Add parallel Print Page Options

10 Pagkatapos, kumuha si Samuel ng lalagyan ng langis at ibinuhos ang langis sa ulo ni Saul. Hinagkan niya si Saul at sinabi, “Ang Panginoon ang pumili sa iyo na mamuno sa kanyang bayan. Pag-alis mo ngayon, may makakasalubong kang dalawang tao malapit sa libingan ni Raquel sa Zelza, sa hangganan ng Benjamin. Sasabihin nila sa iyo, ‘Nakita na ang mga asnong hinahanap ninyo. At ngayon, hindi na ang mga asno ang inaalala ng iyong ama kundi kayo na. Patuloy niyang itinatanong, “Ano ang gagawin ko para makita ko ang aking anak?” ’

“Pagdating mo sa malaking puno ng Tabor, may makakasalubong kang tatlong tao na pupunta sa Betel para sumamba sa Dios. Ang isa sa kanilaʼy may dalang tatlong batang kambing, ang isaʼy may dalang tatlong tinapay at ang isa naman ay may dalang katas ng ubas na nakalagay sa balat na sisidlan. Babatiin ka nila at aalukin ng dalawang tinapay na tatanggapin mo naman. Pagdating mo sa bundok ng Dios sa Gibea, kung saan may kampo ng mga Filisteo, may makakasalubong kang grupo ng mga propeta pababa galing sa sambahan sa mataas na lugar. Tumutugtog sila ng lira, tamburin, plauta at alpa, at nagpapahayag ng mensahe ng Dios. At sasaiyo ang Espiritu ng Panginoon at magpapahayag ka ng mensahe ng Dios kasama nila, at mababago na ang pagkatao mo. Kapag nangyari na ang mga bagay na ito, gawin mo kung ano ang mabuti dahil kasama mo ang Dios.

“Mauna ka na sa akin sa Gilgal. Susunod ako para maghain ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon.[a] Pero hintayin mo ako sa loob ng pitong araw hanggang sa dumating ako, at pagkatapos ay sasabihin ko sa iyo kung ano ang gagawin mo.”

Ginawang Hari si Saul

Nang maghiwalay sila ni Samuel, binago ng Dios ang buhay ni Saul, at ang lahat ng sinabi sa kanya ni Samuel ay nangyari nang araw na iyon. 10 Pagdating ni Saul at ng kanyang utusan sa Gibea, sinalubong siya ng mga propeta. Napuspos siya ng Espiritu ng Dios at nagpahayag din siya ng mensahe ng Dios kasama ng mga propetang iyon. 11 Nang makita siya ng mga nakakakilala sa kanya na nagpapahayag ng mensahe ng Dios kasama ng mga propeta, tinanong nila ang isaʼt isa, “Propeta na rin ba si Saul? Paano naging propeta ang anak ni Kish?” 12 Sumagot ang isang taga-roon, “Hindi na mahalaga kung sino ang kanyang ama; kahit sino ay pwedeng maging propeta.” Dito nagsimula ang kasabihang, “Propeta na rin ba si Saul?”

13 Pagkatapos magpahayag ng mensahe ng Dios, pumunta si Saul sa sambahan sa mataas na lugar. 14 Nagtanong ang tiyuhin ni Saul sa kanya at sa kanyang utusan, “Saan kayo nanggaling?” Sumagot si Saul, “Hinanap po namin ang mga asno. Nang hindi po namin makita ay pumunta kami kay Samuel.” 15 Sinabi ng tiyuhin ni Saul, “Sabihin mo sa akin kung ano ang sinabi ni Samuel sa iyo.” 16 Sumagot si Saul, “Sinabi niyang nakita na ang mga asno.” Pero hindi niya sinabi sa tiyuhin niya ang sinabi ni Samuel tungkol sa kanyang pagiging hari.

