Add parallel Print Page Options
'1 Samuel 24 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Iniligtas ni David ang Buhay ni Saul

24 Nang si Saul ay bumalik mula sa paghabol sa mga Filisteo, sinabi sa kanya, “Si David ay nasa ilang ng En-gedi.”

Nang magkagayo'y kumuha si Saul ng tatlong libong piling lalaki sa buong Israel, at naglakbay upang tugisin si David at ang kanyang mga tauhan sa harapan ng Batuhan ng Maiilap na Kambing.

Siya'y(A) dumating sa mga kulungan ng kawan sa daan na kinaroroonan ng isang yungib; at pumasok si Saul upang dumumi.[a] Samantala, si David at ang kanyang mga tauhan ay nakaupo sa kaloob-loobang bahagi ng yungib.

At sinabi ng mga tauhan ni David sa kanya, “Narito ang araw na sinabi ng Panginoon sa iyo, ‘Aking ibibigay ang iyong kaaway sa iyong kamay, at iyong gagawin sa kanya kung ano ang gusto mo.’” Nang magkagayo'y tumindig si David at lihim na pinutol ang laylayan ng balabal ni Saul.

Pagkatapos, nagdamdam ang puso ni David sapagkat kanyang pinutol ang laylayan ng balabal ni Saul.

At(B) sinabi niya sa kanyang mga tauhan, “Huwag ipahintulot ng Panginoon na ako'y gumawa ng ganitong bagay sa aking panginoon na binuhusan ng langis ng Panginoon, na aking saktan siya ng aking kamay[b] gayong siya ang binuhusan ng langis ng Panginoon.”

Kaya't nahikayat ni David ang kanyang mga tauhan sa pamamagitan ng mga salitang ito, at hindi niya pinahintulutan sila na salakayin si Saul. Pagkatapos ay tumindig si Saul, lumabas sa yungib at nagpatuloy sa kanyang lakad.

Pagkatapos, si David ay tumindig, at lumabas sa yungib, at pasigaw na sinabi kay Saul, “Panginoon kong hari.” Nang lumingon si Saul ay iniyukod ni David ang kanyang mukha sa lupa at nagbigay galang.

At sinabi ni David kay Saul, “Bakit ka nakikinig sa mga salita ng mga tao na nagsasabi, ‘Tingnan mo, pinagsisikapan kang gawan ng masama ni David?’

10 Nakita ngayon ng iyong mga mata kung paanong ibinigay ka ngayon ng Panginoon sa aking kamay sa yungib, at sinabi sa akin ng iba na patayin kita. Ngunit hinayaan kita at aking sinabi, ‘Hindi ko sasaktan ng aking kamay ang aking panginoon, sapagkat siya ang binuhusan ng langis ng Panginoon.’

11 Bukod dito'y iyong tingnan, ama ko. Tingnan mo ang laylayan ng iyong balabal sa aking kamay. Sapagkat sa pagputol ko ng laylayan ng iyong balabal at hindi ko pagpatay sa iyo, matitiyak mo na wala kahit kasamaan o pagtataksil man sa aking sarili. Hindi ako nagkasala laban sa iyo, kahit tinutugis mo ako upang kunin ang aking buhay.

12 Hatulan nawa tayo ng Panginoon, at ipaghiganti nawa ako ng Panginoon sa iyo; ngunit ako ay hindi magiging laban sa iyo.

13 Gaya ng sabi ng kawikaan ng matatanda, ‘Sa masama nagmumula ang kasamaan,’ ngunit ako ay hindi magiging laban sa iyo.

14 Laban(C) kanino lumabas ang hari ng Israel? Sinong hinahabol mo? Isang patay na aso! Isang pulgas!

15 Ang Panginoon nawa ang humatol, maghukom sa pagitan natin, magsiyasat, ipagsanggalang ang aking usapin, at iligtas ako sa iyong kamay.”

16 Matapos sabihin ni David ang mga salitang ito kay Saul, sinabi ni Saul, “Ito ba ay iyong tinig, anak kong David?” At inilakas ni Saul ang kanyang tinig, at umiyak.

17 Kanyang sinabi kay David, “Ikaw ay higit na matuwid kaysa akin sapagkat ikaw ay gumanti sa akin ng mabuti, samantalang ikaw ay aking ginantihan ng masama.

18 Ipinahayag mo sa araw na ito kung paanong gumawa ka sa akin ng mabuti, sapagkat nang ibigay ako ng Panginoon sa iyong kamay ay hindi mo ako pinatay.

