1 Timotei 4
Cornilescu 1924 - Revised 2010, 2014
4 Dar Duhul spune lămurit(A) că(B), în vremurile din urmă, unii se vor lepăda de credinţă, ca să se alipească de(C) duhuri înşelătoare şi(D) de învăţăturile dracilor, 2 abătuţi(E) de făţărnicia unor oameni care vorbesc minciuni, însemnaţi cu fierul(F) roşu în însuşi cugetul lor. 3 Ei opresc(G) căsătoria şi întrebuinţarea bucatelor(H) pe care Dumnezeu le-a făcut ca să fie luate(I) cu mulţumiri(J) de către cei ce cred şi cunosc adevărul. 4 Căci orice făptură a lui Dumnezeu este bună şi nimic nu este de lepădat, dacă se ia cu mulţumiri 5 pentru că este sfinţit prin Cuvântul lui Dumnezeu şi prin rugăciune. 6 Dacă vei pune în mintea fraţilor aceste lucruri, vei fi un bun slujitor al lui Hristos Isus, fiindcă te hrăneşti(K) cu cuvintele credinţei şi ale bunei învăţături pe care ai urmat-o până acum. 7 Fereşte-te de basmele(L) lumeşti şi băbeşti. Caută(M) să fii evlavios. 8 Căci deprinderea(N) trupească este de puţin folos, pe când(O) evlavia este folositoare în orice privinţă, întrucât ea are făgăduinţa vieţii de acum şi a celei viitoare. 9 Iată un cuvânt adevărat(P) şi cu totul vrednic de primit! 10 Noi muncim(Q), în adevăr, şi ne luptăm pentru că ne-am(R) pus nădejdea în Dumnezeul cel viu, care(S) este Mântuitorul tuturor oamenilor şi mai ales al celor credincioşi. 11 Porunceşte(T) şi învaţă aceste lucruri. 12 Nimeni(U) să nu-ţi dispreţuiască tinereţea, ci fii(V) o pildă pentru credincioşi: în vorbire, în purtare, în dragoste, în credinţă, în curăţie. 13 Până voi veni, ia seama bine la citire, la îndemnare şi la învăţătura pe care o dai altora. 14 Nu(W) fi nepăsător de darul care este în tine, care ţi-a fost dat prin(X) prorocie, cu(Y) punerea mâinilor de către ceata prezbiterilor[a]. 15 Pune-ţi pe inimă aceste lucruri, îndeletniceşte-te în totul cu ele, pentru ca înaintarea ta să fie văzută de toţi. 16 Fii cu luare-aminte(Z) asupra ta însuţi şi asupra învăţăturii pe care o dai altora; stăruieşte în aceste lucruri, căci, dacă vei face aşa, te(AA) vei mântui pe tine însuţi şi pe(AB) cei ce te ascultă.
Footnotes
- 1 Timotei 4:14 Sau: bătrâni.
1 Timoteo 4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Babala tungkol sa Pagtalikod
4 Maliwanag na sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay iiwan ng iba ang pananampalataya at susunod sa mga mapanlinlang na espiritu at mga turo ng mga demonyo. 2 Ang mga katuruang ito ay pinalalaganap ng mga taong mapagkunwari, sinungaling at may manhid na budhi. 3 Ipinagbabawal nila ang pag-aasawa, gayundin ang ilang uri ng pagkain, mga pagkaing nilikha ng Diyos upang tanggaping may pasasalamat ng mga sumasampalataya at nakauunawa ng katotohanan. 4 Lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at walang dapat tanggihan, sa halip ay dapat tanggapin na may pasasalamat, 5 dahil ito ay nagiging malinis sa pamamagitan ng salita ng Diyos at ng panalangin.
Ang Mabuting Lingkod ni Cristo Jesus
6 Kung ituturo mo nang malinaw ang mga ito sa mga kapatid, ikaw ay magiging mabuting tagapaglingkod ni Cristo Jesus, isang tagapaglingkod na patuloy na sinasanay sa katuruan ng pananampalataya at mabuting aral na iyong sinusunod. 7 Huwag mong bigyang pansin ang mga walang kabuluhang alamat at mga sabi-sabi, sa halip, magsanay ka sa banal na pamumuhay. 8 Mahalaga ang pagpapalakas ng katawan, ngunit higit ang pakinabang sa banal na pamumuhay. Mapapakinabangan ito sa lahat ng bagay sapagkat may pangako ito hindi lamang sa buhay ngayon, kundi maging sa panahong darating. 9 Mapagkakatiwalaan ang salitang ito at nararapat tanggapin ng lahat. 10 Dahil dito, tayo'y nagsisikap at nagpupunyagi, at umaasa sa buháy na Diyos, ang tagapagligtas ng lahat, lalo na ng mga sumasampalataya.
11 Iutos mo at ituro mo ang mga bagay na ito. 12 Huwag mong hayaang hamakin ka ng sinuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, maging halimbawa ka ng lahat ng mga mananampalataya sa iyong salita, ugali, pag-ibig, pananampalataya at dalisay na pamumuhay. 13 Habang hindi pa ako dumarating, iukol mo ang iyong panahon sa pagbabasa ng Kasulatan sa madla, sa pangangaral[a] at pagtuturo. 14 Huwag mong pababayaan ang kaloob ng Espiritu na nasa iyo, na ibinigay sa iyo nang magsalita ang mga propeta at ipatong sa iyo ng mga matatandang pinuno ng iglesya ang kanilang mga kamay. 15 Pag-ukulan mo ng panahon ang pagsasagawa ng mga ito upang makita ng lahat ang iyong paglago. 16 Bantayan mong mabuti ang iyong pamumuhay at pagtuturo. Magpatuloy ka sa mga ito sapagkat sa paggawa mo nito, ililigtas mo ang iyong sarili gayundin ang mga nakikinig sa iyo.
