Add parallel Print Page Options

Maraming manlilinlang ang narito na sa sanlibutan. Sila yaong mga ayaw kumilala na si Jesucristo ay nagkatawang-tao. Ang ganitong tao ay isang mandaraya at anticristo. Ingatan ninyo ang inyong sarili upang huwag mawala sa atin ang mga bagay na ating pinagpagalan kundi matanggap natin ang buong gantimpala. Sa sinumang sumasalangsang at hindi nananatili sa aral ni Cristo ay wala sa kaniya ang Diyos. Siya na nananatili sa aral ni Cristo, ang Ama at ang Anak ay nasa kaniya. 10 Kung may dumating sa inyo at hindi dala ang aral na ito, huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, ni batiin man. 11 Ito ay sapagkat ang sinumang bumabati sa kaniya ay nakikibahagi sa kaniyang masasamang gawa.

Read full chapter

Sapagkat maraming mandaraya ang kumalat sa sanlibutan. Hindi nila kinikilala na dumating si Jesu-Cristo bilang tao. Ang mga ito ang mandaraya at ang anti-Cristo! Ingatan ninyo ang inyong mga sarili, upang hindi masira ang aming pinagpaguran, kundi tumanggap kayo ng lubos na gantimpala. Ang sinumang lumalampas at hindi nananatili sa katuruan ni Cristo, wala sa kanya ang Diyos. Subalit ang sinumang nananatili sa katuruan, nasa kanya ang Ama at ang Anak. 10 Ang sinumang dumating sa inyo na hindi taglay ang katuruang ito ay huwag tanggapin sa inyong tahanan, at huwag din ninyo siyang batiin. 11 Sapagkat ang tumatanggap sa taong ito ay nakikibahagi sa kanyang masasamang gawa.

Read full chapter