Add parallel Print Page Options

Sinuman ay huwag nang gagawa ng masama at magsasamantala sa kanyang kapwa tungkol sa bagay na ito. Tulad ng sinabi namin at ibinabala sa inyo noon pa man, parurusahan ng Diyos ang gumagawa ng ganitong kasamaan. Sapagkat tinawag tayo ng Diyos hindi para sa kahalayan kundi sa malinis na pamumuhay. Dahil dito, ang taong tumatanggi sa aral na ito ay tumatanggi hindi sa tao kundi sa Diyos na nagkakaloob sa inyo ng kanyang Banal na Espiritu.

Read full chapter