-rods. Once I was stoned. Three-times I was shipwrecked. I have done a night-and-day in the deep. 26 On journeys often— in dangers from rivers, in dangers from robbers, in dangers from my nation[ad], in dangers from Gentiles, in dangers in the city, in dangers in the wilderness, in dangers at sea, in dangers among false-brothers. 27 In labor and hardship, in watchings[ae] often, in hunger and thirst, in fastings often, in cold and nakedness. 28 Apart from the external[af] things, there is the daily pressure[ag] on me, the concern for all the churches— 29 who is weak, and I am not weak? Who is caused-to-fall, and I do not burn[ah]? 30 If it-is-necessary[ai] to boast, I will boast the things of my weakness! 31 The God and Father of the Lord Jesus, the One being blessed[aj] forever, knows that I am not lying. 32 In Damascus, the ethnarch[ak] of Aretas[al] the king was guarding the city of the Damascenes to seize me. 33 And I was lowered in a basket through a window through the wall and escaped his hands.
Footnotes
- 2 Corinthians 11:1 Or, something.
- 2 Corinthians 11:1 Or, you-are-bearing-with.
- 2 Corinthians 11:2 Or, zealous-for.
- 2 Corinthians 11:2 Or, zeal.
- 2 Corinthians 11:2 That is, from God; or, a godly jealousy.
- 2 Corinthians 11:2 Or, promised you in marriage, like a bride’s father.
- 2 Corinthians 11:3 Or, thoughts.
- 2 Corinthians 11:3 Or, ruined, spoiled.
- 2 Corinthians 11:3 Or, simplicity.
- 2 Corinthians 11:3 Or, with regard to, towards.
- 2 Corinthians 11:5 Or, been-inferior-to.
- 2 Corinthians 11:5 That is, these ‘super’ apostles, as they think of themselves (who are false apostles, v 13); or, the chief, most-eminent apostles, such as Peter, James, and John.
- 2 Corinthians 11:7 Paul brings up one way in which his opponents would have regarded him as inferior.
- 2 Corinthians 11:7 Paul did not earn his living from his teaching. He supported himself, taking no money from them.
- 2 Corinthians 11:8 Or, plundered, sacked. Paul is sarcastically referring to the fact that he accepted money from other churches to support his work among the Corinthians.
- 2 Corinthians 11:8 Or, wages.
- 2 Corinthians 11:10 Same type of oath as in 1:18.
- 2 Corinthians 11:10 That is, the boast in supporting himself as he serves Christ. Paul would rather die than give it up, 1 Cor 9:15.
- 2 Corinthians 11:12 By not accepting money, Paul cuts off the opportunity for his opponents to be regarded as equal to him.
- 2 Corinthians 11:17 Or, subject, undertaking. That is, this confidence in my status as apostle about which I am boasting; or, this subject of boasting forced upon me; or, this undertaking of boasting I will begin in v 21.
- 2 Corinthians 11:17 Like his opponents, Paul will next boast in himself, in the flesh, rather than in the Lord; but Paul will boast in his weaknesses rather than his accomplishments.
- 2 Corinthians 11:19 Or, foolish, as in v 16.
- 2 Corinthians 11:20 Or, reduces you to bondage.
- 2 Corinthians 11:20 Or, consumes. Compare Mk 12:40.
- 2 Corinthians 11:20 Or, lifts his hand (in a threat); raises his voice (in anger).
- 2 Corinthians 11:20 Paul may mean this literally (as in Jn 18:22; Act 23:2) or figuratively (insults you).
- 2 Corinthians 11:21 That is, my weakness by comparison with my opponents, as they regard it.
- 2 Corinthians 11:23 Or, deranged, mad, irrational.
- 2 Corinthians 11:23 That is, perils of death.
- 2 Corinthians 11:26 Or, people, kind; that is, Jews.
- 2 Corinthians 11:27 That is, sleepless nights.
- 2 Corinthians 11:28 Or, the things outside these; that is, the other things of this nature.
- 2 Corinthians 11:28 Or, onset (of people).
- 2 Corinthians 11:29 That is, with concern or anger.
- 2 Corinthians 11:30 Or, If I have to, If I must.
- 2 Corinthians 11:31 Or, the One Who is blessed. This phrase refers back to the God and Father.
- 2 Corinthians 11:32 That is, governor.
- 2 Corinthians 11:32 It was this king’s daughter whom Herod (Mt 14:1) divorced to marry Herodias.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Disciples' Literal New Testament: Serving Modern Disciples by More Fully Reflecting the Writing Style of the Ancient Disciples, Copyright © 2011 Michael J. Magill. All Rights Reserved. Published by Reyma Publishing