Font Size
1 Pedro 1:13-15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Pedro 1:13-15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Panawagan Tungo sa Banal na Pamumuhay
13 Kaya't ihanda na ninyo ang inyong isipan para sa dapat ninyong gawin.[a] Magpigil kayo sa sarili at lubos na asahan ang pagpapalang mapasasainyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo. 14 Tulad ng mga masunuring anak, huwag na kayong mabuhay sa masasamang hilig na ginagawa ninyo noong wala pa kayong kaalaman. 15 Sa halip, kung paanong banal ang Diyos na tumawag sa inyo, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa.
Read full chapterFootnotes
- 1 Pedro 1:13 Sa Griyego, bigkisin ninyo ang mga baywang ng inyong pag-iisip.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.