Footnotes
- 1 Timoteo 4:13 nangangahulugang “panghihikayat ng mga tao upang siya ay lumakas ang loob”.
1 Timoteo 4
Ang Biblia (1978)
4 Nguni't hayag na (A)sinasabi ng Espiritu, na (B)sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga (C)espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
2 Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, (D)na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga;
3 (E)Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na (F)may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.
4 Sapagka't ang (G)bawa't nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil, kung tinatanggap na may pagpapasalamat:
5 Sapagka't pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin.
6 Kung ipaalaala mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Cristo Jesus, na kinandili sa mga salita ng pananampalataya at ng (H)mabuting aral na (I)sinusunod mo hanggang ngayon:
7 Datapuwa't (J)itakuwil mo ang mga (K)kathang masasama at walang kabuluhan. At magsanay ka sa kabanalan:
8 Sapagka't sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, nguni't ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, (L)na may pangako sa buhay na ito, at sa darating.
9 Tapat ang pasabi, (M)at nararapat tanggapin ng lahat.
10 Sapagka't dahil dito ay nagsisipagpagal kami at nagsisipagsikap, sapagka't (N)may pagasa kami sa Dios na buhay, na siyang (O)Tagapagligtas sa lahat ng mga tao, lalong lalo na sa mga nagsisisampalataya.
11 Ang mga bagay na ito'y iyong iutos at ituro.
12 Huwag (P)hamakin ng sinoman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya, sa pananalita, sa (Q)pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya, (R)sa kalinisan.
13 Hanggang ako'y pumariyan ay magsikap ka sa pagbasa, sa (S)pangangaral, sa (T)pagtuturo.
14 Huwag mong pabayaan ang kaloob (U)na nasa iyo, na sa iyo'y ibinigay (V)sa pamamagitan ng hula, (W)na may pagpapatong ng mga kamay ng kapulungan ng (X)mga presbitero.
15 Magsipag ka sa mga bagay na ito; tumalaga kang lubos sa mga ito; upang ang iyong pagkasulong ay mahayag sa lahat.
16 Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo.
1 Timoteo 4
Ang Biblia, 2001
Pagtalikod sa Pananampalataya
4 Ngayon ay maliwanag na sinasabi ng Espiritu na sa mga huling panahon ang iba'y tatalikod sa pananampalataya sa pamamagitan ng pakikinig sa mga mandarayang espiritu at sa mga aral ng mga demonyo,
2 sa pamamagitan ng pagkukunwari ng mga nagsasalita ng mga kasinungalingan, na ang mga budhi ay tinatakan ng nagbabagang bakal.
3 Kanilang ipagbabawal ang pag-aasawa at ipag-uutos na lumayo sa mga pagkaing nilalang ng Diyos upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nananampalataya at nakakaalam ng katotohanan.
4 Sapagkat ang bawat nilalang ng Diyos ay mabuti at walang anumang dapat tanggihan, kung tinatanggap ito na may pagpapasalamat;
5 sapagkat ito ay pinababanal sa pamamagitan ng salita ng Diyos at ng panalangin.
Ang Mabuting Lingkod ni Cristo
6 Kung ituturo mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging isang mabuting lingkod ni Cristo Jesus, na pinalusog sa mga salita ng pananampalataya at ng mabuting aral na iyong sinusunod.
7 Subalit tanggihan mo ang masasama at mga walang kabuluhang katha. Sanayin mo ang iyong sarili sa kabanalan,
8 sapagkat ang pagsasanay sa katawan ay may kaunting pakinabang subalit ang kabanalan ay may kapakinabangan sa lahat ng bagay, na may pangako sa buhay na ito at sa darating.
9 Tapat ang salita at nararapat tanggapin nang lubos.
10 Sapagkat dahil dito ay nagpapagal kami at nagsisikap,[a] sapagkat nakalagak ang aming pag-asa sa Diyos na buháy, na siyang Tagapagligtas ng lahat ng tao, lalo na ng mga nananampalataya.
11 Iutos at ituro mo ang mga bagay na ito.
12 Huwag mong hayaang hamakin ng sinuman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging halimbawa ng mga mananampalataya sa pananalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya, at sa kalinisan.
13 Hanggang sa dumating ako, bigyang-pansin mo ang hayagang pagbabasa ng kasulatan, ang pangangaral, at ang pagtuturo.
14 Huwag mong pabayaan ang kaloob na sa iyo'y ibinigay sa pamamagitan ng propesiya, na may pagpapatong ng mga kamay ng kapulungan ng matatanda.
15 Gawin mo ang mga bagay na ito; italaga mo ang iyong sarili sa mga ito upang ang iyong pag-unlad ay makita ng lahat.
16 Ingatan mo ang iyong sarili at ang iyong pagtuturo. Manatili ka sa mga bagay na ito, sapagkat sa paggawa nito ay maililigtas mo ang iyong sarili at ang mga nakikinig sa iyo.
Footnotes
- 1 Timoteo 4:10 Sa ibang mga kasulatan ay nagtitiis ng kahihiyan .
Copyright of the Cornilescu Bible © 1924 belongs to British and Foreign Bible Society. Copyright © 2010, 2014 of the revised edition in Romanian language belongs to the Interconfessional Bible Society of Romania, with the approval of the British and Foreign Bible Society.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978

