Add parallel Print Page Options

Pagdurusa Bilang Cristiano

12 Mga minamahal, huwag kayong magtaka na dumaraan kayo sa mabibigat na pagsubok na para bang hindi ito pangkaraniwang pangyayari. 13 Sa halip, dapat kayong magalak, sapagkat kayo'y nakikibahagi sa mga pagdurusa ni Cristo upang lubos kayong magalak kapag nahayag na ang kanyang kaluwalhatian. 14 Pinagpala kayo kapag kayo'y nilalait dahil sa pangalan ni Cristo sapagkat ang maluwalhating Espiritu ng Diyos ay lulukob sa inyo. 15 Huwag sanang mangyaring maparusahan ang sinuman sa inyo dahil sa pagiging mamamatay-tao, magnanakaw, o sa paggawa ng anumang kasamaan o pakikialam sa buhay ng iba. 16 Ngunit kung kayo'y magdusa dahil sa pagiging Cristiano, huwag ninyong ikahiya ito, sa halip ay magpuri kayo sa Diyos sapagkat taglay ninyo ang pangalan ni Cristo.

Read full chapter