1 Pedro 2
Magandang Balita Biblia
Ang Batong Buháy at ang Bayang Pinili
2 Kaya nga, talikuran na ninyo ang lahat ng kasamaan, ang lahat ng pandaraya, pagkukunwari, pagkainggit at paninirang-puri. 2 Gaya ng sanggol, kayo'y manabik sa dalisay na gatas na espirituwal upang lumago kayo tungo sa kaligtasan, 3 sapagkat(A) “Naranasan na ninyo ang kabutihan ng Panginoon.”
4 Lumapit kayo sa kanya, sa batong buháy na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ng Diyos at mahalaga sa kanyang paningin. 5 Tulad ng mga batong buháy, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga paring itinalaga para sa Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa kanya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, 6 sapagkat(B) sinasabi ng kasulatan,
“Tingnan ninyo,
inilalagay ko sa Zion ang isang batong-panulukan, pinili at mahalaga;
hindi mapapahiya ang sinumang sumasampalataya sa kanya.”
7 Kaya(C) nga, mahalaga siya sa inyong mga sumasampalataya sa kanya, ngunit sa mga hindi sumasampalataya, natutupad ang mga ito:
“Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
ang siyang naging batong-pundasyon.”
8 At(D)
“Ito ang batong katitisuran ng mga tao,
batong ikadadapa nila.”
Natisod sila sapagkat hindi sila sumunod sa salita ng Diyos; ganoon ang nakatakda para sa kanila.
9 Ngunit(E) kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan. 10 Kayo'y(F) hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niya. Noon ay hindi kayo nakatanggap ng habag, ngunit ngayo'y tumanggap na kayo ng kanyang habag.
Maging mga Alipin ng Diyos
11 Mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo, bilang mga dayuhan at pansamantalang naninirahan lamang sa daigdig na ito, talikuran na ninyo ang mga pagnanasa ng laman na nakikidigma sa inyong mga sarili. 12 Mamuhay kayo nang maayos sa gitna ng mga Hentil upang kahit na paratangan nila kayo ng masama, makikita nila ang inyong mabubuting gawa at magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng kanyang pagdating.
13 Alang-alang sa Panginoon, pasakop kayo sa lahat ng may kapangyarihan sa bayan, sa Emperador, na siyang pinakamataas na kapangyarihan, 14 at sa mga gobernador, na isinugo niya upang magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng mabuti. 15 Nais ng Diyos na sa pamamagitan ng inyong wastong pamumuhay ay mapatigil ninyo ang mga hangal sa kanilang kamangmangan. 16 Mamuhay kayong tulad ng mga taong malaya, subalit huwag ninyong gawing dahilan sa paggawa ng masama ang inyong kalayaan. Sa halip, mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos. 17 Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Diyos. Igalang ninyo ang Emperador.
Tularan ang Pagtitiis ni Cristo
18 Mga alipin, magpasakop kayo sa inyong mga amo at igalang ninyo sila, hindi lamang ang mababait at mapagbigay kundi pati ang malulupit. 19 Sapagkat kapuri-puri ang nagtitiis ng parusa kahit walang kasalanan, bilang pagsang-ayon sa kalooban ng Diyos. 20 Maipagmamalaki ba ang magtiis ng parusa kung ito ay dahil sa paggawa ng masama? Hindi! Ngunit kung magtiis kayo ng hirap sa kabila ng paggawa ninyo ng mabuti, pagpapalain kayo ng Diyos. 21 Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, nag-iwan siya sa inyo ng isang halimbawa na dapat ninyong lubos na tularan. 22 Hindi(G) siya gumawa ng anumang kasalanan, o nagsinungaling kailanman. 23 Nang(H) siya'y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto. Nang siya'y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol. 24 Sa(I) kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang ating mga kasalanan upang tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang mga sugat, kayo'y pinagaling. 25 Sapagkat kayo ay tulad ng mga tupang naligaw, ngunit ngayon kayo'y nanumbalik na upang sumunod sa Pastol at Tagapangalaga ng inyong mga kaluluwa.
