Add parallel Print Page Options

Tiyak ang aming pag-asa sa inyo dahil alam namin na kung paanong kabahagi kayo sa mga paghihirap, kabahagi rin kayo sa kaaliwan.

Sapagkat hindi namin ibig mga kapatid, na hindi ninyo malaman ang aming mga paghihirap na nangyari sa Asya. Kami ay nabigatan nang higit sa aming lakas, kaya kami ay nawalan ng pag-asa maging sa aming buhay. Ang hatol ng kamatayan ay sa aming mga sarili upang hindi na kami magtiwala sa aming mga sarili kundi sa Diyos na nagbabangon sa mga patay.

Read full chapter

Matibay ang aming pag-asa tungkol sa inyo, sapagkat alam namin na kung kayo'y karamay namin sa pagdurusa, karamay din namin kayo sa kaaliwang tinatanggap namin.

Nais (A) naming malaman ninyo, mga kapatid, ang tungkol sa mga paghihirap na sinapit namin sa Asia. Sapagkat napakabigat ang aming naranasan doon na halos hindi namin nakaya, anupa't nawalan kami ng pag-asang mabuhay. Ngunit kami mismo ang tumanggap ng hatol na kamatayan, upang kami ay huwag magtiwala sa aming sarili, kundi sa Diyos na bumubuhay sa mga patay.

Read full chapter