1 Tesalonica 3:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 at isugo sa inyo si Timoteo. Kapatid natin siya at kasama naming naglilingkod sa Dios sa pangangaral ng Magandang Balita tungkol kay Cristo. Pinapunta namin siya para patibayin at palakasin ang pananampalataya ninyo, 3 para walang panghinaan ng loob sa inyo dahil sa mga nararanasan ninyong pag-uusig Alam naman ninyong kailangan nating pagdaanan ang mga pag-uusig. 4 Noong nariyan pa kami sa inyo, lagi namin kayong pinapaalalahanan na makakaranas tayo ng mga pag-uusig. At gaya ng alam nʼyo, ito na nga ang nangyari.
Read full chapter
1 Tesalonica 3:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 at isugo sa inyo si Timoteo, isang kapatid at kamanggagawa ng Diyos sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ni Cristo. Sinugo namin siya upang palakasin at pasiglahin kayo sa inyong pananampalataya, 3 upang walang sinuman sa inyo ang manghina dahil sa mga pagsubok na ito. Kayo mismo ang nakababatid na ang pag-uusig ay bahagi ng kalooban ng Diyos para sa atin. 4 Sinabi na namin ito sa inyo noong magkasama pa tayo na tayo'y uusigin, at alam ninyong ganito nga ang nangyayari ngayon.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.