Add parallel Print Page Options

Si Pablo, na (A)Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at (B)si Timoteo, na ating kapatid sa Iglesia ng Dios na nasa (C)Corinto, (D)kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya.

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang (E)mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.

Purihin nawa ang Dios (F)at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, ang Ama ng mga kaawaan at Dios ng buong kaaliwan;

Na siyang umaaliw sa atin sa lahat ng kapighatian, upang ating maaliw ang nangasa anomang kapighatian, sa pamamagitan ng pagaliw na inialiw din sa atin ng Dios.

Sapagka't kung paanong sumasagana sa atin (G)ang mga sakit ni Cristo, ay gayon din naman ang aming kaaliwan ay sumasagana sa pamamagitan ni Cristo.

Datapuwa't maging kami man ay mapighati, (H)ay para sa inyong kaaliwan at kaligtasan; o maging kami man ay maaliw ay para sa inyong kaaliwan, na siyang gumagawa sa pagdadalitang may pagtitiis ng mga gayon ding pagbabata na amin namang binabata:

At ang aming pagasa tungkol sa inyo ay matibay; yamang nalalaman na (I)kung paanong kayo'y mga karamay sa mga sakit, ay gayon din naman kayo sa kaaliwan.

Hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, ng tungkol sa mga kapighatian (J)namin na nangyari sa Asia, na kami ay totoong nabigatan, ng higit sa aming kaya, ano pa't (K)kami ay nawalan na ng pagasa sa buhay:

Oo, kami'y nagkaroon sa aming sarili ng hatol sa kamatayan, upang huwag kaming magkatiwala sa amin ding sarili, kundi sa Dios (L)na bumubuhay na maguli ng mga patay:

10 Na siyang sa amin ay nagligtas sa gayong lubhang malaking kamatayan, at nagliligtas: na siya naming inaasahan na siya namang magliligtas pa sa amin;

11 Kayo (M)naman na nagsisitulong ng inyong panalangin na patungkol sa amin; upang dahil sa kaloob na ipinagkaloob sa amin (N)sa pamamagitan ng marami, ay makapagpasalamat ang maraming tao dahil sa amin.

12 Sapagka't ang aming pagmamapuri ay ito, ang pagpapatotoo ng aming budhi, ayon sa (O)kabanalan at (P)pagtatapat sa Dios, (Q)hindi ayon sa karunungan ng laman, kundi sa biyaya ng Dios, na kami'y nagugali ng gayon sa sanglibutan at lalong sagana pa nga sa inyo.

13 Sapagka't hindi namin kayo sinusulatan ng ibang mga bagay, maliban na sa inyong binabasa, o kinikilala, at umaasa ako na inyong kikilalanin hanggang sa katapusan:

14 Gaya naman (R)ng inyong bahagyang pagkilala sa amin, na kami'y inyong kapurihan, gayon din naman kayo'y sa amin, (S)sa araw ng Panginoong si Jesus.

15 At sa pagkakatiwalang ito ay (T)ninasa kong pumariyan muna sa inyo, upang kayo'y mangagkaroon (U)ng pangalawang pakinabang;

16 At magdaan sa inyo na patungo sa Macedonia, (V)at muling buhat sa Macedonia ay magbalik sa inyo, at (W)nang tulungan ninyo ako sa paglalakbay ko sa Judea.

17 Nang nasain ko nga ang ganito, ako baga kaya ay nagatubili? o ang mga bagay na ninasa ko, ay mga ninasa ko baga ayon sa laman, upang magkaroon sa akin ng oo, oo, at ng hindi, hindi?

18 Nguni't palibhasa'y ang Dios ay tapat, ang aming salita sa inyo ay di oo at hindi.

19 Sapagka't ang Anak ng Dios, si Jesucristo, na ipinangaral namin sa inyo, ako at si (X)Silvano at si (Y)Timoteo, hindi naging oo at hindi, kundi sa kaniya ay naging oo.

20 Sapagka't (Z)maging gaano man ang mga pangako ng Dios, ay nasa kaniya ang oo: kaya nga naman na sa kaniya ang Siya Nawa sa ikaluluwalhati ng Dios sa pamamagitan namin.

21 Ngayon, siya na ang nagpapatibay sa amin na kasama ninyo kay Cristo, at nagpahid (AA)sa atin, ay ang Dios,

22 Na siyang nagtatak naman (AB)sa atin, at (AC)nagbigay ng patotoo ng Espiritu sa ating mga puso.

23 Datapuwa't ang Dios ang tinatawag kong maging saksi sa aking kaluluwa, na (AD)upang huwag kayong papagdamdamin ay hindi muna ako napariyan sa Corinto.

24 Hindi sa kami ay may pagkapanginoon sa inyong pananampalataya, kundi kami ay mga tagatulong sa inyong katuwaan: sapagka't (AE)sa pananampalataya kayo'y nangagsisitatag.

Mula kay (A) Pablo, apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at mula kay Timoteo na ating kapatid—

Sa iglesya ng Diyos sa Corinto, kasama ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaia: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at mula sa Panginoong Jesu-Cristo.

