2 Corinto 1:20-22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
20 Sapagkat gaano man karami ang mga pangako ng Diyos, lahat ng mga ito kay Cristo ay “Oo.” Kaya't sa pamamagitan niya ay nasasabi namin ang “Amen,” sa ikaluluwalhati ng Diyos. 21 At ang nagpapatatag sa amin at sa inyo kay Cristo ay ang Diyos. Hinirang niya kami, 22 tinatakan at ibinigay ang Espiritu sa aming mga puso bilang katibayan.
Read full chapter
2 Corinto 1:20-22
Ang Biblia, 2001
20 Sapagkat ang lahat ng mga pangako ng Diyos sa kanya ay “Oo.” Kaya't sa pamamagitan niya ay aming sinasambit ang “Amen,” sa ikaluluwalhati ng Diyos.
21 Subalit ang nagpapatibay sa amin na kasama ninyo kay Cristo, at nagpahid[a] sa amin ay ang Diyos,
22 inilagay rin niya ang kanyang tatak sa amin, at ibinigay sa amin ang Espiritu sa aming mga puso bilang paunang bayad.
Read full chapterFootnotes
- 2 Corinto 1:21 o nagbuhos .
2 Corinto 1:20-22
Ang Biblia (1978)
20 Sapagka't (A)maging gaano man ang mga pangako ng Dios, ay nasa kaniya ang oo: kaya nga naman na sa kaniya ang Siya Nawa sa ikaluluwalhati ng Dios sa pamamagitan namin.
21 Ngayon, siya na ang nagpapatibay sa amin na kasama ninyo kay Cristo, at nagpahid (B)sa atin, ay ang Dios,
22 Na siyang nagtatak naman (C)sa atin, at (D)nagbigay ng patotoo ng Espiritu sa ating mga puso.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