17 Tinipon ni Samuel ang mga Israelita sa Mizpa para sabihin sa kanila ang sinabi ng Panginoon. 18 Ito ang mensaheng ibinigay niya galing sa Panginoon, ang Dios ng Israel: “Inilabas ko kayo mula sa Egipto, iniligtas ko kayo sa mga kamay ng mga Egipcio at sa lahat ng bansang umaapi sa inyo. 19 Pero kahit na iniligtas ko kayo sa lahat ng kapahamakan at kagipitan, tinalikuran pa rin ninyo ako na inyong Dios, at humingi kayo ng hari na mamumuno sa inyo. Ngayon humarap kayo sa akin ayon sa lahi ninyo at angkan.”

20 Pinalapit ni Samuel ang bawat lahi ng Israel at ang lahi ni Benjamin ang napili. 21 Pagkatapos, pinapunta ni Samuel sa harapan ang lahi ni Benjamin ayon sa sambahayan at ang pamilya ni Matri ang napili. Si Saul na anak ni Kish ang napili sa pamilya ni Matri, pero nang hanapin nila si Saul ay hindi nila ito makita. 22 Kaya tinanong nila ang Panginoon, “Nasaan po siya?” Sumagot ang Panginoon, “Nandito siya. Nagtatago siya sa bunton ng mga bagahe.” 23 Kaya tumakbo sila papunta kay Saul at kinuha siya. Nang pinatayo siya sa gitna, siya ang pinakamatangkad sa lahat. 24 Sinabi ni Samuel sa lahat ng mga tao, “Ito ang taong pinili ng Panginoon para maghari sa inyo. Wala ni isa man sa atin na katulad niya.” At sumigaw ang lahat ng tao, “Mabuhay ang hari!”

25 Ipinaliwanag ni Samuel sa mga tao ang mga karapatan at pananagutan ng isang hari. Isinulat niya ito sa isang nakarolyong papel at itinago ito sa bahay ng Panginoon. Pagkatapos, pinauwi ni Samuel ang mga tao. 26 Umuwi rin si Saul sa bahay nila sa Gibea. Sinamahan siya ng mga sundalo na hinipo ng Dios ang puso para sumama sa kanya. 27 Dahil may masasamang taong nanlalait kay Saul na nagsabi, “Paano tayo maililigtas ng taong ito?” At hindi sila nagbigay ng regalo kay Saul bilang parangal sa kanya bilang hari. Pero hindi sila pinansin ni Saul.

Footnotes

  1. 10:8 handog para sa mabuting relasyon: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.

Binuhusan ni Samuel si Saul ng langis upang maging hari.

10 (A)Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang (B)mana?

Paghiwalay mo sa akin ngayon, ay masusumpungan mo nga ang dalawang lalake sa siping ng (C)libingan ni Rachel, sa hangganan ng Benjamin sa Selsah; at sasabihin nila sa iyo, Ang mga asno na iyong hinahanap ay nasumpungan na; at, narito, niwalang bahala ng iyong ama ang mga asno, at ang (D)inaalaala ay kayo, na sinasabi, Paano ang aking gagawin sa aking anak?

Kung magkagayo'y magpapatuloy ka mula roon, at darating ka sa ensina ng Tabor; at masasalubong ka roon ng tatlong lalake na inaahon ang Dios sa Beth-el, ang isa'y may dalang tatlong batang kambing, at ang isa'y may dalang tatlong tinapay, at ang isa'y may dalang isang balat na sisidlan ng alak:

At babatiin ka nila, at bibigyan ka ng dalawang tinapay, na iyong tatanggapin sa kanilang kamay.

Pagkatapos ay darating ka sa (E)burol ng Dios, (F)na nandoon ang isang pulutong ng mga Filisteo: at mangyayari pagdating mo roon sa bayan, na makakasalubong ka ng isang pulutong na mga propeta na lumulusong (G)mula sa mataas na dako, na may salterio, at pandereta, at flauta, at alpa sa harap nila; at (H)silay magsisipanghula.

(I)At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sasaiyo, at (J)manghuhula kang kasama nila, at ikaw ay magiging ibang lalake.

At mano nawa, na pagka ang mga tandang ito ay mangyari sa iyo, na gawin mo ang idudulot ng pagkakataon; sapagka't ang Dios ay sumasaiyo.