1 Pedro 2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Batong Buháy at ang Bansang Banal
2 Kaya't talikuran na ninyo ang lahat ng kasamaan, ang lahat ng pandaraya, pagkukunwari, pagkainggit, at paninirang-puri. 2 Gaya ng mga sanggol, manabik kayo sa dalisay na gatas espirituwal, upang sa pamamagitan nito ay lumago kayo sa inyong karanasan ng kaligtasan, 3 yamang naranasan (A) na ninyo ang kabutihan ng Panginoon. 4 Sa paglapit ninyo sa kanya, ang batong buháy na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ng Diyos at mahalaga sa kanyang paningin, 5 kayo mismo, tulad ng mga batong buháy, ay itinatayo bilang bahagi ng isang templong espirituwal upang maging mga paring itinalaga para sa Diyos. Kaya't mag-alay kayo ng mga espirituwal na handog na kalugud-lugod sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 6 Sapagkat (B) ito ang isinasaad ng kasulatan:
“Masdan ninyo, naglalagay ako sa Zion ng isang batong panulok, pinili at mahalaga;
hindi mapapahiya ang sinumang sumasampalataya sa kanya.”
7 Ngayon, (C) sa inyong mga sumasampalataya, siya'y mahalaga; subalit sa mga hindi sumasampalataya,
“Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo
ang siyang naging batong panulok,”
8 at, (D)
“Isang batong katitisuran ng mga tao
at dahilan ng kanilang pagkadapa.”
Sila'y natisod dahil sa pagsuway nila sa salita, at iyon din naman ang kanilang kahihinatnan.
9 Ngunit (E) kayo'y isang lahing pinili, mga paring naglilingkod sa hari, isang bansang banal, sambayanang pag-aari ng Diyos. Hinirang kayo upang inyong ipahayag ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos na tumawag sa inyo mula sa kadiliman at nagdala sa inyo sa kanyang kahanga-hangang liwanag. 10 Noon ay (F) hindi kayo sambayanan, ngunit ngayo'y sambayanan kayo ng Diyos. Noon ay pinagkaitan kayo ng habag, ngunit ngayo'y kinahahabagan kayo.
Mamuhay Bilang mga Lingkod ng Diyos
11 Mga minamahal, ipinapakiusap ko sa inyo bilang mga dayuhan at pansamantalang naninirahan sa daigdig na ito, iwasan ninyo ang makamundong pagnanasa na nakikipaglaban sa inyong kaluluwa. 12 Mamuhay kayo nang kagalang-galang sa gitna ng mga di-sumasampalataya upang kahit na pinaparatangan nila kayo ng masama, makikita nila ang inyong mabubuting gawa at luluwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng kanyang paghuhukom. 13 Alang-alang sa Panginoon, pasakop kayo sa bawat pamahalaan ng tao, maging sa haring pinakamataas, 14 o sa mga gobernador na inatasan niya upang parusahan ang mga gumagawa ng masama at parangalan ang mga gumagawa ng mabuti. 15 Sapagkat kalooban ng Diyos na sa paggawa ninyo ng mabuti ay inyong mapatahimik ang mga hangal dahil sa kanilang kamangmangan. 16 Mamuhay kayong tulad ng mga taong malaya, ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaang ito upang bigyang-katwiran ang pantakip sa paggawa ng masama, sa halip, mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos. 17 Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ninyo ang mga kapatid kay Cristo. Matakot kayo sa Diyos. Igalang ninyo ang hari.
Ang Halimbawa ng Pagdurusa ni Cristo
18 Mga alipin, buong galang kayong magpasakop sa inyong mga panginoon; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, kundi maging sa malulupit. 19 Sapagkat kapuri-puri, na dahil sa pagkakilala ninyo sa Diyos, ay magtiis kayo ng parusa kahit walang kasalanan. 20 Ano'ng pakinabang kung kayo'y parusahan dahil sa paggawa ng masama? Ngunit kalulugdan kayo ng Diyos kung kayo'y magtiis ng dusa dahil sa paggawa ng mabuti. 21 Ito ang dahilan kung bakit kayo tinawag, sapagkat si Cristo ay nagdusa para sa inyo, at nag-iwan siya ng halimbawa upang inyong sundan.
22 “Wala (G) siyang ginawang anumang kasalanan,
at sa bibig niya'y walang kasinungalingang natagpuan.”
