1 Tesalonica 3
Ang Salita ng Diyos
3 Kaya nga, nang hindi na nga namin ito matiis, inisip namin na mabuti pang maiwan na lamang kami sa Atenas. 2 Sinugo namin si Timoteo na ating kapatid at tagapaglingkod ng Diyos at aming kamanggagawa sa ebanghelyo ni Cristo upang patatagin kayo at palakasin ang inyong loob patungkol sa inyong pananampalataya. 3 Ito ay upang walang sinuman sa inyo ang matinag ng mga paghihirap na ito dahil kayo ang siyang nakakaalam na kami ay itinalaga sa mga bagay na ito. 4 Ito ay sapagkat nang kasama ninyo kami, sinabi na namin sa inyo nang una pa, na kami ay magbabata na ng kahirapan. At nalaman ninyo na gayon nga ang nangyari. 5 Nang hindi na ako makatiis ay nagsugo ako upang malaman ang patungkol sa inyong pananampalataya, dahil sa aking pangambang baka kayo ay natukso na ng manunukso at mawalan ng kabuluhan ang aming pagpapagal.
Nagpalakas ng Loob ang Pagbabalita ni Timoteo
6 Ngunit ngayon, si Timoteo ay bumalik na sa amin mula sa inyo. Ibinalita niya sa amin ang patungkol sa inyong pananampalataya at pag-ibig. Ibinalita rin niya na lagi ninyo kaming naaalala at lubha ninyo kaming pinananabikang makita tulad din naman namin sa inyo.
7 Dahil dito, mga kapatid, lumakas ang aming loob patungkol sa inyo sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa kabila ng lahat naming paghihirap at pangangailangan. 8 Sa ngayon kami ay nabubuhay kung matibay kayong tumatayo sa Panginoon. 9 Sapagkat anong pasasalamat ang ibibigay namin sa Diyos patungkol sa inyo? Paano namin pasasalamatan ang lahat ng kagalakang ikinagagalak namin alang-alang sa inyo sa harap ng ating Diyos? 10 Gabi at araw ay maningas naming ipinananalangin na makita ang inyong mga mukha at lubos na mapunan ang kakulangan sa inyong pananampalataya.
11 Ngunit ang Diyos nawa at ating Ama at ang Panginoong Jesucristo ang siyang pumatnubay sa aming daan papunta sa inyo. 12 Palaguin at pag-apawin nawa kayo ng Diyos sa pag-ibig sa isa’t isa at sa lahat tulad din naman namin sa inyo. 13 Ito ay upang palakasin ang inyong mga puso na walang kapintasan sa kabanalan sa harapan ng ating Diyos at Ama sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesucristo kasama ang lahat niyang mga banal.
1 Tesalonica 3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Kaya't nang hindi na namin iyon matagalan, nagpasya kaming magpaiwan sa Atenas 2 at isugo sa inyo si Timoteo, isang kapatid at kamanggagawa ng Diyos sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ni Cristo. Sinugo namin siya upang palakasin at pasiglahin kayo sa inyong pananampalataya, 3 upang walang sinuman sa inyo ang manghina dahil sa mga pagsubok na ito. Kayo mismo ang nakababatid na ang pag-uusig ay bahagi ng kalooban ng Diyos para sa atin. 4 Sinabi na namin ito sa inyo noong magkasama pa tayo na tayo'y uusigin, at alam ninyong ganito nga ang nangyayari ngayon. 5 Kaya't nang hindi na ako makatiis, nagpadala na ako riyan ng sugo upang alamin ang kalagayan ng inyong pananampalataya sa Panginoon. Nag-aalala akong baka nalinlang na kayo ng diyablo at mawalan ng saysay ang aming mga paghihirap.
6 Ngunit ngayo'y nakabalik na dito si Timoteo at dala ang Magandang Balita tungkol sa inyong pananampalataya at pag-ibig. Ibinalita rin niya sa amin na laging maganda ang inyong alaala sa amin at nasasabik na kami'y makitang muli, gaya ng pananabik naming makita kayo. 7 Kaya nga, mga kapatid, sumigla ang aming kalooban sa gitna ng aming pagkabalisa at mga hirap dahil sa inyong pananampalataya kay Cristo. 8 Mabubuhayan kami ng loob kung mananatiling matatag ang inyong paninindigan sa Panginoon. 9 Paano kami makakapagpasalamat nang lubusan sa Diyos sa kaligayahang nararanasan namin sa harap ng Diyos dahil sa inyo? 10 Mataimtim ang dalangin namin araw at gabi na makita namin kayong muli at lalo pa kayong matulungan sa anumang pagkukulang sa inyong pananampalataya.