Pasasalamat sa Gitna ng Paghihirap

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng mga kahabagan at Diyos ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya tayo sa lahat ng ating paghihirap, upang maaliw natin ang nasa anumang paghihirap, sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin mula sa Diyos. Sapagkat kung paanong ang paghihirap ni Cristo ay sumasagana sa ating buhay, sa pamamagitan din ni Cristo ay umaapaw ang ating kaaliwan. Ngunit kung pinahihirapan man kami, ito ay upang kayo'y maaliw at maligtas. Kung kami ay inaaliw, ito ay upang kayo'y maaliw, at sa pamamagitan nito'y magkakaroon kayo ng kakayahang magtiis ng mga pagdurusang aming dinaranas. Matibay ang aming pag-asa tungkol sa inyo, sapagkat alam namin na kung kayo'y karamay namin sa pagdurusa, karamay din namin kayo sa kaaliwang tinatanggap namin.

Nais (B) naming malaman ninyo, mga kapatid, ang tungkol sa mga paghihirap na sinapit namin sa Asia. Sapagkat napakabigat ang aming naranasan doon na halos hindi namin nakaya, anupa't nawalan kami ng pag-asang mabuhay. Ngunit kami mismo ang tumanggap ng hatol na kamatayan, upang kami ay huwag magtiwala sa aming sarili, kundi sa Diyos na bumubuhay sa mga patay. 10 Siya na nagligtas sa amin mula sa gayong tiyak na kamatayan ang patuloy na magliligtas sa amin. Umaasa kami na patuloy pa niya kaming ililigtas, 11 habang tinutulungan ninyo kami sa pamamagitan ng inyong panalangin para sa amin. Sa gayon ay maraming tao ang magpapasalamat dahil sa mga biyayang ibinigay sa amin bilang kasagutan sa maraming panalangin.

Pagpapaliban ng Pagdalaw ni Pablo

12 Sapagkat ito ang aming maipagmamalaki: nagpapatotoo ang aming budhi na ang pamumuhay namin sa sanlibutan, at lalo na sa inyo ay may kalinisan at katapatang mula sa Diyos, hindi ayon sa makamundong karunungan, kundi sa biyaya ng Diyos. 13 Sapagkat ang isinusulat namin ay ang kaya lamang ninyong basahin at unawain. Umaasa ako na lubos ninyo itong mauunawaan, 14 kung paanong naunawaan ninyo kami nang bahagya, na kami ay maipagmamalaki ninyo gaya ninyo na aming maipagmamalaki sa araw ng Panginoong Jesus.

15 Dahil sa pagtitiwalang ito, binalak kong dalawin muna kayo, upang kayo'y magkaroon ng higit pang pagpapala. 16 Ninais kong dalawin kayo noong ako'y (C) papuntang Macedonia, at mula roon ay bumalik sa inyo, at sa ganoon ay maihatid ninyo ako sa aking paglalakbay papuntang Judea. 17 Nagdalawang-isip ba ako nang binalak kong gawin ito? Katulad ba ako ng makamundong tao kung magplano, na pinagsasabay ang “Oo at Hindi?” 18 Dahil tapat ang Diyos, ang aming salita sa inyo ay hindi “Oo at Hindi.” 19 Sapagkat (D) ang Anak ng Diyos, si Jesu-Cristo na ipinangaral sa inyo sa pamamagitan ko at nina Silvano at Timoteo, ay hindi “Oo at Hindi,” kundi sa kanya ang “Oo” ay “Oo.” 20 Sapagkat gaano man karami ang mga pangako ng Diyos, lahat ng mga ito kay Cristo ay “Oo.” Kaya't sa pamamagitan niya ay nasasabi namin ang “Amen,” sa ikaluluwalhati ng Diyos. 21 At ang nagpapatatag sa amin at sa inyo kay Cristo ay ang Diyos. Hinirang niya kami, 22 tinatakan at ibinigay ang Espiritu sa aming mga puso bilang katibayan.

23 Nagsusumamo ako sa Diyos bilang aking saksi, na hindi ako natuloy sa pagpunta sa Corinto upang hindi kayo mabigatan. 24 Hindi sa ibig naming maging panginoon ninyo sa pananampalataya, sa halip kami ay mga kamanggagawa ninyo upang magdulot sa inyo ng kagalakan, sapagkat kayo'y nananatiling matatag sa pananampalataya.

Приветствие

От Павлуса, посланника Исо Масеха[a], избранного по воле Всевышнего, и от брата Тиметея.

Коринфской общине верующих, принадлежащей Всевышнему, и всему святому народу Всевышнего в Охоии[b].

Благодать и мир вам[c] от Всевышнего, нашего Небесного Отца, и от Повелителя Исо Масеха.