23 Nang (H) siya'y alipustain, hindi siya gumanti; nang siya'y nagdusa, hindi siya nagbanta, sa halip, nagtiwala siya sa Diyos na Makatarungang humatol. 24 Sa (I) kanyang pagkamatay sa krus,[a] pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tayo'y mamatay sa kasalanan at mamuhay sa katuwiran. Sa pamamagitan ng kanyang mga sugat, kayo ay gumaling. 25 Sapagkat kayo'y tulad ng mga tupang naligaw ng landas, ngunit ngayon ay nagbalik na kayo sa kanya, siya na Pastol at Tagapag-alaga ng inyong mga kaluluwa.
Footnotes
- 1 Pedro 2:24 Sa Griyego sa kanyang katawan sa puno.
1 Peter 2
New International Version
2 Therefore, rid yourselves(A) of all malice and all deceit, hypocrisy, envy, and slander(B) of every kind. 2 Like newborn babies, crave pure spiritual milk,(C) so that by it you may grow up(D) in your salvation, 3 now that you have tasted that the Lord is good.(E)
The Living Stone and a Chosen People
4 As you come to him, the living Stone(F)—rejected by humans but chosen by God(G) and precious to him— 5 you also, like living stones, are being built(H) into a spiritual house[a](I) to be a holy priesthood,(J) offering spiritual sacrifices acceptable to God through Jesus Christ.(K) 6 For in Scripture it says:
“See, I lay a stone in Zion,
a chosen and precious cornerstone,(L)
and the one who trusts in him
will never be put to shame.”[b](M)
7 Now to you who believe, this stone is precious. But to those who do not believe,(N)
8 and,
They stumble because they disobey the message—which is also what they were destined for.(R)
9 But you are a chosen people,(S) a royal priesthood,(T) a holy nation,(U) God’s special possession,(V) that you may declare the praises of him who called you out of darkness into his wonderful light.(W) 10 Once you were not a people, but now you are the people of God;(X) once you had not received mercy, but now you have received mercy.
Living Godly Lives in a Pagan Society
11 Dear friends,(Y) I urge you, as foreigners and exiles,(Z) to abstain from sinful desires,(AA) which wage war against your soul.(AB) 12 Live such good lives among the pagans that, though they accuse you of doing wrong, they may see your good deeds(AC) and glorify God(AD) on the day he visits us.
13 Submit yourselves for the Lord’s sake to every human authority:(AE) whether to the emperor, as the supreme authority, 14 or to governors, who are sent by him to punish those who do wrong(AF) and to commend those who do right.(AG) 15 For it is God’s will(AH) that by doing good you should silence the ignorant talk of foolish people.(AI) 16 Live as free people,(AJ) but do not use your freedom as a cover-up for evil;(AK) live as God’s slaves.(AL) 17 Show proper respect to everyone, love the family of believers,(AM) fear God, honor the emperor.(AN)
18 Slaves, in reverent fear of God submit yourselves to your masters,(AO) not only to those who are good and considerate,(AP) but also to those who are harsh. 19 For it is commendable if someone bears up under the pain of unjust suffering because they are conscious of God.(AQ) 20 But how is it to your credit if you receive a beating for doing wrong and endure it? But if you suffer for doing good and you endure it, this is commendable before God.(AR) 21 To this(AS) you were called,(AT) because Christ suffered for you,(AU) leaving you an example,(AV) that you should follow in his steps.
23 When they hurled their insults at him,(AY) he did not retaliate; when he suffered, he made no threats.(AZ) Instead, he entrusted himself(BA) to him who judges justly.(BB) 24 “He himself bore our sins”(BC) in his body on the cross,(BD) so that we might die to sins(BE) and live for righteousness; “by his wounds you have been healed.”(BF) 25 For “you were like sheep going astray,”[f](BG) but now you have returned to the Shepherd(BH) and Overseer of your souls.(BI)
Footnotes
- 1 Peter 2:5 Or into a temple of the Spirit
- 1 Peter 2:6 Isaiah 28:16
- 1 Peter 2:7 Psalm 118:22
- 1 Peter 2:8 Isaiah 8:14
- 1 Peter 2:22 Isaiah 53:9
- 1 Peter 2:25 Isaiah 53:4,5,6 (see Septuagint)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.