1 Timoteo 5
Dios Habla Hoy
Cómo comportarse con los diversos miembros de la comunidad
5 No trates con dureza al anciano; al contrario, aconséjalo como si fuera tu padre; y trata a los jóvenes como si fueran tus hermanos. 2 A las ancianas trátalas como a tu propia madre; y a las jóvenes, como si fueran tus hermanas, con toda pureza.
3 Ayuda a las viudas que no tengan a quien recurrir. 4 Pero si una viuda tiene hijos o nietos, ellos son quienes primero deben aprender a cumplir sus obligaciones con los de su propia familia y a corresponder al amor de sus padres, porque esto agrada a Dios. 5 La verdadera viuda, la que se ha quedado sola, pone su esperanza en Dios y no deja de rogar, orando día y noche. 6 Pero la viuda que se entrega al placer, está muerta en vida. 7 Mándales también estas cosas, para que sean irreprensibles. 8 Pues quien no se preocupa de los suyos, y sobre todo de los de su propia familia, ha negado la fe y es peor que los que no creen.
9 En la lista de las viudas deben estar únicamente las que tengan más de sesenta años y no hayan tenido sino un solo esposo. 10 Deben ser conocidas por sus buenas acciones, por haber criado bien a sus hijos, por haber recibido bien a los que llegan a su casa, por haber lavado los pies a los del pueblo santo y haber ayudado a los que sufren. En fin, por haberse dedicado a hacer toda clase de obras buenas.
11 Pero no pongas en la lista a viudas de menos edad; porque cuando sus propios deseos las apartan de Cristo, quieren casarse de nuevo 12 y resultan culpables de haber faltado a su compromiso. 13 Además andan de casa en casa, y se vuelven perezosas; y no sólo perezosas, sino también chismosas, metiéndose en todo y diciendo cosas que no convienen. 14 Por eso quiero que las viudas jóvenes se casen, que tengan hijos, que sean amas de casa y que no den lugar a las críticas del enemigo. 15 Pues algunas viudas ya se han apartado y han seguido a Satanás.
16 Si alguna mujer creyente tiene viudas en su familia, debe ayudarlas, para que no sean una carga para la iglesia; así la iglesia podrá ayudar a las viudas que de veras no tengan a quien recurrir.
17 Los ancianos que gobiernan bien la iglesia deben ser doblemente apreciados, especialmente los que se dedican a predicar y enseñar. 18 Pues la Escritura dice: «No le pongas bozal al buey que trilla.» Y también: «El trabajador tiene derecho a su paga.»
19 No hagas caso de acusaciones contra un anciano, si no están apoyadas por dos o tres testigos.
20 A los que siguen pecando, debes reprenderlos delante de todos, para que los demás tengan temor.
21 Te encargo delante de Dios, de Jesucristo y de los ángeles escogidos, que sigas estas reglas sin hacer discriminaciones ni tener preferencias. 22 No impongas las manos a nadie sin haberlo pensado bien, para no hacerte cómplice de los pecados de otros. Consérvate limpio de todo mal.
23 Puesto que a menudo estás enfermo del estómago, no bebas agua sola, sino bebe también un poco de vino.
24 Los pecados de algunos se ven claramente antes del juicio, pero en otros casos sólo se ven después. 25 Del mismo modo, las obras buenas se ven claramente; y las que no son buenas no podrán quedar siempre escondidas.
1 Timoteo 5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Pananagutan sa Kapwa Mananampalataya
5 Huwag mong pagsasalitaan nang magaspang ang nakatatandang lalaki. Sa halip, pakiusapan mo siya na parang sarili mong ama. Ituring mo namang parang kapatid ang mga nakababatang lalaki, 2 ang mga nakatatandang babae na parang sariling ina, at ang mga nakababatang babae na para mong kapatid—nang buong kalinisan.
