2 Tesalonica 1:9-10
Ang Biblia (1978)
9 Na siyang (A)tatangap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula (B)sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.
10 Pagka paririto siya (C)upang luwalhatiin sa kaniyang mga banal, at upang siya'y maging kahangahanga (D)sa lahat ng mga nagsisampalataya sa araw na yaon (sapagka't ang aming patotoo sa inyo ay pinaniwalaan).
Read full chapter
2 Tesalonica 1:9-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
9 Ang parusang igagawad sa kanila'y walang-hanggang kapahamakan, at ihihiwalay sila sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. 10 Mangyayari ito sa araw ng kanyang pagdating upang tanggapin ang mga papuri mula sa kanyang mga banal at tanggapin ang mga parangal ng lahat ng mga nananalig sa kanya. Kabilang kayo roon sapagkat pinaniwalaan ninyo ang aming patotoo.
Read full chapter
Tito 2:13
Ang Biblia (1978)
13 Na hintayin yaong (A)mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng (B)kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;
Read full chapter
Tito 2:13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
13 habang hinihintay natin ang katuparan ng ating mapagpalang pag-asa, ang maluwalhating pagdating ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.