1 Tesalonica 2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Paglilingkod ni Pablo sa Tesalonica
2 Mga kapatid, kayo na rin ang nakakaalam na hindi nawalan ng kabuluhan ang pagpunta namin sa inyo. 2 Alam(A) ninyong hinamak kami't inalipusta sa Filipos, ngunit sa kabila ng maraming hadlang, binigyan kami ng Diyos ng lakas ng loob na ipahayag sa inyo ang Magandang Balita. 3 Ang pangangaral namin ay hindi batay sa kamalian, o sa masamang layunin, o sa hangad na manlinlang. 4 Sapagkat minarapat ng Diyos na ipagkatiwala sa amin ang Magandang Balita, nangangaral kami, hindi upang bigyang-kasiyahan ang tao, kundi ang Diyos na sumisiyasat ng ating puso. 5 Alam ninyo na ang aming pangangaral ay hindi sa pamamagitan ng matatamis na pangungusap, o ng mga salitang nagkukubli ng kasakiman. Saksi namin ang Diyos. 6 Hindi kami naghangad ng papuri ninyo o ninuman 7 kahit bilang mga apostol ni Cristo ay may karapatan kaming humingi ng anuman mula sa inyo. Sa halip ay naging magiliw kami sa inyo, tulad ng inang mapagkalinga sa kanyang mga anak. 8 Dahil sa laki ng aming pagmamahal sa inyo, hindi lamang kami handang ibahagi sa inyo ang Magandang Balita, kundi maging ang aming buhay. 9 Mga kapatid, tiyak na natatandaan pa ninyo kung paano kami nagtrabaho at nagsikap araw-gabi para hindi kami makabigat kaninuman habang ipinapahayag namin sa inyo ang Magandang Balitang mula sa Diyos.
10 Saksi ang Diyos at saksi rin namin kayo, kung paanong naging dalisay, matuwid, at walang kapintasan ang aming pakikitungo sa inyo na mga sumasampalataya. 11 Tulad ng alam ninyo, kami'y naging parang ama sa bawat isa sa inyo. 12 Pinayuhan namin kayo, pinalakas namin ang inyong loob, at inatasan na mamuhay nang kalugud-lugod sa paningin ng Diyos na tumawag sa inyo upang mapabilang sa kanyang kaharian at kaluwalhatian.
13 Kaya nga, palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos, sapagkat nang ipangaral namin sa inyo ang kanyang salita, hindi ninyo ito tinanggap bilang salita ng tao, kundi bilang tunay na salita ng Diyos, at ang bisa nito'y nakikita sa buhay ninyo na mga sumasampalataya. 14 Mga(B) kapatid, ang nangyari sa inyo ay tulad ng nangyari sa mga iglesya ng Diyos sa Judea, sa mga nananalig kay Cristo Jesus. Inuusig kayo ng inyong mga kababayan, tulad din ng mga taga-Judea na inusig ng kapwa nila Judio. 15 Ang(C) mga Judiong ito ang pumatay sa Panginoong Jesus at sa mga propeta. Sila rin ang umuusig sa amin. Nagagalit sa kanila ang Diyos at kaaway sila ng lahat ng tao! 16 Ang aming pangangaral sa mga Hentil upang ang mga ito'y maligtas ay kanilang hinahadlangan. Umabot na sa sukdulan ang kanilang kasamaan, kaya't ngayon ay bumagsak na ang poot ng Diyos sa kanila.
Ang Hangad ni Pablo na Dalawin Silang Muli
17 At ngayon, mga kapatid, nang kami'y sandaling napahiwalay sa inyo, hindi sa alaala kundi sa paningin, labis kaming nangulila. Kaya't sabik na sabik na kaming makita kayong muli 18 at nais naming makabalik diyan. Ako mismong si Pablo ay makailang ulit na nagbalak dumalaw sa inyo, ngunit lagi kaming hinahadlangan ni Satanas. 19 Hindi ba't kayo ang aming pag-asa, kaligayahan, at ang koronang maipagmamalaki namin sa harap ng Panginoong Jesus pagparito niya? 20 Oo, kayo ang aming karangalan at kaligayahan.
