1 Samuel 29
Magandang Balita Biblia
Si David ay Tinanggihan ng mga Filisteo
29 Ang mga Filisteo'y nagtipun-tipon sa Afec at ang mga Israelita naman ay sa tabi ng malaking bukal sa libis ng Jezreel. 2 Nang ang mga pinunong Filisteo ay patungo na sa labanan kasama ang kani-kanilang pangkat na may daan-daan at may libu-libo, nakita nila ang pangkat ni David; ang mga ito'y nasa hulihan at kahanay ng pangkat ni Aquis. 3 Itinanong ng mga prinsipeng Filisteo, “Sino ang mga Hebreong ito? Ano ang ginagawa nila rito?”
Sumagot si Aquis, “Si David iyan na lingkod ni Haring Saul. Siya'y mahigit nang isang taong kasa-kasama ko. Buhat nang magkasama kami, wala akong maipipintas sa kanya.”
4 Nagalit ang mga pinunong Filisteo. Sinabi nila kay Aquis, “Pabalikin mo na sila sa lugar na ibinigay mo sa kanila. Hindi natin sila isasama sa labanan. Baka kung nandoon na, tayo pa ang labanan nila. Baka samantalahin niya ang pagkakataon upang maalis ang galit sa kanya ni Saul. 5 Hindi(A) ba iyan ang David na kanilang binabanggit sa awit na:
‘Pumatay si Saul ng libu-libo
si David nama'y sampu-sampung libo?’”
6 Tinawag ni Aquis si David. Sinabi niya, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy,[a] ikaw ay naging tapat sa akin. At para sa akin, nais kong kasama ka sa pakikidigma naming ito sapagkat buhat nang magkasama tayo'y wala akong masasabing masama laban sa iyo. Ngunit ayaw kang isama ng ibang pinuno. 7 Kaya, magbalik ka na para hindi magalit sa iyo ang mga pinuno ng mga Filisteo.”
8 Itinanong ni David, “Ano ba ang nagawa kong masama buhat nang sumama ako sa inyo at ayaw ninyo akong isama sa pakikipaglaban sa inyong mga kaaway?”
9 Sumagot si Aquis, “Alam kong wala kang ginawang masama. Natitiyak kong ikaw ay tapat, tulad ng isang anghel ng Diyos, ngunit ayaw kang isama ng mga pinunong Filisteo. 10 Kaya, pagliwanag bukas ng umaga, isama mong lahat ang mga tauhan mo at bumalik na kayo sa lugar na ibinigay ko sa inyo. Huwag sasama ang loob mo. Wala akong masasabing anuman laban sa iyo.”
11 Kinabukasan ng umaga, si David at ang mga tauhan nito'y nagbalik sa lupain ng mga Filisteo; nagpatuloy naman ang mga Filisteo ng pagsugod sa Jezreel.
Footnotes
- 1 Samuel 29:6 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy: o kaya'y Hangga't si Yahweh ay nabubuhay .
1 Samuel 29
Ang Biblia (1978)
Pinisan ng mga Filisteo ang kanilang hukbo sa Aphec.
29 Pinisan nga ng mga (A)Filisteo ang lahat nilang hukbo sa (B)Aphec: at ang mga taga Israel ay humantong sa (C)bukal na nasa (D)Jezreel.
2 At ang mga (E)pangulo ng mga Filisteo ay nagdadaan na mga daan daan, at mga libolibo: at si David at ang kaniyang mga tao ay nagdadaan sa mga huli na (F)kasama ni Achis.
3 Nang magkagayo'y sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo, Ano ang mga Hebreong ito? At sumagot si Achis sa mga prinsipe ng mga Filisteo, Hindi ba ito ay si David na lingkod ni Saul na hari sa Israel na napasa akin (G)ng mga araw na ito, o ng mga taong ito, at hindi ako nakasumpong ng (H)anomang kakulangan sa kaniya mula nang siya'y (I)lumapit sa akin hanggang sa araw na ito?
4 Nguni't ang mga prinsipe ng mga Filisteo ay nagalit sa kaniya; at sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo sa kaniya, Pabalikin mo ang taong iyan, upang siya'y bumalik sa kaniyang dako (J)na iyong pinaglagyan sa kaniya, at huwag mong pababain na kasama natin sa pakikipagbaka, baka sa pagbabaka ay maging kaaway natin siya: sapagka't paanong makikipagkasundo ito sa kaniyang panginoon? hindi ba sa pamamagitan ng mga ulo ng mga taong ito?
5 Hindi ba ito ang David na siyang kanilang pinagaawitanan sa mga sayaw, na sinasabi,
(K)Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo,
At ni David ang kaniyang laksalaksa?
Hindi nagtiwala kay David ang Filisteo.
6 Nang magkagayo'y tinawag ni Achis si David, at sinabi sa kaniya, Buhay ang Panginoon, ikaw ay matuwid, at ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok na kasama ko sa hukbo ay mabuti sa aking paningin: sapagka't hindi ako nakasumpong ng kasamaan sa iyo mula sa araw ng iyong pagdating sa akin hanggang sa araw na ito: gayon ma'y hindi ka kinalulugdan ng mga pangulo.