Хвала Всевышнему, дающему утешение

Хвала Богу и Отцу[d] Повелителя нашего Исо Масеха, Отцу милосердия и Богу всяческого утешения! Он утешает нас во всех наших тяготах, чтобы и мы, в свою очередь, могли утешить других в их горе тем утешением, которым Всевышний утешает нас. Ведь, как умножаются наши страдания ради Масеха, так умножается Масехом и наше утешение. Жизненные трудности мы переносим ради вашего утешения и спасения. Утешение, которое мы получаем, тоже даётся нам ради вашего утешения. Оно поможет и вам стойко перенести те же страдания, которые приходится переносить нам. Мы твёрдо надеемся на вас и знаем, что, как вы разделяете с нами наши страдания, так разделяете и наше утешение.

Братья, я хочу, чтобы вы знали о том, что мы пережили в провинции Азия[e]. Выпавшие там на нашу долю страдания настолько превосходили все наши силы, что мы даже потеряли надежду остаться в живых. Казалось, что мы уже получили смертный приговор, но так было для того, чтобы мы научились полагаться не на себя, а на Всевышнего, Который воскрешает мёртвых. 10 Он избавил нас от смертельной опасности и впредь избавит. На Него мы надеемся, и Он спасёт нас. 11 Только вы помогайте нам своими молитвами, чтобы многие возблагодарили Всевышнего за то, что Он был так милостив к нам по их молитвам.

Изменение в планах Павлуса

12 Мы хвалимся тем – и наша совесть может быть этому порукой, – что мы и в этом мире, и в особенности в наших отношениях с вами, поступали честно[f] и искренне, и это нам было дано от Всевышнего. Мы поступали не по «мудрости» этого мира, но по благодати Всевышнего. 13 Во всём, что мы вам написали, нет ничего, что вы, прочитав, не смогли бы понять. Я надеюсь, что, поняв нас до конца, – 14 а отчасти вы нас уже понимаете, – в день возвращения Вечного Повелителя Исо вы сможете хвалиться нами так же, как и мы вами.

15 Я уверен в этом и поэтому хотел бы сначала прийти к вам, чтобы вы дважды получили благословение. 16 Я собирался побывать у вас по пути в Македонию, а затем ещё раз посетить вас на обратном пути, и тогда вы помогли бы мне отправиться в Иудею. 17 Может, вам кажется, что это решение было необдуманным? Или, может, я, как это водится у людей, говорю в одно и то же время то «да», то «нет»? 18 Заверяю вас перед Всевышним, Который верен: то, что говорю вам, я говорю без колебаний. 19 В (вечном) Сыне Всевышнего Исо Масехе, Которого вам возвещали я, Силуан[g] и Тиметей, нет никакой неопределённости, в Нём всегда лишь только «да». 20 Все обещания Всевышнего подтвердились в Исо Масехе! Поэтому и мы говорим в единении с Ним во славу Всевышнего: «Аминь»[h].

21 Всевышний делает и нас, и вас непоколебимыми в единении с Масехом. Он помазал нас на служение 22 и запечатлел нас Своей печатью. Он вложил в наши сердца Своего Духа как залог того, что Он нам обещал.

23 Всевышний свидетель того, что лишь жалея вас, я до сих пор не приходил с наказанием в Коринф. 24 Мы не хотим устанавливать своё господство над вашей духовной жизнью, нет, мы делаем всё лишь для вашей радости, потому что вы твёрдо стоите в вере.

Footnotes

  1. 2 Кор 1:1 Масех (переводится как «Помазанник») – праведный Царь и Освободитель, Спаситель, обещанный Всевышним ещё в Тавроте, Забуре и Книге Пророков.
  2. 2 Кор 1:1 Охоия – римская провинция на юге Греции.
  3. 2 Кор 1:2 Мир вам – на еврейском языке это выражение звучит как «шалом алейхем» и является родственным арабскому приветствию «ассаламу алейкум».
  4. 2 Кор 1:3 То, что Всевышний назван Отцом Исо Масеха, не означает, что у Всевышнего есть сын, который был зачат обычным путём. В древности, когда на иудейский престол восходил новый монарх, Всевышний называл его Своим сыном (см. Заб. 2:6-7), а значит, царь мог бы, в свою очередь, называть Всевышнего своим Отцом (см. 2 Цар. 7:14; Заб. 88:27). Ко времени Исо многие иудеи стали применять титул «Сын Всевышнего» по отношению к ожидаемому ими Масеху – Спасителю и Царю. Кроме того, термин «Отец Исо Масеха» говорит о вечных взаимоотношениях Всевышнего и Масеха, раскрывая сходство характеров и единство природы Этих Личностей, на понятном нам примере – близких взаимоотношениях отца и сына (см. 1 Ин. 2:23).
  5. 2 Кор 1:8 Здесь имеется в виду не материк, а римская провинция на западе Малой Азии (часть современной территории Турции), которая позднее дала своё название материку.
  6. 2 Кор 1:12 Или: «свято».
  7. 2 Кор 1:19 Силуан – по всей вероятности, тот же человек, что и Сило (см. Деян. 15:22).
  8. 2 Кор 1:20 Аминь – еврейское слово, которое переводится как «да, верно, воистину так» или «да будет так».