1 Tesalonica 2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Gawain ni Pablo sa Tesalonica
2 Alam ninyong lahat mga kapatid na hindi nawalan ng kabuluhan ang pagpunta namin sa inyo. 2 Alam ninyong pinahirapan kami at hinamak sa Filipos, ngunit ang Diyos ang nagbigay ng lakas ng loob sa amin na ipahayag sa inyo ang kanyang ebanghelyo sa kabila ng maraming pagtutol. 3 Ang pangangaral namin sa inyo ay hindi nagmumula sa masamang layunin at hangad na manlinlang o kaya nama'y nais namin kayong dalhin sa kamalian. 4 Dahil minarapat ng Diyos na sa amin ay ipagkatiwala ang ebanghelyo, nangangaral kami hindi upang bigyang-kasiyahan ang tao, kundi ang Diyos na nakasisiyasat ng aming puso. 5 Alam ng Diyos at alam din ninyo na hindi kami gumamit ng pakunwaring papuri sa aming pangangaral, o ginamit ang aming pangangaral bilang balatkayo ng anumang sakim na hangarin. 6 Hindi kami naghangad ng papuri ng sinumang tao, kahit mula sa inyo, 7 bagaman bilang mga apostol ni Cristo ay may katwiran kaming humingi ng tulong sa inyo. Naging magiliw kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa kanyang anak. 8 Dahil sa laki ng aming pananabik sa inyo, buong kagalakang ibinahagi namin sa inyo hindi lamang ang ebanghelyo ng Diyos kundi maging ang aming buhay, dahil napamahal na kayo sa amin. 9 Tiyak na naaalala pa ninyo, mga kapatid, ang mga pagod at hirap namin; kung paano kami nagsikap araw at gabi upang hindi kami maging pasanin ninuman habang ipinapahayag namin sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos. 10 Kayo at ang Diyos ang aming saksi kung paano naging dalisay, matuwid, at walang-kapintasan ang aming pakikitungo sa inyong mga mananampalataya. 11 Alam ninyo kung paano kami naging tulad ng isang ama sa bawat isa sa inyo. 12 Pinayuhan namin kayo, pinalakas ang inyong loob at hinikayat na mamuhay na karapat-dapat sa Diyos na tumatawag sa inyong makibahagi sa kanyang paghahari at luwalhati.
13 Patuloy din ang aming pagpapasalamat sa Diyos sapagkat nang ipinangaral namin sa inyo ang salita, tinanggap ninyo ito hindi bilang mula sa tao kundi bilang salita ng Diyos na nagbubunga sa inyong mga sumasampalataya. 14 Tinularan ninyo, mga kapatid, ang halimbawa ng mga iglesya ng Diyos sa Judea na nakay Cristo Jesus. Dumanas din kayo ng hirap mula sa kamay ng sarili ninyong mga kababayan, gaya rin ng mga taga-Judea na inusig ng kapwa nila Judio. 15 Sila ang pumatay sa Panginoong Jesus at sa mga propeta; sila rin ang nagpalayas sa amin. Hindi sila kalugud-lugod sa Diyos, gayundin sa lahat ng tao! 16 Pilit silang humahadlang sa aming pangangaral sa mga Hentil upang maligtas ang mga ito. Sukdulan na ang kanilang kasamaan kaya naman bumagsak na sa kanila ang poot ng Diyos.
Ang Pagnanais ni Pablo na Dalawin ang Iglesya
17 Mga kapatid, sa maikling panahon na tayo'y nagkahiwalay—sa katawan ngunit hindi sa damdamin—lalo kaming nasasabik na magkasama tayong muli. 18 Talagang gusto naming bumalik sa inyo—lalung-lalo na ako—ngunit hinadlangan kami ni Satanas. 19 Sino ba ang aming pag-asa, kaligayahan, o koronang maipagmamalaki namin sa harap ng ating Panginoong Jesus sa kanyang pagdating? Hindi ba kayo? 20 Oo, kayo ang aming karangalan at kaligayahan.
1 Thessalonians 2
King James Version
2 For yourselves, brethren, know our entrance in unto you, that it was not in vain:
2 But even after that we had suffered before, and were shamefully entreated, as ye know, at Philippi, we were bold in our God to speak unto you the gospel of God with much contention.
3 For our exhortation was not of deceit, nor of uncleanness, nor in guile:
4 But as we were allowed of God to be put in trust with the gospel, even so we speak; not as pleasing men, but God, which trieth our hearts.