19 Sapagkat kung matagpuan ng isang tao ang kanyang kaaway, hahayaan ba niyang makaalis na ligtas? Kaya't gantihan ka nawa ng mabuti ng Panginoon dahil sa iyong ginawa sa akin sa araw na ito.

20 At ngayon, nalalaman ko na ikaw ay tunay na magiging hari, at ang kaharian ng Israel ay matatatag sa iyong kamay.

21 Isumpa mo ngayon sa akin sa pamamagitan ng Panginoon na hindi mo puputulin ang aking lahi pagkamatay ko, at hindi mo papawiin ang aking pangalan sa sambahayan ng aking ama.”

22 At sumumpa si David kay Saul. Pagkatapos, si Saul ay umuwi ngunit si David at ang kanyang mga tauhan ay umakyat sa kuta.

Footnotes

  1. 1 Samuel 24:3 Sa Hebreo ay magtakip ng mga paa .
  2. 1 Samuel 24:6 Sa Hebreo ay iunat ang aking kamay laban sa kanya .

24 At nangyari, nang si Saul ay bumalik na mula sa paghabol sa mga Filisteo, na nasaysay sa kaniya, na sinasabi, Narito, si David ay nasa ilang ng En-gaddi.

Nang magkagayo'y kumuha si Saul ng tatlong libong piling lalake sa buong Israel, at yumaong inusig si David at ang kaniyang mga lalake sa mga bundok ng maiilap na kambing.

At siya'y naparoon sa mga kulungan ng kawan sa daan, na kinaroroonan ng isang yungib; at pumasok si Saul upang takpan ang kaniyang mga paa. Si David nga at ang kaniyang mga tao ay tumatahan sa pinakaloob na bahagi ng yungib.

At sinabi ng mga tao ni David sa kaniya, Narito, ang araw na sinabi ng Panginoon sa iyo, Narito, aking ibibigay ang iyong kaaway sa iyong kamay, at iyong gagawin sa kaniya kung ano ang mabutihin mo. Nang magkagayo'y tumindig si David at pinutol na lihim ang laylayan ng balabal ni Saul.

At nangyari pagkatapos, na nagdamdam ang puso ni David, sapagka't kaniyang pinutol ang laylayan ng balabal ni Saul.

At kaniyang sinabi sa kaniyang mga lalake, Huwag itulot ng Panginoon na ako'y gumawa ng ganitong bagay sa aking panginoon, na pinahiran ng langis ng Panginoon, na aking iunat ang aking kamay laban sa kaniya, yamang siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon.

Sa gayo'y pinigilan ni David ang kaniyang mga tao ng mga salitang ito, at hindi niya sila binayaang bumangon laban kay Saul. At tumindig si Saul sa yungib at nagpatuloy ng kaniyang lakad.

Si David naman ay tumindig pagkatapos, at lumabas sa yungib, at hiniyawan si Saul, na sinasabi, Panginoon ko na hari. At nang lumingon si Saul ay iniyukod ni David ang kaniyang mukha sa lupa, at nagbigay galang.

At sinabi ni David kay Saul, Bakit ka nakikinig sa mga salita ng mga tao, na nagsasabi, Narito, pinagsisikapan kang saktan ni David?

10 Narito, nakita ngayon ng iyong mga mata kung paanong ibinigay ka ngayon ng Panginoon sa aking kamay sa yungib: at sinabi sa akin ng iba na patayin kita: nguni't hindi kita inano; at aking sinabi, Hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa aking panginoon; sapagka't siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon.

11 Bukod dito'y iyong tingnan, ama ko, oo, tingnan mo ang laylayan ng iyong balabal sa aking kamay: sapagka't sa pagputol ko ng laylayan ng iyong balabal ay hindi kita pinatay, talastasin mo at tingnan mo na wala kahit kasamaan o pagsalangsang man sa aking kamay, at hindi ako nagkasala laban sa iyo, bagaman iyong pinag-uusig ang aking kaluluwa upang kunin.

12 Hatulan tayo ng Panginoon, at ipanghiganti ako ng Panginoon sa iyo: nguni't ikaw ay hindi ko pagbubuhatan ng kamay.

13 Gaya ng sabi ng kawikaan ng mga matanda: Sa masama magmumula ang kasamaan: nguni't ikaw ay hindi ko pagbubuhatan ng kamay.

14 Sinong nilabas ng hari ng Israel? sinong hinahabol mo? isang patay na aso, isang kuto.

15 Maging hukom nga ang Panginoon, at hatulan tayo, at tingnan, at ipagsanggalang ang aking usap, at iligtas ako sa iyong kamay.