3 Bigyan mo ng pagkilala ang mga biyudang talagang nangangailangan. 4 Ngunit kung ang isang biyuda ay may mga anak o mga apo, dapat muna nilang matutuhan ang kanilang banal na tungkulin na pangalagaan ang kanilang sariling sambahayan at tumanaw ng utang na loob sa kanilang mga magulang. Ito ay kalugud-lugod sa paningin ng Diyos. 5 Ang biyudang tunay na nangangailangan at naiwang nag-iisa ay tanging sa Diyos na lamang umaasa. Kaya patuloy ang kanyang dalangin araw at gabi. 6 Subalit ang biyudang namumuhay sa karangyaan ay maituturing nang patay kahit buháy pa. 7 Iutos mo ang mga ito upang hindi sila mapintasan. 8 Ang sinumang hindi nangangalaga sa kanyang mga kamag-anak at lalo na sa kanyang kasambahay ay tumalikod na sa pananampalataya at masahol pa siya sa hindi sumasampalataya.
9 Dapat isama sa listahan ang isang biyuda kung siya ay animnapung taong gulang pataas, naging asawa ng iisang lalaki, 10 at kilala sa paggawa ng mabuti, gaya ng maayos na pagpapalaki ng mga anak, may magandang loob sa mga panauhin, naglilingkod sa mga kapatid sa Panginoon, tumutulong sa mga nangangailangan, at naglalaan ng sarili sa paggawa ng mabuti.
11 Huwag mong isasama sa listahan ang mga batang biyuda, sapagkat maaaring ilayo sila kay Cristo ng kanilang maalab na pagnanasa at sila'y mag-asawang muli. 12 Dahil dito, nagkakasala sila dahil sa hindi nila pagtupad sa una nilang pangako. 13 Natututo rin silang maging tamad at nagsasayang ng panahon sa pangangapitbahay. Nagiging tsismosa rin sila, pakialamera at madaldal. 14 Kaya't para sa akin, mas mabuti pa sa mga batang biyuda na mag-asawang muli, magkaanak at mamahala sa kanilang tahanan, upang hindi magkaroon ng pagkakataon ang kaaway na tayo'y mapintasan. 15 Sapagkat ang iba nga'y tumalikod na at sumunod kay Satanas. 16 Kung ang babaing mananampalataya ay may mga kamag-anak na biyuda, siya ang dapat mangalaga sa kanila nang hindi na sila makadagdag sa pasanin ng iglesya. Sa gayon, ang aalagaan ng iglesya ay iyon lamang mga biyudang talagang nangangailangan.
17 Ang mga matatandang pinuno na mahusay mamahala sa iglesya ay karapat-dapat sa dobleng parangal lalo na ang mga nagsisikap sa pangangaral at pagtuturo. 18 Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Huwag mong bubusalan ang baka habang ito'y gumigiik.” (A) Nasusulat din, “Ang manggagawa ay nararapat sa kanyang sahod.” 19 Huwag kang tatanggap ng anumang paratang laban sa matandang pinuno ng iglesya kung walang patotoo ng dalawa o tatlong saksi. (B)
20 Ang nagpapatuloy naman sa pagkakasala ay sawayin mo sa harapan ng lahat upang matakot ang iba. 21 Sa harap ng Diyos at ni Cristo Jesus at ng mga piniling anghel, iniuutos kong sundin mo ang mga tagubiling ito nang walang kinikilingan at huwag gumawa ng anuman na may pagtatangi.
22 Huwag kang kaagad-agad na magpapatong ng kamay kung kani-kanino. Ingatan mong hindi ka makibahagi sa kasalanan ng iba. Panatilihin mong dalisay ang iyong sarili.
23 Mula ngayon, huwag tubig na lamang ang iyong inumin. Uminom ka rin ng kaunting alak para sa iyong sikmura at madalas na pagkakasakit.
24 May mga taong hayag na ang pagkakasala bago pa man humarap sa hukuman. Ngunit ang kasalanan naman ng iba'y huli na kung mahayag. 25 Ganoon din sa mabuting gawain. May mabubuting gawa na madaling mapansin, ngunit kung di man madaling mapansin, ang mga ito nama'y hindi mananatiling lihim.
Dios habla hoy ®, © Sociedades Bíblicas Unidas, 1966, 1970, 1979, 1983, 1996.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.