Add parallel Print Page Options

Ang Hiwaga ng Ating Pananampalataya

14 Ang mga bagay na ito ay aking isinusulat sa iyo, na umaasang makakarating sa iyo sa madaling panahon,

15 ngunit kung ako'y maantala, ay maaari mong malaman kung ano ang dapat ugaliin ng bawat tao sa bahay ng Diyos, na siyang iglesya ng Diyos na buháy, ang haligi at suhay ng katotohanan.

16 Walang pag-aalinlangan, dakila ang hiwaga ng kabanalan:

Siyang[a] nahayag sa laman,
    pinatunayang matuwid sa espiritu,[b] nakita ng mga anghel,
ipinangaral sa mga bansa,
    sinampalatayanan sa sanlibutan,
    tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Timoteo 3:16 Sa ibang mga kasulatan ay Ang Diyos .
  2. 1 Timoteo 3:16 o sa pamamagitan ng Espiritu .

Ang Hiwaga ng ating Pananampalataya

14 Umaasa akong makapupunta ako sa iyo sa lalong madaling panahon, ngunit isinulat ko sa iyo ang mga ito 15 upang kung hindi man ako makarating agad ay malaman mo kung paano ang dapat maging ugali ng bawat kaanib sa sambahayan ng Diyos, na siyang iglesya ng buháy na Diyos, haligi at sandigan ng katotohanan. 16 Sadyang dakila ang hiwaga ng ating sinasampalatayanan:

Siya'y inihayag bilang[a] tao,
    pinatunayang matuwid ng Espiritu,[b] nakita ng mga anghel.
Ipinangaral sa mga bansa,
    sinampalatayanan sa sanlibutan, at iniakyat sa kaluwalhatian.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Timoteo 3:16 Siya'y: Sa ibang matatandang manuskrito Ang Diyos ay.
  2. 1 Timoteo 3:16 pinatunayang matuwid ng Espiritu: o kaya'y pinatunayang matuwid sa espiritu.

14 Ang mga bagay na ito ay aking isinusulat sa iyo, na inaasahang makararating sa iyong madali;

15 Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila (A)sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.

16 At walang pagtatalo, dakila (B)ang hiwaga ng kabanalan;

Yaong nahayag (C)sa laman,
(D)Pinapaging-banal sa espiritu,
(E)Nakita ng mga anghel,
Ipinangaral sa mga bansa,
(F)Sinampalatayanan sa sanglibutan,
(G)Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.

Read full chapter