5 For neither at any time used we flattering words, as ye know, nor a cloke of covetousness; God is witness:
6 Nor of men sought we glory, neither of you, nor yet of others, when we might have been burdensome, as the apostles of Christ.
7 But we were gentle among you, even as a nurse cherisheth her children:
8 So being affectionately desirous of you, we were willing to have imparted unto you, not the gospel of God only, but also our own souls, because ye were dear unto us.
9 For ye remember, brethren, our labour and travail: for labouring night and day, because we would not be chargeable unto any of you, we preached unto you the gospel of God.
10 Ye are witnesses, and God also, how holily and justly and unblameably we behaved ourselves among you that believe:
11 As ye know how we exhorted and comforted and charged every one of you, as a father doth his children,
12 That ye would walk worthy of God, who hath called you unto his kingdom and glory.
13 For this cause also thank we God without ceasing, because, when ye received the word of God which ye heard of us, ye received it not as the word of men, but as it is in truth, the word of God, which effectually worketh also in you that believe.
14 For ye, brethren, became followers of the churches of God which in Judaea are in Christ Jesus: for ye also have suffered like things of your own countrymen, even as they have of the Jews:
15 Who both killed the Lord Jesus, and their own prophets, and have persecuted us; and they please not God, and are contrary to all men:
16 Forbidding us to speak to the Gentiles that they might be saved, to fill up their sins alway: for the wrath is come upon them to the uttermost.
17 But we, brethren, being taken from you for a short time in presence, not in heart, endeavoured the more abundantly to see your face with great desire.
18 Wherefore we would have come unto you, even I Paul, once and again; but Satan hindered us.
19 For what is our hope, or joy, or crown of rejoicing? Are not even ye in the presence of our Lord Jesus Christ at his coming?
20 For ye are our glory and joy.
1 Thessalonians 2
1599 Geneva Bible
2 1 He declareth how faithfully he preacheth the Gospel unto them, 5 seeking neither gain, 6 nor praise of men: 10 and he proveth the same by their own testimony: 14 that they did courageously bear persecution of their countrymen: 17 that he desireth very much to see them.
1 For [a]ye yourselves know, brethren, that our entrance in unto you was not in vain,
2 [b]But even after that we had suffered before, and were shamefully entreated at (A)Philippi, (as ye know) we were bold in [c]our God, to speak unto you the Gospel of God, with much striving.
3 [d]For our exhortation was not by deceit, nor [e]by uncleanness, nor by guile.
4 [f]But as we were [g]allowed of God, that the Gospel should be committed unto us, so we speak, not as they that please men, but God, which [h]approveth our hearts:
5 Neither yet did we ever use flattering words, as ye know, nor colored covetousness, God is record.
6 [i]Neither sought we praise of men, neither of you, nor of others, when we might have been [j]chargeable, as the Apostles of Christ.
7 But we were [k]gentle among you, even as a nurse cherisheth her children.
8 [l]Thus being affectioned toward you, our good will was to have dealt unto you, not the Gospel of God only, but also our own souls, because ye were dear unto us.
9 [m]For ye remember, brethren, (B)our labor and travail: for we labored day and night, because we would not be chargeable unto any of you, and preached unto you the Gospel of God.
10 [n]Ye are witnesses, and God also, how holily, and justly, and unblameably we behaved ourselves among you that believe.
11 [o]As ye know how that we exhorted you, and comforted, and besought every one of you, (as a father his children.)
12 [p]That ye (C)would walk worthy of God, who hath called you unto his kingdom and glory.
13 [q]For this cause also thank we God without ceasing, that when ye received the word of God, which ye heard of us, ye received it not as the word of men, but as it is indeed the word of God, which also worketh in you that believe.
14 [r]For brethren, ye are become followers of the Churches of God, which in Judea are in [s]Christ Jesus, because ye have also suffered the same things of your own [t]country men, even as they have of the Jews,
15 [u]Who both killed the Lord Jesus and their own Prophets, and have persecuted us away, [v]and God they please not, and are contrary to [w]all men,
16 And forbid us to preach unto the Gentiles, that they might be saved, to [x]fulfill their sins always: for the [y]wrath of God is come on them to the utmost.
