Font Size
1 Tesalonica 1:4-6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Tesalonica 1:4-6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Alam namin, mga kapatid na minamahal ng Diyos, na siya ang humirang sa inyo. 5 Sapagkat nang ipinangaral namin sa inyo ang ebanghelyo, hindi ito sa pamamagitan ng salita lamang, kundi sa pamamagitan ng kapangyarihang mula sa Banal na Espiritu kasama ang lubos naming pananalig sa aming ipinapahayag. Nakita ninyo kung paano kami namuhay sa inyong piling alang-alang sa inyo. 6 Nang (A) tinanggap ninyo ang aming ipinapangaral, tumulad kayo sa aming halimbawa at sa halimbawa ng Panginoon. Ginawa ninyo ito sa kabila ng matinding paghihirap, ngunit tinaglay pa rin ninyo ang kagalakang dulot ng Banal na Espiritu.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.