1 Pedro 5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pangangalaga sa Kawan ng Diyos
5 Sa mga pinuno[a] sa inyo, nananawagan ako bilang kapwa pinuno at saksi sa mga pagdurusa ni Cristo, at bilang kabahagi sa karangalang ihahayag, nakikiusap ako 2 na (A) alagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Pamahalaan ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang, gaya ng nais ng Diyos.[b] Gawin ninyo ito hindi dahil sa pag-ibig sa salapi, kundi dahil sa pagnanais na maglingkod, 3 hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi bilang halimbawa sa kawan. 4 At pagdating ng Pinakapunong Pastol, tatanggap kayo ng korona ng kaluwalhatiang di kumukupas kailanman.
5 Kayo (B) namang mga kabataan, pasakop kayo sa mga pinuno.[c] Maging mapagpakumbaba kayo sa pakikitungo sa isa't-isa sapagkat nasusulat,
“Sinasalungat ng Diyos ang mga mapagmataas,
ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.”
6 Kaya't (C) magpakumbaba kayo at pasakop sa Makapangyarihang Diyos, at kayo'y itataas niya sa takdang panahon. 7 Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang lahat ng inyong kabalisahan sapagkat siya'y nagmamalasakit sa inyo. 8 Maging handa kayong lagi at magbantay. Ang diyablo na kaaway ninyo ay parang leong umaaligid at umaatungal at naghahanap ng kanyang lalamunin. 9 Labanan ninyo siya at maging matatag sa inyong pananampalataya. Alam naman ninyong ang mga ganitong kahirapan ay dinaranas din ng inyong mga kapatid sa buong daigdig. 10 Pagkatapos ninyong magdusa nang kaunting panahon, ang Diyos na pinagmumulan ng biyaya at tumawag sa inyo na maging kabahagi ng kanyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo ang siya ring magpapanumbalik, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo. 11 Sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman! Amen.
Pangwakas na Pagbati
12 Sinulat (D) ko ang maikling liham na ito sa tulong ni Silas, na itinuturing kong tapat nating kapatid, upang pasiglahin kayo at patotohanang ito ang tunay na biyaya ng Diyos. Dito kayo magpakatatag. 13 Binabati (E) kayo ng babaing nasa Babilonia, na hinirang din tulad ninyo. Binabati rin kayo ng anak kong si Marcos. 14 Magbatian kayo ng halik ng pag-ibig.
Kapayapaan ang sumainyong lahat na nakay Cristo.[d]
Footnotes
- 1 Pedro 5:1 Sa Griyego, matatanda.
- 1 Pedro 5:2 Wala ito sa ibang mga manuskrito.
- 1 Pedro 5:5 Sa Griyego, matatanda.
- 1 Pedro 5:14 Sa ibang manuskrito mayroong Amen.
1 Peter 5
Tree of Life Version
Shepherds Lead by Example
5 Therefore I appeal to the elders among you—as a fellow elder and witness of Messiah’s sufferings, and a partaker also of the glory about to be revealed— 2 shepherd God’s flock among you. Watch over it not under compulsion but willingly before God, not for dishonest gain but eagerly. 3 Don’t lord it over[a] those apportioned to you, but become examples to the flock. 4 When the Chief Shepherd appears, you will receive the unfading crown of glory. 5 Likewise, you younger ones, submit yourselves to the elders. And all of you, clothe yourselves with humility toward one another, for
“God opposes the proud,
but gives grace to the humble.”[b]
6 Therefore humble yourselves under the mighty hand of God, so that He may lift you up at the appropriate time. 7 Cast all your worries on Him,[c] for He cares for you. 8 Stay alert! Watch out! Your adversary the devil prowls around like a roaring lion, searching for someone to devour. 9 Stand up against him, firm in your faith, knowing that the same kinds of suffering are being laid upon your brothers and sisters throughout the world. 10 After you have suffered a little while, the God of all grace—who has called you into His eternal glory in Messiah—will Himself restore, support, strengthen, and establish you. 11 All power to Him forever![d] Amen.
Final Greetings
12 Through Silvanus,[e] whom I consider our faithful brother, I have written to you briefly, encouraging and testifying that this is the true grace of God. Stand firm in it! 13 Messiah’s community in Babylon, chosen together with you, sends you greetings. So does my son Mark. 14 Greet one another with a kiss of love.
Shalom to you all who are in Messiah. Amen.
Footnotes
- 1 Peter 5:3 cf. Ezek. 34:4.
- 1 Peter 5:5 Prov. 3:34.
- 1 Peter 5:7 cf. Ps. 55:23(22).
- 1 Peter 5:11 Some mss. read All glory and power to Him forever and ever; cf. 1 Pet. 4:11.
- 1 Peter 5:12 Or Silas; cf. Acts 15:22ff.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Tree of Life (TLV) Translation of the Bible. Copyright © 2015 by The Messianic Jewish Family Bible Society.