At ikaw ay lulusong na una sa akin (K)sa Gilgal; at, narito, lulusungin kita, upang maghandog ng mga handog na susunugin, at maghain ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: (L)pitong araw na maghihintay ka, hanggang sa ako'y pumaroon sa iyo, at ituro sa iyo kung ano ang iyong gagawin.

Si Saul na kasama ng ibang mga propeta.

At nangyaring gayon, na nang kaniyang matalikdan na iwan niya si Samuel, ay binigyan siya ng Dios ng ibang puso: at ang lahat na tandang yaon ay nangyari sa araw na yaon.

10 At (M)nang sila'y dumating doon sa burol, narito, isang (N)pulutong na mga propeta ay nasasalubong niya; at ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihang suma kaniya, at siya'y nanghula sa gitna nila.

11 At nangyari nang makita siya ng lahat na nakakakilala sa kaniya nang una, na, narito siya'y nanghuhulang kasama ng mga propeta, ay nagsalisalitaan ang bayan, Ano itong nangyari sa anak ni Cis? Si (O)Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta?

12 At isang taga dakong yaon ay sumagot at nagsabi, At (P)sino ang kanilang ama? Kaya't naging kawikaan, Si Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta?

13 At nang siya'y makatapos ng panghuhula, siya'y sumampa sa mataas na dako.

14 At sinabi ng (Q)amain ni Saul sa kaniya at sa kaniyang bataan, Saan kayo naparoon? At kaniyang sinabi, Upang hanapin ang mga asno, at nang aming makita na hindi mangasumpungan, ay naparoon kami kay Samuel.

15 At sinabi ng amain ni Saul, Isinasamo ko sa iyo na saysayin mo sa akin, kung ano ang sinabi ni Samuel sa inyo.

16 At sinabi ni Saul sa kaniyang amain, Sinabi niyang maliwanag sa amin na ang mga (R)asno ay nasumpungan na. Nguni't tungkol sa bagay ng kaharian, na sinalita ni Samuel, ay hindi niya isinaysay sa kaniya.

17 At tinipon ni Samuel ang (S)bayan sa Panginoon (T)sa Mizpa;

18 At sinabi niya sa mga anak ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Iniahon ko ang Israel mula sa Egipto, at pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto, at sa kamay ng lahat ng mga kaharian na pumighati sa inyo:

19 (U)Nguni't itinakuwil ninyo sa araw na ito ang inyong Dios, na siyang nagligtas sa inyo sa lahat ng mga inyong kasakunaan at mga kapighatian; at sinabi ninyo sa kaniya, Hindi, kundi lagyan mo kami ng isang hari. Ngayon nga'y (V)humarap kayo sa Panginoon ayon sa inyo-inyong mga lipi, at ayon sa inyong mga libolibo.

20 Sa gayo'y (W)pinalapit ni Samuel ang lahat ng mga lipi, at ang lipi ni Benjamin ang napili.

21 At kaniyang inilapit ang lipi ni Benjamin ayon sa kaniyang mga angkan; at ang angkan ni Matri ay siyang napili; at si Saul na anak ni Cis, ay siyang napili: nguni't nang kanilang hanapin siya ay hindi nasumpungan.

22 (X)Kaya't kanilang itinanong uli sa Panginoon, May lalake pa bang paririto? At ang Panginoon ay sumagot, Narito siya'y nagtago sa mga kasangkapan.

23 At sila'y tumakbo at kinuha nila siya roon; at nang siya'y tumayo sa gitna ng bayan, ay mataas siya kay sa sinoman sa bayan, (Y)mula sa kaniyang mga balikat at paitaas.

24 At sinabi ni Samuel sa buong bayan, (Z)Nakikita ba ninyo siya na pinili ng Panginoon, na walang gaya niya sa buong bayan? At ang buong bayan ay sumigaw, at nagsabi, (AA)Mabuhay ang hari.

25 Nang magkagayo'y sinaysay ni Samuel sa bayan ang (AB)paraan ng kaharian, at isinulat sa isang aklat, at inilagay sa harap ng Panginoon. At pinayaon ni Samuel ang buong bayan, na pinauwi bawa't tao sa kaniyang bahay.