17 [z]Forasmuch, brethren, as we [aa]were kept from you for a season, concerning sight, but not in the heart, we enforced the more to see your face with great desire.
18 Therefore we would have come unto you (I Paul, at least once or twice) but Satan hindered us.
19 For what is our hope or joy, or crown of rejoicing? are not even you it in the presence of our Lord Jesus Christ at his coming?
20 Yea, ye are our glory and joy.
Footnotes
- 1 Thessalonians 2:1 That which he touched before shortly concerning his Apostleship, he handleth now more at large, and to that end and purpose which we spake of.
- 1 Thessalonians 2:2 The virtues of a true Pastor are freely, and without fear to preach the Gospel, even in the midst of dangers.
- 1 Thessalonians 2:2 Through God his gracious help.
- 1 Thessalonians 2:3 To teach pure doctrine faithfully and with a pure heart.
- 1 Thessalonians 2:3 By any wicked and naughty kind of dealing.
- 1 Thessalonians 2:4 To approve his conscience to God, being free from all flattery and covetousness.
- 1 Thessalonians 2:4 Seeing there is this difference between the judgments of God and the judgments of men, that when men choose, they respect the qualities of those things which stand before them, but God findeth the reason of his counsel only in himself, it followeth, that seeing we are not able to think a good thought, that whomsoever he first chooseth to those holy callings, he maketh them able, and doth not find them able. And therefore in that we are allowed of God, it hangeth upon his mercy.
- 1 Thessalonians 2:4 Which liketh and alloweth them.
- 1 Thessalonians 2:6 To submit himself even to the basest, to win them, and to eschew all pride.
- 1 Thessalonians 2:6 When I might lawfully have lived upon the expenses of the Church.
- 1 Thessalonians 2:7 We were not rough, but easy, and gentle, as a nurse that is neither ambitious nor covetous, but taketh all pains as patiently, as if she were a mother.
- 1 Thessalonians 2:8 To have the flock that is committed unto him in more estimation than his own life.
- 1 Thessalonians 2:9 To depart with his own rights rather than to be chargeable to his sheep.
- 1 Thessalonians 2:10 To excel others in example of godly life.
- 1 Thessalonians 2:11 To exhort and comfort with a fatherly mind and affection.
- 1 Thessalonians 2:12 To exhort all men diligently and earnestly to lead a godly life.
- 1 Thessalonians 2:13 Having approved his ministry, he commendeth again (to that end and purpose that I spake of) the cheerfulness of the Thessalonians, which was answerable to his diligence in preaching, and their manly patience.
- 1 Thessalonians 2:14 He confirmeth them in their afflictions which they suffered of their own people, because they were afflicted of their own countrymen: which came as well (saith he) to the Churches of the Jews, as to them: and therefore they ought to take it in good part.
- 1 Thessalonians 2:14 Which Christ hath gathered together.
- 1 Thessalonians 2:14 Even of them which are of the same country, and the same town that you are of.
- 1 Thessalonians 2:15 He preventeth an offense which might be taken, for that the Jews especially above all others persecuted the Gospel. That is no new thing, sayeth he, seeing they slew Christ himself and his Prophets, and have banished me also.
- 1 Thessalonians 2:15 He foretelleth the utter destruction of the Jews, lest any man should be moved by their rebellion.
- 1 Thessalonians 2:15 For the Jews would neither enter into the kingdom of God themselves, nor suffer others to enter in.
- 1 Thessalonians 2:16 Until the wickedness of theirs which they have by inheritance as it were of their fathers, be grown so great that the measure of their iniquity being filled, God may come forth to wrath.
- 1 Thessalonians 2:16 The judgments of God being angry, which indeed appeared shortly after in the destruction of the city of Jerusalem, whither many resorted even out of divers provinces, when it was besieged.
- 1 Thessalonians 2:17 He meeteth with an objection, why he came not to them straightway being in so great misery, I desired oftentimes (saith he) and it lay not in me, but Satan hindered my endeavors, and therefore I sent Timothy my faithful companion unto you, because you are most dear to me.
- 1 Thessalonians 2:17 Were kept asunder from you, and as it were orphans.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Geneva Bible, 1599 Edition. Published by Tolle Lege Press. All rights reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, without written permission from the publisher, except in the case of brief quotations in articles, reviews, and broadcasts.

