Add parallel Print Page Options

Ang Dalawang Haliging Tanso(A)

15 Sa harap ng Templo, nagtayo siya ng dalawang haligi na labing-anim na metro ang taas at ang taas naman ng pinagkakabitan nito sa itaas ay dalawa't kalahating metro. 16 Nagpagawa siya ng mga kadena at isinabit iyon na parang kuwintas sa ibabaw ng mga haligi, at ikinabit sa mga kadena ang sandaang bunga ng granadang yari sa tanso. 17 Itinayo niya sa magkabilang tagiliran ng pasukan ng Templo. Ang nasa kanan ay tinawag na Jaquin at ang nasa kaliwa ay tinawag na Boaz.

Read full chapter
'2 Paralipomeno 3:15-17' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

15 Siya'y gumawa rin sa harap ng bahay ng (A)dalawang haligi na may (B)tatlongpu't limang siko ang taas, at ang kapitel na nasa ibabaw ng bawa't isa sa mga yaon ay limang siko.

16 At kaniyang ginawan ng mga tanikala ang sanggunian at inilagay sa ibabaw ng mga haligi; at siya'y gumawa ng isang daang granada, at inilagay sa mga tanilaka.

17 At kaniyang itinayo ang mga haligi sa harap ng templo, ang isa'y sa kanan, at ang isa'y sa kaliwa; at tinawag ang pangalan niyaong nasa kanan ay Jachin, at ang pangalan niyaong nasa kaliwa ay Boaz.

Read full chapter