16 At nangyari, nang makatapos si David ng pagsasalita ng mga salitang ito kay Saul, ay sinabi ni Saul, Ito ba ang iyong tinig, anak kong David? At inilakas ni Saul ang kaniyang tinig, at umiyak.

17 At kaniyang sinabi kay David, Ikaw ay lalong matuwid kay sa akin: sapagka't ikaw ay gumanti sa akin ng mabuti, samantalang ikaw ay aking ginantihan ng kasamaan.

18 At iyong ipinakilala sa araw na ito kung paanong gumawa ka sa akin ng mabuti, sapagka't nang ibigay ako ng Panginoon sa iyong kamay, ay hindi mo ako pinatay.

19 Sapagka't kung masumpungan ng isang tao ang kaniyang kaaway, pababayaan ba niyang yumaong mabuti? kaya't gantihan ka nawa ng Panginoon ng mabuti dahil sa iyong ginawa sa akin sa araw na ito.

20 At ngayo'y narito, talastas ko na ikaw ay tunay na magiging hari, at ang kaharian ng Israel ay matatatag sa iyong kamay.

21 Isumpa mo nga ngayon sa akin sa pangalan ng Panginoon, na hindi mo puputulin ang aking binhi pagkamatay ko, at hindi mo papawiin ang aking pangalan sa sangbahayan ng aking magulang.

22 At sumumpa si David kay Saul. At si Saul ay umuwi; nguni't si David at ang kaniyang mga lalake ay umakyat sa katibayan.

David Spares Saul’s Life

24 [a]After Saul returned from pursuing the Philistines, he was told, “David is in the Desert of En Gedi.(A) So Saul took three thousand able young men from all Israel and set out to look(B) for David and his men near the Crags of the Wild Goats.

He came to the sheep pens along the way; a cave(C) was there, and Saul went in to relieve(D) himself. David and his men were far back in the cave. The men said, “This is the day the Lord spoke(E) of when he said[b] to you, ‘I will give your enemy into your hands for you to deal with as you wish.’”(F) Then David crept up unnoticed and cut(G) off a corner of Saul’s robe.

Afterward, David was conscience-stricken(H) for having cut off a corner of his robe. He said to his men, “The Lord forbid that I should do such a thing to my master, the Lord’s anointed,(I) or lay my hand on him; for he is the anointed of the Lord.” With these words David sharply rebuked his men and did not allow them to attack Saul. And Saul left the cave and went his way.

Then David went out of the cave and called out to Saul, “My lord the king!” When Saul looked behind him, David bowed down and prostrated himself with his face to the ground.(J) He said to Saul, “Why do you listen(K) when men say, ‘David is bent on harming(L) you’? 10 This day you have seen with your own eyes how the Lord delivered you into my hands in the cave. Some urged me to kill you, but I spared(M) you; I said, ‘I will not lay my hand on my lord, because he is the Lord’s anointed.’ 11 See, my father, look at this piece of your robe in my hand! I cut(N) off the corner of your robe but did not kill you. See that there is nothing in my hand to indicate that I am guilty(O) of wrongdoing(P) or rebellion. I have not wronged(Q) you, but you are hunting(R) me down to take my life.(S) 12 May the Lord judge(T) between you and me. And may the Lord avenge(U) the wrongs you have done to me, but my hand will not touch you. 13 As the old saying goes, ‘From evildoers come evil deeds,(V)’ so my hand will not touch you.

14 “Against whom has the king of Israel come out? Who are you pursuing? A dead dog?(W) A flea?(X) 15 May the Lord be our judge(Y) and decide(Z) between us. May he consider my cause and uphold(AA) it; may he vindicate(AB) me by delivering(AC) me from your hand.”

16 When David finished saying this, Saul asked, “Is that your voice,(AD) David my son?” And he wept aloud. 17 “You are more righteous than I,”(AE) he said. “You have treated me well,(AF) but I have treated you badly.(AG) 18 You have just now told me about the good you did to me; the Lord delivered(AH) me into your hands, but you did not kill me. 19 When a man finds his enemy, does he let him get away unharmed? May the Lord reward(AI) you well for the way you treated me today. 20 I know that you will surely be king(AJ) and that the kingdom(AK) of Israel will be established in your hands. 21 Now swear(AL) to me by the Lord that you will not kill off my descendants or wipe out my name from my father’s family.(AM)

22 So David gave his oath to Saul. Then Saul returned home, but David and his men went up to the stronghold.(AN)

Footnotes

  1. 1 Samuel 24:1 In Hebrew texts 24:1-22 is numbered 24:2-23.
  2. 1 Samuel 24:4 Or “Today the Lord is saying