1 Samuel 15:22
Ang Biblia (1978)
22 At sinabi ni Samuel, (A)Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito, (B)ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake.
Read full chapter
Mga Awit 51:16
Ang Biblia (1978)
16 Sapagka't (A)hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita:
Wala kang kaluguran sa handog na susunugin.
Isaias 66:3
Ang Biblia (1978)
3 Siyang pumapatay ng baka ay (A)gaya ng pumapatay ng tao; siyang naghahain ng kordero ay gaya ng bumabali ng leeg ng aso; siyang naghahandog ng alay ay gaya ng naghahandog ng dugo ng baboy; siyang (B)nagsusunog ng kamangyan ay gaya ng pumupuri sa isang diosdiosan. Oo, sila'y nagsipili ng kanilang sariling mga lakad, at ang kanilang kaluluwa ay nalulugod sa kanilang mga kasuklamsuklam na bagay;
Read full chapter
Oseas 6:6
Ang Biblia (1978)
6 Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, (A)at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin.
Read full chapter
Mateo 12:7
Ang Biblia (1978)
7 Datapuwa't kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, (A)Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan.
Read full chapter
Mga Hebreo 10:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Kaya't (A)pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi,
(B)Hain at handog ay hindi mo ibig.
Nguni't isang katawan ang (C)sa akin ay inihanda mo;
6 Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.
7 Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.)
Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978