7 Kaya't ngayo'y ikaw ay bumalik at yumaong payapa, upang huwag kang kagalitan ng mga pangulo ng mga Filisteo.
8 At sinabi ni David kay Achis, Nguni't anong aking ginawa? at anong iyong nasumpungan sa iyong lingkod habang ako'y nasa sa harap mo hanggang sa araw na ito, upang ako'y huwag yumaon at lumaban sa mga kaaway ng aking panginoon na hari?
9 At sumagot si Achis, at sinabi kay David, Talastas ko na ikaw ay mabuti sa aking paningin, na gaya ng isang (L)anghel ng Dios: gayon ma'y sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo. Hindi siya aahon na kasama natin sa pakikipagbaka.
10 Kaya't bumangon kang maaga sa kinaumagahan na kasama ng mga (M)lingkod ng iyong panginoon na naparitong kasama mo; at pagbangon ninyong maaga sa kinaumagahan, at pagliliwanag ay yumaon kayo.
11 Sa gayo'y bumangong maaga si David, siya at ang kaniyang mga lalake, upang yumaon sa kinaumagahan, na bumalik sa lupain ng mga Filisteo. At ang mga (N)Filisteo ay umahon sa Jezreel.
1 Samuel 29
New International Version
Achish Sends David Back to Ziklag
29 The Philistines gathered(A) all their forces at Aphek,(B) and Israel camped by the spring in Jezreel.(C) 2 As the Philistine rulers marched with their units of hundreds and thousands, David and his men were marching at the rear(D) with Achish. 3 The commanders of the Philistines asked, “What about these Hebrews?”
Achish replied, “Is this not David,(E) who was an officer of Saul king of Israel? He has already been with me for over a year,(F) and from the day he left Saul until now, I have found no fault in him.”
4 But the Philistine commanders were angry with Achish and said, “Send(G) the man back, that he may return to the place you assigned him. He must not go with us into battle, or he will turn(H) against us during the fighting. How better could he regain his master’s favor than by taking the heads of our own men? 5 Isn’t this the David they sang about in their dances:
“‘Saul has slain his thousands,
and David his tens of thousands’?”(I)
6 So Achish called David and said to him, “As surely as the Lord lives, you have been reliable, and I would be pleased to have you serve with me in the army. From the day(J) you came to me until today, I have found no fault in you, but the rulers(K) don’t approve of you. 7 Now turn back and go in peace; do nothing to displease the Philistine rulers.”
8 “But what have I done?” asked David. “What have you found against your servant from the day I came to you until now? Why can’t I go and fight against the enemies of my lord the king?”
9 Achish answered, “I know that you have been as pleasing in my eyes as an angel(L) of God; nevertheless, the Philistine commanders(M) have said, ‘He must not go up with us into battle.’ 10 Now get up early, along with your master’s servants who have come with you, and leave(N) in the morning as soon as it is light.”
11 So David and his men got up early in the morning to go back to the land of the Philistines, and the Philistines went up to Jezreel.
1 Samuel 29
King James Version
29 Now the Philistines gathered together all their armies to Aphek: and the Israelites pitched by a fountain which is in Jezreel.
2 And the lords of the Philistines passed on by hundreds, and by thousands: but David and his men passed on in the rereward with Achish.
3 Then said the princes of the Philistines, What do these Hebrews here? And Achish said unto the princes of the Philistines, Is not this David, the servant of Saul the king of Israel, which hath been with me these days, or these years, and I have found no fault in him since he fell unto me unto this day?
4 And the princes of the Philistines were wroth with him; and the princes of the Philistines said unto him, Make this fellow return, that he may go again to his place which thou hast appointed him, and let him not go down with us to battle, lest in the battle he be an adversary to us: for wherewith should he reconcile himself unto his master? should it not be with the heads of these men?
5 Is not this David, of whom they sang one to another in dances, saying, Saul slew his thousands, and David his ten thousands?
6 Then Achish called David, and said unto him, Surely, as the Lord liveth, thou hast been upright, and thy going out and thy coming in with me in the host is good in my sight: for I have not found evil in thee since the day of thy coming unto me unto this day: nevertheless the lords favour thee not.
7 Wherefore now return, and go in peace, that thou displease not the lords of the Philistines.
8 And David said unto Achish, But what have I done? and what hast thou found in thy servant so long as I have been with thee unto this day, that I may not go fight against the enemies of my lord the king?
9 And Achish answered and said to David, I know that thou art good in my sight, as an angel of God: notwithstanding the princes of the Philistines have said, He shall not go up with us to the battle.
10 Wherefore now rise up early in the morning with thy master's servants that are come with thee: and as soon as ye be up early in the morning, and have light, depart.
11 So David and his men rose up early to depart in the morning, to return into the land of the Philistines. And the Philistines went up to Jezreel.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

