Add parallel Print Page Options

Mga Tagapangasiwa at Mga Diyakono

Ang pananalitang ito ay mapagkakatiwalaan. Kung nina­nais ng sinuman ang gawain ng isang tagapangasiwa, nagnanais siya ng isang magandang gawain.

Ang tagapanga­siwa ay dapat na walang maipupula, iisa lang ang asawa, mapagpigil, ginagamit nang maayos ang pag-iisip, may magandang asal, bukas ang tahanan sa mga panauhin at makaka­pagturo. Siya ay hindi dapat na manginginom ng alak, hindi palaaway, hindi gahaman sa maruming kapakinabangan, subalit mahinahon at mapayapa at hindi maibigin sa salapi.

Read full chapter