2 Corinto 12:5
Ang Biblia (1978)
5 Tungkol sa taong yaon ako'y magmamapuri: nguni't (A)tungkol sa aking sarili ay hindi ako magmamapuri, maliban na sa aking mga kahinaan.
Read full chapter
2 Corinto 12:5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Ipagmamalaki ko ang taong iyon, at hindi ang aking sarili. Ang tanging maipagmamalaki ko ay ang aking mga kahinaan.
Read full chapter
2 Corinto 12:9-10
Ang Biblia (1978)
9 At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang (A)aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.
10 Kaya nga (B)ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: (C)sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas.
Read full chapter
2 Corinto 12:9-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
9 Ngunit sinabi niya sa akin, “Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang kapangyarihan ko ay lubos na nahahayag sa kahinaan.” Dahil dito, masaya kong lalong ipagmamalaki ang mga kahinaan ko upang manatili sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. 10 Kaya, alang-alang kay Cristo, ako'y may kasiyahan sa gitna ng mga kahinaan, mga panlalait, mga paghihirap, mga pag-uusig, at mga kasawian. Sapagkat kung kailan ako mahina, noon naman ako malakas.
Read full chapter
Galacia 4:13
Ang Biblia (1978)
13 Datapuwa't nalalaman ninyo na (A)dahil sa sakit ng laman, ay ipinangaral ko sa inyo ang evangelio (B)nang pasimula:
Read full chapter
Galacia 4:13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
13 Alam naman ninyong kaya ako nakapangaral ng ebanghelyo sa inyo ay dahil nagkaroon ako ng karamdaman.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.