11 Nawa ang Diyos mismo at ating Ama at ang ating Panginoong Jesus ang maghanda ng daan namin patungo sa inyo. 12 Nawa palaguin at pasaganain ng Diyos ang inyong pag-ibig sa isa't isa at sa lahat ng tao, gaya ng pag-ibig namin sa inyo. 13 Nawa'y patatagin niya ang inyong kalooban upang kayo'y manatiling banal at walang kapintasan sa harap ng ating Diyos at Ama hanggang sa pagdating ng ating Panginoong Jesus kasama ang kanyang mga banal.
1 Tesalonica 3
Ang Biblia (1978)
3 Kaya't nang hindi na kami mangakatiis, ay (A)minagaling naming maiwang nangagiisa sa Atenas;
2 At aming sinugo si (B)Timoteo, na aming kapatid at ministro ng Dios sa evangelio ni Cristo, (C)upang kayo'y kaniyang patibayin at aliwin, tungkol sa inyong pananampalataya;
3 Upang ang sinoma'y huwag mabagabag sa pamamagitan ng mga kapighatiang ito; sapagka't kayo rin ang nangakaaalam (D)na itinalaga kami sa bagay na ito.
4 Sapagka't sa katotohanan, nang kami ay kasama ninyo ay aming sinabi nang una sa inyo na kami ay mangagbabata ng kapighatian; gaya nga na (E)nangyari, at nalalaman ninyo.
5 Dahil dito naman, nang hindi ko na matiis pa, ako'y nagsugo upang matalastas ko ang inyong pananampalataya, baka sa anomang paraan kayo'y nangatukso ng manunukso, at ang (F)aming pagpapagal ay mawalan ng kabuluhan.
6 Datapuwa't nang si Timoteo ay (G)dumating sa amin ngayon na buhat sa inyo, at nagdala sa amin ng mabubuting balita tungkol sa inyong pananampalataya at pagibig, at laging kami'y inaalaalang mabuti ninyo, na ninanasang makita kami na gaya naman namin sa inyo;
7 Dahil dito'y nangaaliw kami, mga kapatid, tungkol sa inyo sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa lahat naming kagipitan at kapighatian:
8 Sapagka't ngayon ay nangabubuhay kami, kung kayo'y (H)nangamamalaging matibay sa Panginoon.
9 (I)Sapagka't ano ngang pagpapasalamat ang aming muling maibibigay sa Dios dahil sa inyo, dahil sa buong kagalakan na aming ikinagalak dahil sa inyo sa harapan ng aming Dios;
10 Gabi't araw ay (J)idinadalangin naming buong ningas (K)na aming makita ang inyong mukha, at (L)aming malubos ang inyong pananampalataya.
11 Ngayo'y patnugutan nawa ng atin ding Dios at Ama, at ng ating Panginoong Jesus, ang aming paglalakbay sa inyo:
12 At (M)kayo'y palaguin at pasaganain ng Panginoon sa pagibig sa isa't isa, at sa lahat ng mga tao, na gaya naman ng amin sa inyo;
13 Upang (N)patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, (O)sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na (P)kasama ang kaniyang lahat na mga banal.
1 Thessalonians 3
New International Version
3 So when we could stand it no longer,(A) we thought it best to be left by ourselves in Athens.(B) 2 We sent Timothy,(C) who is our brother and co-worker(D) in God’s service in spreading the gospel of Christ,(E) to strengthen and encourage you in your faith, 3 so that no one would be unsettled by these trials.(F) For you know quite well that we are destined for them.(G) 4 In fact, when we were with you, we kept telling you that we would be persecuted. And it turned out that way, as you well know.(H) 5 For this reason, when I could stand it no longer,(I) I sent to find out about your faith.(J) I was afraid that in some way the tempter(K) had tempted you and that our labors might have been in vain.(L)
Timothy’s Encouraging Report
6 But Timothy(M) has just now come to us from you(N) and has brought good news about your faith and love.(O) He has told us that you always have pleasant memories of us and that you long to see us, just as we also long to see you.(P) 7 Therefore, brothers and sisters, in all our distress and persecution we were encouraged about you because of your faith. 8 For now we really live, since you are standing firm(Q) in the Lord. 9 How can we thank God enough for you(R) in return for all the joy we have in the presence of our God because of you?(S) 10 Night and day we pray(T) most earnestly that we may see you again(U) and supply what is lacking in your faith.
11 Now may our God and Father(V) himself and our Lord Jesus clear the way for us to come to you. 12 May the Lord make your love increase and overflow for each other(W) and for everyone else, just as ours does for you. 13 May he strengthen your hearts so that you will be blameless(X) and holy in the presence of our God and Father(Y) when our Lord Jesus comes(Z) with all his holy ones.(AA)
Copyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

