Add parallel Print Page Options

At pagkatapos nito, si Moises at si Aaron ay nagsipasok, at sinabi kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Bayaan mong ang aking bayan ay yumaon upang ipagdiwang nila ako ng isang (A)kapistahan sa ilang.

Read full chapter

Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, (A)at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin.

Read full chapter

(A)Ano ang aking ilalapit sa harap ng Panginoon, at iyuyukod sa harap ng mataas na Dios? paroroon baga ako sa harap niya na may mga handog na susunugin, na may guyang isang taon ang gulang?

(B)Kalulugdan baga ng Panginoon ang mga libolibong tupa, o ang mga sangpu-sangpung libong ilog na langis? (C)ibibigay ko baga ang aking panganay dahil sa aking pagsalangsang, ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa?

Kaniyang ipinakilala sa (D)iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios.

Read full chapter

13 Datapuwa't magsihayo kayo at inyong pagaralan kung ano ang kahulugan nito, (A)Habag ang ibig ko, at hindi hain: sapagka't hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan.

Read full chapter

Datapuwa't kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, (A)Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan.

Read full chapter

33 At ang siya'y ibigin ng buong puso, at ng buong pagkaunawa, at ng buong lakas, at ibigin ang kapuwa niya na gaya ng sa kaniyang sarili, (A)ay higit pa kay sa lahat ng mga handog na susunugin at mga hain.

Read full chapter