2 Corinto 11:24-26
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
24 Limang(A) beses akong tumanggap ng tatlumpu't siyam na hagupit mula sa mga Judio; 25 tatlong(B) ulit kong naranasang hagupitin [ng mga Romano][a], at minsang pinagbabato. Tatlong beses kong naranasang mawasak ang barkong aking sinasakyan, at minsa'y buong araw at gabi akong lulutang-lutang sa dagat. 26 Sa(C) malimit kong paglalakbay, nalagay ako sa iba't ibang panganib: sa mga ilog, sa mga tulisan, sa aking mga kababayan at sa mga Hentil; mga panganib sa lungsod, sa ilang, sa dagat, sa mga huwad na kapatid.
Read full chapterFootnotes
- 25 ng mga Romano: Sa Griego ay hindi nakasulat ang mga salitang ito.
2 Corinto 11:24-26
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
24 Limang ulit akong nakatanggap sa mga Judio(A) ng apatnapung hagupit, binawasan ng isa. 25 Tatlong (B) ulit akong hinampas ng mga pamalo, minsan ako'y pinagbabato. Tatlong ulit na akong nakaranas ng pagkawasak ng barkong sinasakyan, isang araw at isang gabing ako'y nasa gitna ng dagat. 26 Madalas (C) akong naglalakbay. Nasuong ako sa panganib sa mga ilog, panganib sa mga tulisan, panganib sa aking mga kababayan, panganib sa mga Hentil, panganib sa lungsod, panganib sa ilang, panganib sa dagat, panganib sa kamay ng mga huwad na kapatid.
Read full chapter
2 Corinto 11:24-26
Ang Biblia (1978)
24 Sa mga Judio ay makalimang tumanggap ako ng tigaapat na pung palo, kulang ng isa.
25 Makaitlong ako'y hinampas ng mga panghampas, (A)minsan ako'y binato, makaitlong ako'y nabagbag, isang araw at isang gabi na ako'y nasa kalaliman ng dagat;
26 Sa mga paglalakbay ay madalas, sa mga kapanganiban sa mga ilog, sa mga kapanganiban sa mga tulisan, sa mga (B)kapanganiban sa aking mga kababayan, sa mga (C)kapanganiban sa mga Gentil, sa mga kapanganiban (D)sa bayan, sa mga kapanganiban sa mga ilang, sa mga kapanganiban sa dagat, sa mga kapanganiban sa gitna ng mga (E)bulaang kapatid;
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978