26 At si Saul man ay umuwi sa kaniyang bahay sa (AC)Gabaa; at yumaong kasama niya ang hukbo, na ang kanilang mga kalooban ay kinilos ng Dios.

27 (AD)Nguni't sinabi ng (AE)ilang hamak na tao, Paanong ililigtas tayo ng taong ito? At kanilang niwalang kabuluhan (AF)at hindi nila dinalhan ng kaloob. Nguni't siya'y hindi umimik.

'1 Samuel 10 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

立扫罗为王

10 撒母耳把一瓶膏油倒在扫罗的头上,亲吻他,说:“耶和华已经膏立你做祂子民的首领。 你离开我以后,会在便雅悯境内的泄撒、靠近拉结的墓旁遇见两个人。他们会告诉你,走失的驴已经找到,现在你父亲不再为驴担心,反为你担心,说,‘我该怎样找到我的儿子呢?’ 你继续往前走,会在他泊的橡树那里遇见三个人。他们要到伯特利去敬拜上帝,一个牵着三只山羊羔,一个带着三个饼,一个拿着一皮袋酒。 他们会问候你,送你两个饼,你会把饼收下。 此后,你会去上帝的山,那里有非利士人的驻军。你一进城,就会遇见一群先知从丘坛下来,前面有人鼓瑟、敲鼓、吹笛、弹琴,先知们会说预言。 耶和华的灵会降在你身上,你就会跟他们一起说预言,那时,你会变成另一个人。 这些兆头临到你的时候,你就要见机行事,因为上帝与你同在。 你先到吉甲去,在那里等我七天,我会到那里献燔祭和平安祭。我到了以后会告诉你怎么做。”

扫罗转身离开撒母耳,上帝使他心灵焕然一新。撒母耳所说的预言那天都应验了。 10 扫罗和他的仆人来到上帝的山,遇见了一群先知。上帝的灵降在扫罗身上,他就和他们一起说起预言来。 11 以前认识扫罗的人看见他跟先知一起说预言,就议论说:“基士的儿子怎么了?扫罗也做了先知吗?” 12 当地的一个人说:“他们的父亲是谁?”自此以后,“扫罗也做了先知吗”就成为一句谚语。 13 扫罗说完预言以后,就去了丘坛。

14 扫罗的叔叔问他和他的仆人:“你们到哪里去了?”扫罗答道:“我们去找驴,没找着,就去见撒母耳。” 15 扫罗的叔叔说:“请把撒母耳对你们说的话告诉我。” 16 扫罗答道:“他肯定地告诉我们驴已经找到了。”但扫罗没有把自己做王的事告诉叔叔。

17 撒母耳把所有以色列人招聚到米斯巴耶和华那里, 18 说:“以色列的上帝耶和华这样说,‘我带领你们离开埃及,从埃及人及压迫你们的各国之人手中救出你们。’ 19 但你们现在却背弃了拯救你们脱离一切灾难和困苦的上帝,竟然对祂说,‘我们要你立一位王来统治我们。’所以你们现在就按着支派宗族站在耶和华面前吧!”

20 撒母耳让以色列各支派来抽签,结果抽中了便雅悯支派。 21 然后撒母耳让便雅悯支派的各宗族来抽,结果抽中了玛特利家族,最后又抽中了基士的儿子扫罗。大家找扫罗,却找不到他。 22 他们便求问耶和华,说:“这人来了吗?”耶和华说:“他来了,躲在行李堆中。” 23 他们就跑去把扫罗请来。扫罗站在百姓当中,高出众人一头。 24 撒母耳对百姓说:“这就是耶和华为你们选的人。在以色列没有人能比得上他。”众人高呼:“愿王万岁!”

25 撒母耳向百姓说明做君王的权利和责任,又把这些都记在册子上,放在耶和华面前,然后让百姓各自回家。 26 扫罗返回基比亚自己的家时,有一群被上帝感动的勇士跟随他。 27 但有一些市井之徒说:“这人怎能救我们?”就鄙视他,没有送礼物给他,但扫罗没有说什么。