1 Timoteo 6:7-9
Ang Dating Biblia (1905)
7 Sapagka't wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anoman;
8 Nguni't kung tayo'y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon.
9 Datapuwa't ang mga nagsisipagnasang yumaman, ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama, na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan.
Read full chapter
1 Timoteo 6:7-9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
7 Sapagkat wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan, at pag-alis dito'y wala rin tayong madadalang anuman. 8 Kung tayo'y may pagkain at damit, sa mga ito'y dapat na tayong masiyahan. 9 Subalit ang mga naghahangad yumaman ay nahuhulog sa tukso at sa bitag ng kahangalan at nakapipinsalang pagnanasa. Ang mga ito ang magtutulak sa tao ng kapahamakan.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.