Add parallel Print Page Options

Ang Pakikidigma Laban sa mga Filisteo

13 Tatlumpung[a] taon si Saul nang siya'y maging hari ng Israel. Siya'y naghari sa loob ng dalawang taon.[b]

Pumili si Saul ng tatlong libong tauhan; ang dalawang libo ay isinama niya sa Micmas at sa kaburulan ng Bethel. Ang sanlibo naman ay pinasama niya kay Jonatan sa Gibea, sakop ng Benjamin. Ang iba'y pinauwi niya sa kani-kanilang tolda.

Nasakop na ni Jonatan ang kampo ng mga Filisteo sa Gibea at ito'y napabalita sa buong lupain ng mga Filisteo. Ipinabalita naman ni Saul sa buong Israel ang nangyari at tinawagan ang buong bayan na makidigma.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 13:1 Tatlumpung: Sa tekstong Hebreo ay hindi nakasulat ang bilang na ito, at sa tekstong Griego ay hindi nakasulat ang talatang 1.
  2. 1 Samuel 13:1 dalawang taon: Sa tekstong Hebreo, hindi kumpleto ang pagkakasulat ng bilang na ito.
'1 Samuel 13:1-3' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang pakikipagdigma laban sa Filisteo.

13 Si Saul ay may (apat na pung) taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang taon sa Israel.

At pumili si Saul para sa kaniya ng tatlong libong lalake sa Israel, na ang dalawang libo ay kasama ni Saul sa (A)Michmas at sa bundok ng Bethel, at ang isang libo ay kasama ni Jonathan sa Gabaa ng Benjamin: at ang labis ng bayan ay sinugo niya bawa't isa sa kaniyang tolda.

At sinaktan ni Jonathan ang (B)pulutong ng mga Filisteo na nasa Geba; at nabalitaan ng mga Filisteo. At (C)hinipan ni Saul ang pakakak sa buong lupain, na sinasabi, Marinig ng mga Hebreo.

Read full chapter